Loading ...
Sorry, an error occurred while loading the content.

tagalog news (5:30pm dzas news)

Expand Messages
  • FEBC News and Current Affairs
    tagalog news march 20, 2k3 5:30pm dzas news edition international news ... Halos dalawang oras matapos ang ultimatum ni US president george w. bush kay iraqi
    Message 1 of 8 , Mar 20, 2003
    • 0 Attachment
      tagalog news
      march 20, 2k3
      5:30pm dzas news edition



      international news ...

      Halos dalawang oras matapos ang ultimatum ni US president george w.
      bush kay iraqi president saddam hussein, nagsimula na ang giyera sa
      iraq.

      Sunod-sunod na pagsabog ang yumanig sa katimugang bahagi ng iraq
      dakong alas-singko kwarenta'y singko ng madaling araw, oras sa iraq.

      Agad na tumunog ang sirena sa buong baghdad bilang hudyat sa mga
      mamamayan na maging handa sa anumang posibleng maganap.

      Nagpakawala ang irag ng mga anti-aircraft fire.

      Narinig naman ang ugong ng jets sa himpapawid ng baghdad.

      Ang mga F-177-A Stelt fighters at multiple cruise missiles mula sa
      mga US war ships na nakaposisyon sa paligid ng iraq ang nagpakawala
      ng bomba.

      Nakapwesto na rin ang tatlong daang libong tropa ng amerika at
      britanya sa persian gulf region na naghihintay na lamang ng hudyat
      para pumasok sa iraq.

      May kabuuang apatnapung missiles ang pinakawalan ng US led forces sa
      baghdad iraq kung saan ito ay nakatuon para targetin o tuunan ang
      kanilang pambobomba si iraqi leader saddam hussein kasama ang kanyang
      dalawang anak.




      International news ...

      Nagpalabas na ng mensahe si hussein na nananawagan sa lahat ng
      kanyang mamamayan na magdasal para sa kanilang kaligtasan kontra mga
      tinatawag na foreign aggressor.

      Ayon sa kanilang napag-alaman, ilang himpilan ng radyo sa iraq ang
      patuloy na naghihimpapawid ng regular na palatuntunan subalit
      paminsan minsan ay pinapasukan ng deklarasyon ng pagsalungat sa
      isinagawang paglusob ng amerika.

      Sinabi rin ng pamunuan ng bansang iraq na kanilang ipagtatanggol ang
      kanilang pinuno at kanilang bansa sa abot ng kanilang kakayahan,
      lahat ng kanilang lakas ay kanilang gagamitin upang ito ay
      maipagtanggol o mailayo sa paglusob.

      Sa ibang dako, sinabi ni deputy prime tarek aziz na walang
      katotohanan ang unang napabalita na siya ay napatay o nagdefect sa
      ibang bansa

      Sinabi niya na magpapatuloy ang ganitong uri ng balita upang gamitin
      sa kanila bilang psychological war para panghinaan ng loob ang iraqi
      forces.





      international news ...

      Inihayag ni US president george w. bush na sinimulan na ng coalition
      forces ang pagsalakay sa selected targets na may military importance
      upang mapahina ang kakayahan ni saddam hussein na maglunsad ng
      digmaan.

      Inihayag ni bush na mahigit tatlumpu't limang bansa ang tumutulong sa
      kanilang laban.

      Tinawag ito ni bush bilang "Coalition of the Willing" .

      Subalit tiniyak ni bush na sisikaping nilang huwag madamay ang mga
      sibilyan sa opensiba sa iraq.

      Ayon kay bush, posibleng tumagal at maging mahirap ang kampanya laban
      kay saddam hussein.

      In cue : now that conflict has come ...
      Out cue : we will prevail.

      Ang bahagi ng pahayag ni US president george w. bush mula sa white
      house.





      international news ...

      Bago pa man mapaso ng ultimatum ni US president george w. bush kay
      iraqi leader saddam hussein, binomba na ng amerika ang halos isang
      dosenang artillery ng iraq sa southern no fly zone nito.

      Nagpakawala ng precision munitions ang american war planes at mga
      kaalyadong bansa.

      Kabilang sa nawasak ang iraqi cable repeater site at isang al-ababil
      surface-to-surface missile launcher.

      Kasabay ng pambobomba ang pagpapa-ulan ng mahigit dalawang milyong
      leaflet na humihikayat sa mga kaalyado ni saddam na sumuko na at
      ipinaiiwas ang mga sibilyan sa mga military target.

      Labing pitong sundalong iraqi naman ang agad na sumuko sa mga tropa
      ng amerikano.





      International news ...

      Mariing pinabulaanan ni iraqi deputy prime minister tareq aziz ang
      napaulat na siya ay nabaril o bumaligtad na mula sa pamahalaan ni
      iraqi leader saddam hussein.

      Lumabas sa isang news conference si aziz na nakasuot ng military
      uniform at may hawak na pistola.

      Binigyang diin nito na para sa kanya at sa matapang na liderato ng
      iraq, ipinanganak sila sa iraq kaya doon na rin sila mamamatay.




      International news ...

      Mahihirapan nang makalabas ng baghdad iraq ang walo pang pilipinong
      nananatili doon kasunod ng pagputok ng digmaan.

      Ayon kay kotowato arimao, officer in charge ng philippine embassy sa
      baghdad, wala nang masyadong sasakyan sa baghdad.

      Habang ayaw na ring magbiyahe sa baghdad ng mga driver mula sa jordan.

      Anim sa mga naiwang pilipino sa iraq ang nakapag-asawa ng mga iraqi
      habang ang dalawa ay pawang mga mamamahayag.




      International news ...

      Isinara na ng mga lokal na opisyal ng kuwait ang mga daan patungong
      kuwait city international airport.

      Pawang mga empleyado at mga pasahero lamang ang pinayagang makapasok
      ng airport at hindi umano magpapapasok ng sinuman hanggat hindi
      kumakalma ang sitwasyon.

      samantala, lumikas na ang mga Kurds sa northern iraq at nagsitakbo
      patungo sa mga kabundukan.

      sa southern region, kumikilos na rin ang mga iraqi patungong straits
      of hormus palabas ng persian ulf.

      Sa israel, bago pa man nagpakawala ng bomba ang amerika sa iraq,
      naglabas na agad ng kautusan ang israel sa mga mamamayan ng tel aviv
      at jerusalem na ihanda ang kanilang mga gas masks bilang paghahanda
      sa panganib ng biochemical attack.





      National news ...

      Tiniyak ni pangulong arroyo na hindi na magpapadala ang bansa ng
      pwersang militar sa inumpisahang giyera ng estados unidos sa iraq.

      Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng philippine military academy
      class 2003 , sinabi ng pangulo na magbibigay lamang ang bansa ng
      political at moral support sa hakbang na madisarmahan ang iraq bilang
      bahagi ng coalition of the willing.

      Gayunman, inihayag ng pangulo na handa ang bansa na magpadala ng
      peacekeeping at humanitarian assistance sa iraq kapag natapos na ang
      giyera alinsunod na rin sa gagawing mga konsultasyon.





      National news ...

      Nanawagan si pangulong arroyo sa mga pilipinong manggagawa sa gitnang
      silangan na magkaisa at magdasal.

      Sinabi ng pangulo na sisiguruhin ng pamahalaang pilipinas ang
      kanilang kaligtasan gayundin ang kaligtasan ng mga pamilya nila dito
      sa bansa.

      Bukas aniya ang mga embahada ng pilipinas sa ibat ibang lugar sa
      gitnang silangan at anumang oras ay pwedeng humingi ng tulong ang mga
      overseas filipino workers.

      Muling ring umapila ang pangulo sa sambayanang pilipino na magkaisa
      at maging kalmado ngayong nahaharap ang mundo sa krisis.

      Sinabi ng pangulo na dapat ding maging alerto ang bawat isa para sa
      seguridad ng lahat.

      Samantala, inatasan na ni pangulong arroyo ang mga lokal na opisyal
      ng pamahalaan na kaagad pulungin ang crisis management committee sa
      buong bansa kasunod ng pagputok ng giyera sa iraq.

      Sinabi ng pangulo na gusto niyang personal na pangasiwaan ng mga
      local chief executives ang pagpapatupad ng lahat ng contingency plans
      ng gobyerno.

      Inutusan din ng pangulo si interior and local government secretary
      joey lina na masusing imonitor ang mga nasabing aktibidad at regular
      na mag-ulat sa kanya hinggil sa kahandaan ng mga lokal na pamahalaan.

      Nangangamba ang pangulo na baka sabayan ng mga extremists groups sa
      bansa ang giyera sa gitnang silangan bilang pakikisimpatya sa
      liderato ni iraqi president saddam hussein.




      National news ...

      Umatras na si pangulong arroyo sa isyu ng posibleng paggamit niya ng
      emergency powers.

      Sa kanyang pananalita sa pagtatapos ng PMA class 2003, nilinaw ng
      pangulo na hindi pa naman niya kailangan ngayon ang emergency powers

      Inihayag ng chief executive na kokonsultahin muna niya ang kongreso
      bago gamitin ang nasabing kapangyarihan taliwas sa nauna niyang
      pahayag na hindi na niya kailangan ang basbas ng kongreso.

      Iginiit ng pangulo na seryoso ang kanyang babala sa mga
      magsasamantala sa kasalukuyang krisis.

      Bukod sa mga hoarders ng pangunahing bilihin, sinabi ng pangulo na
      mahaharap sa mabigat na parusa ang mga dollar speculators.

      Sinabi ng pangulo na ang imbestigasyon sa anim na bangkong
      pinaghihinalaang speculators ay patunay na seryoso ang pamahalaan
      laban sa mga sasabotahe sa ekonomiya.

      Naniniwala ang pangulo na magiging mabilis ang giyerang nagaganap sa
      iraq.

      Samantala, pinayuhan ng pangulo ang publiko na huwag marinig sa mga
      ispekulasyon sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

      Tiniyak ng chief executive na sapat ang supply ang pagkain at langis
      ng bansa.




      Nanawagan rin si trade and industry secretary mar roxas sa publiko na
      itawag sa DTI hotline number 896-57-40 ang sinumang magsasamantala sa
      kaguluhan sa middle east.

      Tiniyak ni roxas na maraming supply at matatag ang presyo ng mga
      pangunahing bilihin sa bansa.

      Ayon naman kay finance secretary jose isidro camacho , may nakalatag
      nang contingency measures ang bangko sentral ng pilipinas kaugnay ng
      posibleng pagka-antala sa pagpapadala ng remittances ng mga OFWS sa
      gitnang silangan.




      international news ...

      Nakahanda ang organization of the petroleum exporting countries o
      OPEC na punan ang anumang kakulangan sa supply ng krudo sa mundo sa
      harap ng pag-atake ng amerika sa iraq.

      Ayon sa tagapag-salita ng OPEC, titiyakin nitong hindi magkakaroon ng
      kakulangan ng supply ng langis sa buong mundo.

      Ang Iraq ay karaniwang nakakapag-produce ng 2.5 milyong bariles ng
      langis kada araw kaya't pinaniniwalaang labis na maapektuhan ang
      supply ng langis ngayong nagsimula na ang digmaan sa iraq.







      Business news ...

      Mataas ng 1.85 percent ang naging pagsasara ngayong araw ng share
      prices ng pilipinas.

      Ito ay ilang oras makaraang ilunsad ng amerika ang giyera laban sa
      iraq.

      Umangat rin ng 18.87 points ang pagsasara ng composite index.

      Tinalo naman ng gainers ang mga losers , 61 to 5. Habang nanatili
      namang hindi nagbago ang dalawampu't limang stocks.

      Umani ng 5.54 points ang mga banks and financial services habang
      umakyat naman ng 26.88 points ang commercial-industrial index.

      Sa singapore, mababang naitala ang oil prices sa asian trading.

      Naikalakal sa 29.42 dollars bawat bariles ang benchmark ng new york
      light sweet crude contract para sa April delivery.

      Ito ay mas mababa ng 46 cents mula sa pagsasara kahapon sa 28.88
      dollars.

      Ayon kay john crains, pinuno ng research sa IDEAglobal, tiwala ang
      merkado na agad na matatapos ang digmaan sa iraq kaya umaasa silang
      agad na makababalik sa merkado ang iraqi oil supply.



      Business news ...

      Nagbanta si trade and industry secretary mar roxas na papatawan ng
      matinding parusa ang mga masasangkot sa price manipulation at dollar
      hoarding kasunod ng pagsisimula ng giyera sa iraq.

      Binigyang diin ni roxas na gagawin ng DTI ang makakaya nito upang
      maparusahan ang hoarders at price fixers.

      Ipinag-utos ni roxas ang activation ng DTI 24-hour consumer hotlines
      kung saan maaring ireport ng publiko ang hindi karaniwang galaw sa
      presyo ng mga pangunahing bilihin.

      Inatasan din niya ang regional directors ng DTI na i-activate ang
      local price coordinating councils at paigtingin ang price monitoring
      para matiyak ang katatagan sa presyo at supply ng mga pangunahing
      bilihin.




      International news ...

      Aabot sa isang libong miembro ng US troops ang umatake sa mga bayan
      sa timog-silangang afghanistan para tugisin ang mga tauhan ng al-
      qaeda terrorist network.

      Inihatid ng mga helicopter ang mga tauhan ng 82nd airborne division
      ng army sa bulubunduking lugar sa southeastern afghanistan para
      hanapin ang kinaroroonan ni osama bin laden at mga kasapi ng terror
      network.

      Kinumpirma ng mga opisyal sa afghanistan ang naturang opensiba na may
      code name "valiant strike".

      Anila, nagsimula kaninang umaga ang air assult malapit sa southern
      kandahar - ang dating pugad ng Taliban.


      International news ...

      Isinailalim sa pinakamataas na alerto ang mga sundalo ng south korea
      sa gitna na banta na posibleng samantalahin ng north korea ang
      kaganapan sa iraq para maglunsad ng tensyon sa korean peninsula.

      Ang naturang hakbang ang kauna-unahan sa loob ng nakalipas na pitong
      taon.

      Apektado ng highest alert ang military intelligence at iba pang units
      na naka-assign upang bantayan ang hangganan. Wala namang troop
      movements na inaasahan sa kabila ng alerto.

      Ayon kay presidential spokesperson Song Kyoung-hee, kailangan nilang
      maging mapagbantay laban sa tangka ng north korea na maglunsad ng
      karahasan.

      Inaaasahang isang statement ang ipalalabas ngayong araw ni south
      korean president roh moo-hyun para sa kanyang mamamayan sa
      pamamagitan ng isang live, televised speech.


      International news ...

      Binigyang diin ni UN secretary general koffi annan sa harap ng UN
      security council na isa pa ring napakahalagang lupon ang united
      nations sa kabila ng pagbalewala dito ng amerika at britanya.

      Malungkot ang araw na ito sa UN kasunod ng pagsisimula ng digmaan sa
      iraq.

      Umapila ai annan ng pagkakaisa sa united nations at ipinabatid ang
      mahalagang papel nito sa muling pagbangon ng Iraq matapos ang giyera.

      Ang pahayag na ito ni annan ay ginanap sa pulong ng foreign ministers
      kung saan muling nagpahayag ng pagsalungat sa US-led war on iraq ang
      mga bansang germany, france at russia.

      Ayon kay joshka fischer, foreign minister ng germany, wala sa
      katwiran ang pag-atake ng amerika sa iraq.




      National news ...

      Bumagsak ang presyo ng krudo sa world market ng mahigit sa isang
      dolyar makaraang umpisahan ng amerika ang giyera sa iraq.

      Ang brent crude oil ng london ay bumaba ng 1-dollar and 25-cents at
      ngayon ay mabibili na sa 21-dollars and 50-cents kada bariles.

      Samantala, bumaba naman ng 1-dollar and 38 cents ang bawat bariles ng
      US light crude na ngayon ay mabibili na sa 28-dollars and 5-cents.

      Naniniwala ang commodities strategist na si david trutle ng
      commonwealth bank sa sydney na ang biglaang pagbulusok sa presyo ng
      langis ay sanhi ng unti-unting pagkakawala ng pangamba at
      paniniwalaang matatapos kaagad ang giyera sa gitnang silangan.




      National news ...

      Inilagay ng philippine national police sa full alert ang buong bansa
      kaugnay ng posibleng pag-atake ng ilang grupo sa harap ng pag-atake
      ng estados unidos sa iraq.

      Inatasan ni PNP chief hermogenes ebdane ang lahat ng labing anim na
      PNP regional offices at ang national support units nito na laging
      maging handa at maglatag ng mga kaukulang mga contingency plan

      Kinansela rin ng PNP ang lahat ng leave of absence ng kanilang hanay.

      Samantala, tiniyak ng pamunuan ng moro islamic liberation front na
      hindi sila magsasagawa ng sympathy attack sa kabila ng pag-atake ng
      estados unidos sa iraq.

      Ayon kay MILF spokesman eid kabalu, walang kinalaman sa digmaan ng
      iraq at amerika ang MILF sa kabila ng pagiging isa nitong muslim
      country.

      Sinabi ni kabalu na pawang depensa lamang sa militar ang kanilang
      isasagawa sakaling tuluyang sumiklab ang giyera sa gulpo.




















































      nai
    • FEBC News and Current Affairs
      Tagalog news June 3, 2003 National news ... Kumikilos na umano ang ilang grupo para gapangin ang mga kongresista upang makumbinsi na patayin na sa committee
      Message 2 of 8 , Jun 4, 2003
      • 0 Attachment
        Tagalog news
        June 3, 2003



        National news ...

        Kumikilos na umano ang ilang grupo para gapangin ang mga kongresista
        upang makumbinsi na patayin na sa committee level ang impeachment
        complaint laban sa mga mahistrado ng korte suprema.

        Kinumpirma ni opposition congressman rolex suplico na may kumakausap
        na sa mga kongresista na huwag lumagda sa impeachment complaint.

        Kapalit umano nito ang sinasabing suhol sa pamamagitan ng pork barrel.

        Tumanggi naman si suplico na kilalanin kung sino ang grupong
        nagsasagawa ng hakbang kontra sa impeachment complaint.




        National news ...

        Hindi apektado ang mga mahistrado ng korte suprema sa impeachment
        complaint na inihain laban sa kanila ng kampo ni dating pangulong
        joseph estrada.

        Binalewala lamang ni acting chief justice josue bellosilo ang
        naturang reklamo.

        Binigyang diin ni bellosilo na wala naman silang nagawang anumang
        kamalian o pagkakasala nang papanumpain bilang pangulo ng bansa ang
        dating bise presidente na si gloria arroyo.

        Samantala, naniniwala naman si dating pangulong corazon aquino na
        malalampasan ng korte suprema ang impeachment complaint na inihain ni
        dating pangulong estrada.

        Ayon kay aquino, maraming beses nang nangibabaw ang legalidad sa
        administrasyon na naaayon naman sa saligang batas.





        National news ...

        Hindi ang paggawa ng sistema at pag-iingay ang naging dahilan ng
        oposisyon sa pag-e-endorso ng impeachment complaint laban sa walong
        mahistrado ng korte suprema.

        Ito ang iginiit ni maguindanao congressman didagen dilangalen, isa sa
        mga endorser ng nasabing impeachment case na inihain ni dating
        pangulong joseph estrada.

        Ayon sa kongresista, nais nilang maiwasto ang mga pagkakamaling
        nagawa ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

        Sinabi pa ng kongresista na kaya ngayon lamang naisampa ang nasabing
        reklamo ay dahil ngayon lang din lumabas ang libro ni associate
        justice artemio panganiban na reforming na judiciary na umano'y
        naglalaman ng totoo naganap noong EDSA dos.

        Binatikos din ni dilangalen si senate president franklin drilon sa
        maagang pahayag nito na hindi magtatagumpay ang nasabing reklamo
        laban sa mga mahistrado.

        Ayon sa kongresista, hindi maganda ang implikasyon ng mga sinasabing
        ito ni drilon dahil ipinapakita lamang nito ang pagiging bias sa
        nasabing isyu.

        Samantala, pinayuhan naman ni opposition congressman ronaldo zamora
        ang mga senador na huwag magpadalos-dalos sa pagbibigay ng komento
        hinggil sa impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng korte
        suprema

        Sinabi ni zamora na posibleng malagay sa alanganin ang mga senador
        kung hindi sila maging objective sakaling umakyat sa senado ang
        naturang reklamo.



        National news ...

        Hindi tutol si education secretary edilberto de jesus na isailalim sa
        drug test ang mga estudyante.

        Ayon kay de jesus, dapat itong isagawa kung makakatulong sa pagsawata
        sa talamak nang problema sa ilegal na droga.

        Hindi naman aniya sagot ng mga estudyante o ng DepED ang drug test
        kundi ang department of interior and local government.

        Salungat naman ang samahan ng mga guro sa panukalang drug testing sa
        mga estudyante.

        Ayon sa alliance of concerned teachers o ACT, mas makabubuting ilaan
        na lamang ng gobyerno sa ibang programa ng DepED ang pondong
        gagastusin nito para sa drug test ng mga mag-aaral.

        Sinabi ni antonio tinio, chairman ng A-C-T na marami na ang
        makikinabang sa halos isang bilyong pisong pondo ng pamahalaan para
        sa drug testing



        National news ...

        Walang dapat ikatakot sa mga pulis ang mga estudyanteng isasailalim
        sa random drug test.

        Ito ang inihayag ni PNP spokesman leopoldo bataoil bilang tugon sa
        pahayag ng ilang grupo ng mga guro na huwag ipagkatiwala sa mga pulis
        ang papapatupad ng random drug testing.

        Sinabi ni bataoil na may sapat na training ang mga pulis na
        magsasagawa ng drug testing gaya ng mga nakatao sa women at
        children's desk department ng PNP.

        Samantala, sinabi naman ni senador robert barbers na pwedeng
        tanggihan ng isang estudyante o empleyado ng gobyerno ang random drug
        testing.

        Ayon kay barbers, may-akda ng dangerous drugs act, hindi obligado na
        sumailalim sa pagsusuri ang mga estudyante at mga empleyado ng
        gobyerno.

        Naniniwala rin si barbers na hindi paglabag sa karapatang pantao ang
        drug testing.



        National news ...

        ila.

        ibang colleges at universities na naglalayong matukoy ang mga lugar
        kung saa kinakailangang makapagdeploy ng karagdagang mga pulis.

        Sa kabilang dako, inihayag ni velasco na bumaba na ang insedente ng
        carnapping sa metro manila.

        Ayon sa talaan ng NCR-PO, mula enero hanggang mayo ng taong 2003,
        bumaba ng limampung porsiento sa dating avergare na 6.4 na mga nakaka-
        carnap na sasakyan ito ay bumaba sa 3.2 insedente na lamang sa
        nakalipas na ilang buwan.



        National news ...

        Dismayado ang pamunuan ng philippine navy sa pamahalaan dahil sa
        kabiguan nitong maipalabas ang pondo para sa modernization project ng
        armed forces of the philippines.

        Ayon kay navy chief vice admiral ernesto de leon, dahilan ito sa
        patuloy na pang-iipit ng kongreso sa naturang pondo.

        Kinakailangan pa aniya nilang limitahan ang kanilang galaw para lang
        maabot ang target nila hinggil sa nasabing modernization progra,

        Sinabi ni de leon na kinakailangan pa nilang makipagkumpetensya sa
        ibang mga proyekto ng pamahalaan para lamang maipalabas ang kailangan
        nilang pera.

        Ibinunyag pa ng opisyal na tumatagal ng dalawang taon o higit pa bago
        sila magkaroon ng bagong kagamitan.

        Ang mga ito, umano ang nagsisilbing hadlang sa navy modernization
        program na kinapapalooban ng pag-a-upgrade ng kanilang jacinto class
        patrol vessel , mga light armour system, B-150, BNI lander six wing
        aircraft at mga helicopter kasama na ang pagbili ng mga diver's suits.


        National news ...

        Inilantad sa publiko ng department of environment and natural
        resources ang pagpasok sa bansa ng mga ipinababawal na kemikal na
        nakakasira sa ozone layer.

        Kasama ang pamunuan ng bureau of customs, sinaksihan ni DENR
        secretary elizeo gozun ang pagbubukas ng mga kargamentong naglalaman
        ng C-F-C o cholo floro carbon na pangunahing sangkap sa pagsira ng
        ozone layer.

        Napag-alaman na Mayo a-otso pa nakapasok sa bansa ang kargamento
        galing ng shanghai , china at ideneklara bilang isang uri ng
        refrigerant na tinaguriang R-134-A

        Subalit natuklasan na ito ay naglalaman ng CFC at inangkat ng isang
        opisina sa sta cruz maynila

        Pinag-aaralan ngayon ng DENR ang disposisyon sa naturang kemikal
        alinsunod na rin sa umiiral na environment act ng bansa.



        Police report ...

        Sumiklab ang gulo habang nagsasagawa ng raid ang videogram regulatory
        board o VRB sa raon, quiapo, maynila.

        Ayon sa report, nagkaroon ng sunud-sunod na putok ng baril sa
        operasyon ng VRB sa raon.

        Sorpresang binisita ng grupo ni VRB chairman bong revilla jr. ang
        naturang lugar na kilalang pugad ng mga pirated CD at VCD.

        Nag-panic at nagtakbuhan ang mga mangangalakal kaya kinailangan ang
        malaking pwersa ng mga otoridad para matulungan ang VRB sa kanilang
        operasyon kontra piracy.

        Wala namang tinamaan ng bala mula sa putok ng baril ng mga pulis.

        Nabatid na napilitang magpaputok ng baril ang mga pulis makaraan
        silang makarinig ng putok mula sa hindi pa matukoy na gun owner.



        National news ...

        Isang sundalo ang namatay habang isang CAFGU ang nasugatan nang
        salakayin ng mga miembro ng new people's army ang army detachment sa
        barangay lantaca, balingasag, misamis oriental.

        Tumagal ng tatlumpung minuto ang bakbakan ng mga sundalo at may
        apatnapung rebelde.

        Kinilala ang napatay na si corporal winifredo simbajon habang
        nasugatan naman ang isang zaballero.

        Hindi naman makumpirma kung ilan ang napatay sa panig ng kalaban.

        Natangay ng NPA ang anim na M-14 armalite rifle , pitong garand rifle
        at mga bala mula sa detachment.



        Business news ...

        Binalewala ng ma-impluwensyang makati business club o MBC ang
        impeachment complaint na isinampa ng kampo ni dating pangulong joseph
        estrada laban sa mga mahistrado ng kataas-tasang hukuman.

        Ayon kay MBC executive director guillermo luz, walang dahilan para
        maka-apekto ito sa takbo ng kalakalan.

        Naniniwala ang business community na ito ay harassment tactic lamang
        na bahagi ng depensa ng dating pangulo.

        Iginiit ni Luz na mas maraming dapat pag-ukulan ng panahon ang
        kongreso kaysa sa impeachment issue.


        Samantala ...

        Inaasahang dadagsa ng mga imported products ang mga pangunahing
        supermarket sa bansa.

        Kasabay ito ng pinag-igting na promosyon ng estados unidos sa
        kanilang agriculture products.

        Ayon kay US embassy director for agricultural trade michael wulsey,
        tumaas ng siyam na porsiento sa unang quarter ang kanilang import-
        export o exchange goods ng US at Pilipinas.

        Ito umano ay isang magandang indikasyon na lumalawak na ng husto ang
        kanilang kalakalan.



        Police report ...

        Ang mga kandidato sa eleksyon at mga artista ang susunod na target sa
        kampanya kontra ilegal na droga.

        Ayon kay interior secretary joey lina, ito ay bahagi ng pagpapatupad
        ng republic 91-65 na nilagdaan noong Hulyo 2002.

        Aniya, sa naturang batas , sasailalim sa drug test ang mga kandidato
        sa lahat ng halalan, mga estudyante at mga empleyado sa pribado at
        pampublikong sektor.

        Ipinaliwanag ni lina na magkakaroon pa ng pulong ang dangerous drugs
        board at ang Dep-Ed para pag-usapan ang detalye sa darating na
        biernes..

        Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DILG sa labor department,
        local government, at national youth commission para maisakatuparan
        ang mandatory drug testing.


        Police report ...

        Isasailalim sa drug test sa Lunes, Hunyo a-nueve ang mga opisyal at
        rank and file personnel ng PNP.

        Ang drug testing ay isasagawa ng bagong tatag na PNP anti-narcotics
        task force ng philippine drug enforcement agency sa pamumuno ni
        deputy director general egardo aglipay.

        Tiniyak ni aglipay na hindi magkakaroon ng duplication of functions
        ang mga drug enforcement units.

        Nabatid naman mula kay PDEA chief anselmo avenido jr. na ang task
        force ay may pondong isang bilyong piso.


        International news ...

        uhayan sa iraq.

        Ayon kay melo, pinapalawig na ng UN ang kanilang presensya sa Iraq.

        Maliban sa humanitarian affairs, papasukin na rin ng UN ang politikal
        na usapin sa bansa.



        International news ...

        Nangako ang mga arab leader na lalabanan nila ang mga teroristang
        grupo na nasa gitnang silangan.

        Ayon kay egyptian president hosni mubarak, sisikapin nilang harangin
        ang suportang ibinibigay ng ibang bansa sa gitnang silangan sa mga
        terorista.

        To ay upang hindi na lumala ang alitan ng middle east countries at
        amerika.

        Si mubarak ay isa sa mga sumusuporta sa road map to peace na inihain
        ng amerika sa gitnang silangan.



        International news ...

        Duda ang world health organization sa biglaang pagbaba ng bilang ng
        kaso ng SARS sa china.

        Ayon sa W-H-O, kailangang suriing mabuti ang balitang ito upang hindi
        na maulit ang pangyayaring nawalan ng kredibilidad ang china sa WHO.

        Una nang nagduda ang WHO sa china makaraan nitong pagtakpan ang tunay
        na bilang ng mga kaso ng SARS sa kanilang bansa.

        Pinapaalalahanan ng WHO ang china na huwag maging kumpiyansa sa
        paglaban sa SARS upang hindi ito matulad sa toronto, canada.



        International news ...

        Sumabog ang nagbanggaang pampasaherong tren sa galicia, spain.

        Ang tren ay galing sa madrid patungong east cartaagena nang bumangga
        ito sa isang cargo train.

        Tatlumpu ang naiulat na nasugatan sa insedente samantalang hindi pa
        tiyak kung ilan ang nasawi.

        Batay sa opisyal na ulat, hindi pa rin matukoy ang dahilan ng
        kolisyon subalit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.

        Pinangangambahang marami ang nasawi sa naganap na pagsabog.



        Sports news ...

        Nilinaw ng PBA na walang nadagdag na pangalan sa talaan ng mga
        basketbolistang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

        Ito ang reaksyon ni PBA technical officer perry martinez sa mga ulat
        na labing apat pang mga manlalaro ang bumagsak sa isinagawang drug
        test.

        Ayon kay martinez, maaring na-misquote lamang si PNP crime laboratory
        director retituto mosqueda.

        Idinagdag ni martinez na nagsasagawa na ng karampatang hakbang ang
        6-man PBA taskforce upang lalo pang maisaayos ang pamamaraan sa
        pagpapatupad ng drug test.


        Sports news ...

        Nagsimula na ngayong hapon ang Quarter finals ng PBA all filipino cup
        sa araneta coliseum sa cubao, quezon city.

        Susubukan ng barangay ginebra na talunin ang coca-cola tigers kahit
        wala ang kanilang forward na si Jun Limpot.

        Mamayang alas-siete y media , mararamdaman ng batang red bull
        thunder ang kawalan ni davon harp sa kanilang pakikipag-tuos sa talk
        n text phone pals.

        Kabilang sina limpot at harp sa mga PBA players na natagpuang
        positibo sa ilegal na gamot sa ginanap na random drug test sa liga.


        National news ...


        Sa kabila ng ngayon ang pangatlong araw ng deklarasyon ng tigil
        putukan ng moro islamic liberation front, isa na namang engkwentro
        ang naganap sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde sa barangay
        lilyongan, carmen, cotabato.

        Dakong alas-nueve kwarenta'y singko ng umaga nang makasagupa ng
        militar ang mahigit walumpung rebeldeng MILF

        Tumagal ng isang oras ang labanan kung saan dalawang MILF ang napatay
        at anim ang nasugatan.

        Ayon sa 6th IB public information office, mga tauhan umano ni
        commander taha amelia at commander ginik ang nakalaban ng militar.

        Patuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa MILF.



        National news ...

        Dumating na sa bansa si admiral thomas fargo, ang commander ng US
        military force sa asia pacific region.

        Lalahok si fargo sa taunang defense meeting na gaganapon sa bansa.

        Nasa bansa si fargo upang personal na bisitahin ang tropang amerikano
        at pilipino na nagsasagawa ng security training.

        Si fargo ay dating commander ng US navy pacific fleet sa hawaii at
        dating commander ng navy fleet sa bahrain.

        Ipinadala si fargo ng pamahalaang amerika upang matiyak na nasa
        tamang proseso ang mga security measures na itinuturo sa mga
        pilipinong sundalo para sa malawakang kampanya ng amerika laban sa
        terorismo.

        Layon din ng pagdalaw ni fargo sa bansa na mapalakas ang military
        relation ng pilipinas at amerika.

        Magtutungo rin si fargo sa zamboanga city upang makipagkita kay
        southern command chief major general roy kyamko bilang bahagi ng RP-
        US mutual defense treaty.



        National news ...

        Tinangkang pasabugan ng hindi pa nakikilalang grupo ang D-X-N-D radio
        station sa lalawigan ng North Cotabato.

        Dakong alas-siete a-bente nueve ng umaga nang matagpuan ang hindi pa
        matiyak na bomba sa loob ng himpilan.

        Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na si governor emmanuel Piñol
        ang target ng bomba kung saan may programa ang gobernador tuwing alas-
        dose ng tanghali.

        Si Piñol ay kilala sa pagtuligsa sa Moro Islamic Liberation Front.

        Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang
        insidente.



        National news ...

        Nasabat ng Bureau of Customs and Department of Environment and
        Natural Resources ang tinatayang tatlong milyong pisong halaga ng
        Ozone depleting substances o freon 12 na mahigpit na ipinagbabawal sa
        bansa.

        Sinabi ni DENR secretary Elisea Gozun na nilabag ng importer ang DENR
        Regulation sa importasyon ng Ozone depleting substances

        Ang kontrabando ay nagmula pa sa Shanghai China at inangkat ng
        importer na kinilalang fair weather sales.

        Labag sa batas ang pagpasok ng freon12 sa bansa dahil nakasisira ito
        sa kalikasan partikular na sa ozone layer.




        National news ...

        Matatag ang paniniwala ng mga kaalyado ni dating pangulong joseph
        estrada sa kongreso na uusad ang impeachment complaint na isinampa
        nila laban sa supreme court chief justices.

        Ipinagmalaki naman ni san juan congressman ronaldo zamora na tumataas
        na ang bilang ng mga kongresista na sumusuporta sa kanila dahilan
        para umakyat sa senado ang nasabing reklamo.

        Gayunman, hindi naman masabi ni zamora kung ano ang kahahantungan ng
        impeachment complaint pagdating sa mataas na kapulungan ng kongreso.





        Hindi uubra ang pamimilit sa mga estudyante pati na sa mga government
        at private employees na sumailalim sa drug test.

        Ito ang binigyang-diin ni senador robert barbers na siyang may-akda
        ng dangerous drugs act.

        Sinabi ni barbers na ang tanging saklaw lamang ng mandatory drug test
        ay ang mga aplikante ng drivers license, permit to carry firearms,
        mga pulis, pulitiko at yun may asunto sa husgado. RMN




        National news ...

        Tatlong baka at isang kalabaw ang naging ransom sa dinukot na mga
        barangay kagawad na sina Teodolo Veranda at Juan Hisera sa barangay
        bagong silang, Kiblawan, Davao del sur.

        Ang dalawa ay dinukot ng bandidong bilaan sa davao del sur dakong
        alas-kuwtro y medya kahapon, at agad nagpadala ng mensahe ang mga
        bandido sa pamilya ng mga biktima at hiningi ang tatlong baka at
        isang kalabaw upang ligtas na mapakawalan ang mga bihag.

        Pinangungunahan ng isang Salugay, alyas kumander Agila, ang mga
        bandidong bilaan na armado gg dalawang rifle at pitong shot gun.

        Dinala sa isang liblib na lugar sa Kiblawan ang mga biktima at
        inatasan ang mga kasama na tumupad sa hininging ransom.

        Ang ransom ay inihatid kaagad ng pamilya ng mga biktima sa isang
        barangay sa Matanao Davao del sur, isang kilometro ang layo mula sa
        pinagdalahan sa mga biktima.


        National news ...

        Sa ikalawang araw ng state visit ni pangulong gloria arroyo sa south
        korea, napagtibay na rin ang kasunduan kaugnay sa palitan ng tulong
        legal.

        Sa pamamagitan ng treaty on mutual legal assistance, inaasahang
        mababawasan ang mga insidente ng krimen sa ating mga bansa, at mapag-
        iibayo rin ang imbestigasyon at prosekusyon ng mga kriminal.

        Malaking tulong ito sa pinagtibay na extradition treaty sa pagitan ng
        Pilipinas at South Korea na nilagdaan noong 1994.

        Sa pulong ng dalawang lider at mga kasapi ng kanilang gabinete sa
        blue house, nagkasundo rin ang dalawang pamahalaan na magtulungan na
        supilin ang terorismo.

        Malaking tulong sa kampanya kontra terorismo ang pag-turn over ng
        south korea sa armed forces of the philippines ng dalawang patrol
        boats at tatlong F5 jets sa ilalim ng logistics and defense industry
        cooperation.

        Sinaksihan din ng dalawang lider ang paglagda sa isang kasunduan para
        sa pagtatayo ng korea-phlippines vocational training center sa lunsod
        ng davao, gayundin ang isang information technology training center
        sa luzon na nagkakahalaga ng sampung milyong dolyar.

        Layon ng mga proyektong palakasin ang mga maliliit na negosyo sa
        aitng bansa at maglikha ng mga bagong trabaho sa tutugon sa ugat ng
        terorismo at kahirapan.
      • FEBC News and Current Affairs
        tagalog news june 10, 2k3 (5:30pm dzas news edition) Business news ... Pumayag ang European community na bawasan ng kalahati ang taripa sa Philippine canned
        Message 3 of 8 , Jun 10, 2003
        • 0 Attachment
          tagalog news
          june 10, 2k3
          (5:30pm dzas news edition)

          Business news ...


          Pumayag ang European community na bawasan ng kalahati ang taripa sa
          Philippine canned tuna.

          Mula sa orihinal na dalawampu't apat na porsiento, labing dalawang
          porsiento na lamang ang ipapataw na taripa sa mga canned tuna ng
          bansa simula sa unang araw ng Hulyo.

          Sinabi pa ni trade and industry secretary mar roxas na nagbigay din
          ang E-U ng tariff rate quota sa pilipinas na hanggang 25,000 metriko
          tonelada bawat taon hanggang year 2008.

          Ito rin aniya ang ipinagkaloob sa mga bansang thailand at indonesia
          na nag-i-import din ng canned tuna sa european community.


          National news ...

          Nais ng kampo ni dating pangulong joseph estrada na ipa-subpoena ng
          sandiganbayan si pangulong gloria arroyo ganundin ang anim pang
          opisyal ng pamahalaan na umano'y nagkaroon ng papel sa pagpapatalsik
          kay estrada sa pwesto noong enero 2001.

          Kabilang dito sina supreme court chief justice hilario davide jr.,
          supreme court justices artemio panganiban, antonio carpio at renato
          corona, senador aquilino pimentel jr. at defense secretary angelo
          reyes,

          Sinabi ni atty. allan paguia , abogado ni estrada na kailangan nilang
          malaman mula sa mga nabanggit na opisyal ang katotohanan sa likod ng
          isinulat na libro ni justice panganiban tungkol sa umanoy pre-
          judgment ng mga mahistrado sa panunumpa ni arroyo bilang pangulo ng
          pilipinas.

          Tiwala si atty. paguia na mapipilit ng korte si pangulong arroyo na
          tumestigo.

          Sa kabilang dako, itinuring lamang ng malacanang bilang isang taktika
          para maantala ang paglilitis sa plunder case ni dating pangulong
          estrada ang hiling ng kampo nito na gawing testigo si pangulong
          arroyo kaugnay ng binuhay na kwestyon sa legalidad ng kasalukuyang
          administrasyon.

          Ayon kay presidential spokesman ignacio bunye, maging ang isang
          bagitong estudyante ng abogasya ay mahahalata ang taktikang ito ni
          atty. allan paguia, ang abogado ni estrada.

          Sinabi ng kalihim na nais lamang guluhin ng kampo ni estrada ang isyu
          para hindi kaagad matapos ang plunder trial nito.

          Tiniyak naman ni bunye na maglalabas din ng opisyal na pahayag ang
          mga legal advisers ng pangulo hinggil sa legalidad ng pagpapatawag ng
          korte kay ginang arroyo.


          National news ...


          Nagkaroon ng tensyon sa harapan ng korte suprema sa ermita, maynila
          matapos lumusob at magsagawa ng protesta ang tatlong hiwalay na grupo
          ng kabataang mag-aaral at maralitang taga-lungsod na kaalyado ng
          kampo ni dating pangulong estrada.

          Nagkatulakan nang makalusot sa padre faura gate ng supreme court ang
          ilan sa may tinatayang tatlumpung miembro ng Filipino democratic
          students union at ang kabataang malaya para sa bayan.

          Nagsagawa rin ng hiwalay na kilos-protesta ng grupong sulong
          maralitang pilipino subalit hindi na sila naka-abot sa padre faura
          gate at naharang na pagsapit pa lamang sa kanto ng taft avenue.

          Kapwa isinusulong ng mga nabanggit na grupo ang pagbaba sa pwesto ng
          mga mahistrado na una nang ipina-impeach ng kampo ng dating pangulo.

          Iginiit ng mga demonstrador na hindi patas ang mga mahistrado gaya ng
          nangyari noon kay estrada na tuluyan nang madesisyunan ang pagbaba sa
          pwesto matapos katigan ng korte suprema ang legalidad ng
          administrasyong arroyo.



          National news ...

          Pinag-aaralan na umano ni pangulong arroyo ang kanyang mga opsyon sa
          posibleng pagtakbo sa 2004 elections.

          Ito ay sa kabila ng ilang ulit nang pahayag ng pangulo na hindi siya
          kakandidato para sa panibagong termino.

          Sinabi ni senate president franklin drilon sa mga miembro ng foreign
          correspondents association of the philippines o FOCAP na inaasahan
          niyang magkakaroon lang ng pinal na desisyon ang pangulo sa ika-apat
          na quarter ng taon.

          Idinagdag ni drilon na malaki ang magiging papel ng sitwasyon ng
          ekonomiya at peace and order sa bansa sa desisyon ng pangulo na
          kumandidato sa pampanguluhang eleksyon sa isang taon.


          National news ...

          Nagsimula na ngayon ang walong araw na region-wide visit sa mindanao
          ni pangulong gloria arroyo.

          Sa kanyang pagdating sa davao city, agad na inihayag ng pangulo na sa
          mindanao niya ibubuhos ang karamihan sa mga naging bunga ng kanyang
          matagumpay na pagdalaw sa estados unidos, korea at japan.

          Tiwala ang chief executive na magreresulta ito sa mas maraming
          trabaho, at kabuhayang ipinangako ng naturang mga bansa.

          Aniya maging ang pagpapa-angat ng militar at iba pang law enforcement
          agencies ng pamahalaan ay pakikinabangan ng mindanao.

          Inihayag ng pangulo na nais niyang maging pamana sa kanyang
          nalalabing isang taon sa panunungkulan ang pagkakaroon ng peace
          agreement sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde sa rehiyon ng
          mindanao.


          National news ...

          Inihayag ni senador aquilino pimentel jr. na pangmatagalang
          kapayapaan at hindi lamang simbolikong pagbisita ng pangulo ang
          kailangan ng mindanao.

          Hinamon ni pimentel si pangulong arroyo na isulong ang pangmatalagang
          solusyon sa problema ng katimugan.

          Ayon kay pimentel, hindi na kailangan ng mga taga-mindanao ang
          symbolic visit dahil ang kailangan ng rehiyon ay ang solusyon ng
          pamahalaan para sa inaasam na pangmatalagang pangkayapaan.

          Hinimok din ni pimentel ang pangulo na itulak ng maaga ang mga
          programang pangkaunlaran sa mindanao na magpapa-angat sa kabuhayan ng
          mga mamamayan doon.

          Inirekomenda rin nito na bawasan ng pangulo ng limang daang milyong
          piso ang napagtibay na isang bilyong pisong pondo ng pamahalaan para
          sa kampanya sa SARS at ilaan sa kabuhayan ng dalawang daan at sampung
          libong mga evacuees sa mindanao.

          Bukod dito, muling iginiit ni pimentel na hilingin ng pangulo sa
          amerika na mamagitan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno
          at rebeldeng MILF.


          National news ...

          Inirekomenda ni surigado del sur congressman robert 'ace' barbers na
          hindi dapat itigil ang military offensive laban sa MILF kahit nasa
          mindanao si pangulong arroyo.

          Ayon kay barbers, dapat magpatuloy ang ginagawang pagtugis ng
          pamahalaan sa MILF dahil ito ang siyang dahilan ng patuloy na
          insureksyon sa nasabing lugar.

          Sinabi pa ng mambabatas na matagal nang naiipit sa kaguluhan ang mga
          inosenteng sibilyan sa mindanao dahil sa patuloy na labanan ng
          magkabilang panig.



          National news ...

          Idudulog sa organization of islamic conference o OIC ang mga
          ebidensya ng pagkaka-ugnay ng moro islamic liberation front o MILF sa
          rizal day bombing noong taong 2000.

          Inatasan ni pangulong arroyo ang department of foreign affairs na
          magpadala sa O-I-C ng data ng ebidensyang nag-uugnay sa MILF sa
          madugong december 30 bombing.

          Sinabi ng pangulo na dapat malantad sa mata ng Moslem countries ang
          katotohanan sa umano'y kaugnayan ng MILF sa terorismo.

          Inilabas ng pangulong arroyo ang direktiba makaraang iharap sa kanya
          ang naarestong ni muklis yunos na umaming may kinalaman siya at ang
          MILF sa pambobomba sa metro manila mahigit dalawang taon na ang
          nakararaan.

          Inihayag ng pangulo na ang pagkakadakip kay yunos ay patunay lamang
          na determinado ang gobyerno na paharapin sa batas ang mga terorista
          gaano man katagal ang krimen na kanilang ginawa.

          Napatunayan din aniya nito na nakatawid sa kalapit bansa ng pilipinas
          sa timog silangang asya ang mga kaalyado ng mga terorista sa mindanao.




          National news ...

          Isang araw matapos ang sorpresang pagbisita ng pangulong arroyo,
          malaki agad ang ipinagbago sa operasyon ng land transportation office.

          Kapansin-pansin na ngayon ang maraming gwardiyang nakakalat sa
          paligid ng LTO taliwas sa kawalan ng bantay doon kahapon.

          Eksakto alas-otso rin nang magbukas ang mga windows ng LTO lalo na sa
          kuhanan ng lisensya.

          Bukod dito, wala na ring mga fixers sa ahensya at mahigpit na rin ang
          seguridad bago makapasok ang mga tao sa loob ng LTO.





          National news ...

          Tuloy-tuloy pa rin ang mga gagawing surprise visit ni pangulong
          arroyo sa mga ahensya ng gobyerno.

          Sinabi ni presidential spokesman ignacio bunye na hindi ito
          binabanggit ng pangulo kahit sa mga miembro ng gabinete upang maging
          mas epektibo ang inspeksyon ng pangulo.

          Idenepensa naman ni bunye ang pagsasama pa ng pangulo ng media dahil
          dapat aniyang malaman din ng publiko na ginagawan ng solusyon ang mga
          problema sa mga ahensya ng gobyerno.




          National news ...


          Kinumpirma ni commission on higher education chairman rolando dizon
          ang labing isang porsientong pagtaas sa matrikula ng mahigit sa
          tatlong daang kolehiyo at pamantasan ngayong pasukan.

          Ngunit sinabi ni dizon na ito ay one-fourth lamang ng kabuuang
          mahigit sa isang libo at limang daang institusyon.

          Ito aniya ay nangangahulugang mas marami pa rin ang hindi nagpatupad
          ng tuition fee hike.

          Nilinaw din ni dizon na hindi maaring basta magtaas ng matrikula ang
          isang eskwelahan kung hindi dumaan sa konsultasyon ng mga estudyante
          at magulang.



          National news ...

          Binalewala lamang ng meralco ang mosyon ng militanteng grupong anak-
          pawis sa korte suprema na patawan ng indirect contempt ang kumpanya
          at energy regulatory commission dahil sa hindi kaagad pagre-refund ng
          sobrang singil sa kuryente.

          Sinabi ni elpie cuna, vice president for corporate communications ng
          meralco na sanay na sila sa batikos ng naturang grupo dahil binatikos
          na rin sila noong hindi pa natutuloy ang refund.

          Ayon kay cuna, kahit ano na lamang ang binabatikos ng naturang grupo.




          National news ...

          Pabor si pangulong arroyo sa panukala ng metro manila development
          authority na kumuha ng mas matatangkad at ismarteng traffic enforcer.

          Sinabi ni MMDA chairman bayani fernando na layunin nitong bigyang
          kredibilidad ang traffic enforces at para irespeto rin sila ng mga
          motorista.

          Natawa pa nga aniya ang pangulo sa qualification na dapat maging
          gwapo ang traffic enforcer.

          Nilinaw naman ni fernando na hindi kailangang maging pogi ang
          aplikanteng traffic enforces ngunit dapat ito ay persentable naman.


          National news ...

          Na-stranded ang may isang libong pasahero ng isang barko ng sulpicio
          lines sa karagatang sakop ng mactan , cebu bandang alas-dies y media
          kagabi.

          Sakay ng MV dipolog princess ang mga pasahero galing tagbilaran city
          patungong maynila nang mapadpad ang barko sa mababaw na bahagi ng
          cordova island dahil sa masamang panahon.

          Tinangka umanong hilahin ng isang tugboat ang barko ngunit nabigo.

          Ligtas naman lahat ang mga pasahero habang naghihintay na tumaas ang
          tubig para makausad ang barko.



          Police report ...

          Matapos magpa-drug test kahapon ang mga pulis, dalawampu't pitong
          opisyal at tauhan naman ng bureau of fire protection ang sumalang sa
          drug test kaninang umaga.

          Ayon kay senior supt. romeo villafuerte, deputy fire chief of
          administration ng DILG, noon pang 2001 nagsimula ang drug testing sa
          adwana at labing isang tauhan na ang naging positibo rito.

          Agad aniyang ni-rehabilitate ang napatunayang positibo sa pagamit ng
          bawal na gamot.



          Police report ...

          Naaresto na ang lider ng kilabot na erick morales highway robbery
          holdup group.

          Nadakip si erick pampuan alias erick morales ng PNP criminal
          investigation and detection group- rizal sa isang drug entrapment
          operation batay sa isang warrant of arrest sa purok langhaya,
          barangay dela paz antipolo city.

          Sangkot ang grupo ni morales sa serye ng mga panghoholdap sa marikina
          city, pasig city at iba pang bayan sa lalawigan ng rizal.

          Bukod kay morales, naaresto rin ang isa pang miembro ng grupo na si
          lolito trinidad.

          Narecover kay morales ang isang calibre 38 na may limang bala.



          National news ...

          Pinasa-subpoena ni attorney alan paguia sa sandiganbayan si pangulong
          gloria arroyo, kasama ang anim pang opisyal

          Ayon kay paguia, hihilingin nila sa korte kung matutuloy ang
          nakatakdang hearing sa June 16.

          Kabilang sa mga gustong ipatawag ni Paguia ay sina defense secretary
          angelo reyes, senator aquilino pimentel junior, at ilang mahistrado
          ng korte suprema.

          Gustong patunayan ni Paguia na pinagkaisahan ng mga ito sa si dating
          pangulong joseph estrada para mapatalsik sa pwesto. RMN




          National news ...


          Hindi magbibitiw sa pwesto si Land Transportation Office chief
          roberto lastimoso.

          Ito ang sinabi ni lastimoso matapos siyang pagalitan ni pangulong
          arroyo sa isang biglaang pagbisita sa gusali ng LTO.

          Ayon kay lastimoso, nasa pangulo ang desisyon kung pabababain na siya
          sa pwesto o hindi.

          Tiniyak naman ni lastimoso na naituwid na ang mga dapat baguhin sa
          land transportation office.

          Samantala, inamin naman ni lastimoso na nasaktan siya at napahiya
          nang pagalitan ni pangulong arroyo sa harap ng maraming tao kahapon.

          Gayunman, sinabi ni lastimoso na maluwag sa puso niyang tinatanggap
          ang mga puna ng pangulo para maituwid niya ang anumang kapalpakang
          nagaganap sa kanyang tanggapan.

          Isa na rin aniya itong paraan para lalo pang magsipag ang kanyang mga
          tauhan para mabigyan ng matinong serbisyo ang taong bayan.





          National news ...


          Panahon na para payagan ng Vatican na makapag-asawa ang mga pari.

          Binubuhay muli ng catholic women's league ang nasabing usapin sa
          harap ng panibagong sex scandal na yumanig sa simbahang katoliko nang
          ireklamo ng sexual harassment si bishop teodoro bacani.

          Ayon kay Gemma peñaflor ng C-W-L, patunay na lamang ito ng ang mga
          pari ay tao lamang at mayroon ding kahinaan.

          Inayunan naman ito ni Juliana Buena, ang dating presidente ng CWL na
          nagsabing panahon na upang pag-aralan ng simbahan ang isyu sa
          celibacy.






          National news ...

          Sinimulan na ni pangulong gloria arroyo ang pag-u-opisina sa mindanao.

          Kaugnay ito ng walong araw niyang pamamalagi sa rehiyon.

          Sa pagdating ng pangulo sa Davao, agad nitong sinabi na sa mindanao
          niya ipamumudmod ang mga biyayang nakuha niya sa kanyang pagbisita sa
          amerika, south korea at sa japan.

          Buong pagmamalaki ring sinabi ni pangulong arroyo na magreresulta sa
          maraming trabaho at kabuhayan ang mga puhunang ipinangako ng mga
          negosyante mula sa kanyang mga state visit. RMN



          National news ...

          Itinakda bilang national day of protest ng mga guro sa buong bansa
          ang pagbubukas ng klase sa lunes, hunyo a-desi sais.

          Ayon kay danilo arao, vice chairman ng alliance of concern teachers,
          pangunahing irereklamo nila sa pamahalaan ang sobra sa walong oras na
          pagtatrabaho nila .

          Hihiling din aniya sila ng tatlong libong across-the-board wage
          increase, loyalty pay at cost of living allowances.





          National news ...


          Tinaya ng Energy Regulatory commission na mas maraming consumers ng
          meralco ang nagnanais na ibawas na lamang sa mga susunod na billing
          ang refund na matatanggap mula sa meralco.

          Ibinatay ni ERC chairman manuel sanchez ang pagtayang ito sa mga ulat
          na kakaunti lamang ang nagsasadya sa tanggapan ng meralco para sa
          kanilang cash refund.

          Kinumpirma naman ni sanchez na mas maka-aasa ng mas mababang bayarin
          sa kuryente ang mga consumer ng meralco sa mga darating na buwan
          tulad ng ipinangako ni pangulong gloria arroyo.

          Ipaliwanag niya na batay sa unbundled rates ay mababawasan ang halaga
          ng kuryente para sa mga kumukunsumo ng mula zero hanggang three
          hundred kilowatt hour bawat buwan.
        • FEBC News and Current Affairs
          MABATI ANG MABUTI ... Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day, pinaranganlan si Senior Inspector Ranie Hachuela ng Philippine National Police. Ginawa
          Message 4 of 8 , Jun 12, 2003
          • 0 Attachment
            MABATI ANG MABUTI ...

            Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day, pinaranganlan si
            Senior Inspector Ranie Hachuela ng Philippine National Police.

            Ginawa ang parangal kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas
            kanina sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

            Si Hachuela na nakatalaga bilang hepe ng 903rd Provincial Mobile
            Group sa Kayatian Hill, Siocon ang ikaapat na tauhan ng PNP na
            nakatanggap ng parangal na pinakamimithi ng bawat pulis -- at ito ang
            PNP Medal of Valor.

            Si Hachuela ay miyembro ng PNP Academy Class of 1997.

            Ang parangal na iginawad sa kanya ay bunga ng katapangang kanyang
            ipinakita nang pamunuan niya ang maliit na puwersa ng PNP upang
            ipagtanggol ang Siocon sa pag-atake ng napakaraming rebeldeng MILF.

            Bukod dito, nailigtas din niya ang mayor ng kanilang bayan at ang
            pamilya nito na muntik mabihag ng mga naturang rebelde.

            Matatandaang noong ika-4 ng Mayo ay sinalakay ng pinagsanib na
            puwersa ng MILF at Abu Sayyaf ang bayan ng Siocon sa Zamboanga City.

            Habang naghihintay ng reinforcement, hinadlangan ni Hachuela at ilang
            kasamahang pulis ang pag-atake ng mga rebelde upang mapigilan ang mga
            itong makubkob ang kanilang munisipyo, ang himpilan ng pulisya, at
            mga ospital.

            Sa ilalim ng R.A. 9049, ang tulad ni Senior Inspector Ranie Hachuela
            na pinagkalooban ng Medal of Valor ay tatanggap ng monthly lifetime
            gratuity na nagkakahalaga ng P20,000.

            Ang kanyang mga anak ay pagkakalooban naman ng scholarship, tulong
            medikal at posibleng trabaho sa gobyerno kapag nakatapos ng pag-aaral.

            Sana ay marami pang pulis ang katulad mo Senior Inspector Ranie
            Hachuela!!!

            Para sa mabati ang mabuti, juan tanod po!



            National news ...

            Pinangunahan ni pangulong gloria arroyo ang ika-isang daan at limang
            taong pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.

            Halos sabay-sabay na nagtaas ng bandila ang mataas na opisyal ng
            bansa sa iba't ibang lugar.

            Nasa carlos p. garcia park sa general santos city ang pangulo kasama
            ang mga miembro ng gabinete at mga opisyal ng pulisya at militar.

            Si vice president teofisto guingona jr. naman sa kawit, cavite.

            Si executive secretary alberto romulo sa barasoain church sa malolos
            city, bulacan

            Pinangunahan naman ni tourism secretary richard gordon ang
            selebrasyon sa luneta. Habang si comelec chairman benjamin abalos
            naman sa pinaglabanan church sa san juan.

            Hindi naman nakarating sa okasyon sa monumento circle sa caloocan
            city si interior and local government secretary joey lina kaya
            pinangunahan na lamang ni mayor rey malonzo ang flag raising ceremony
            doon.



            National news ...

            Binatikos ni vice president teofisto guingona jr. ang administrasyong
            arroyo kasabay ng selebrasyon ng ika-isang daan at limang araw ng
            kalayaan ng bansa.

            Sa kanyang pananalita sa kawit cavite, sinabi ni guingona na bagamat
            politically free ang pilipinas, wala naman itong economic
            independence dahil nakasandal pa rin sa mayayamang bansa.

            Hindi rin aniya totoong nakamtan na ng pilipinas ang kalayaan dahil
            nakatali pa rin ito sa amerika sa usapin ng ekonomiya, militar at
            politika.


            National news ...

            Kaagad na tumulak sa zamboanga city si pangulong arroyo matapos ang
            selebrasyon sa general santos city.

            Sa zamboanga ginanap ang tradisyunal na van de honnouer na dinaluhan
            ng mga embahador at diplomat ng ibat ibang bansa at mga opisyal ng
            gobyerno.

            Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sa labas ng malacanang ginanap
            ang van de honnouer kaya isinailalim sa triple red alert status ang
            seguridad sa lungsod.

            Ginanap ang okasyon sa presidential yacht na nakadaong sa majini tir
            sa armed forces of the philippines southern command.

            Sa zamboanga magpapalipas ng gabi ang pangulo bago tumulak sa
            cotabato city na bahagi pa rin ng kanyang walong araw na biyahe sa
            mindanao.

            Pupunta rin ang chief executive sa iligan city, marawi city, butuan
            at agusan del norte bago umuwi ng maynila sa Martes.




            National news ...

            Wala pang hawak na kopya ang gobyerno ukol sa sampung araw pang
            pagpapalawig sa unilateral ceasefire na ideneklara ng moro islamic
            liberation front o MILF.

            Gayunman, sinabi ni presidential adviser on the peace process at
            bagong GRP chief negotiator sa MILF eduardo ermita, magandang
            development ito.

            Maari aniyang pagpapakita ito ng katapatan ng MILF na gusto talaga
            nilang bumalik sa negotiating table.

            Tiniyak naman ni ermita na kung mapapatunayan na kontrolado ng MILF
            ang kanilang pwersa, maaring tumugon ang pamahalaan sa tigil putukan
            na posibleng mauwi sa usapang pangkapayapaan.

            Una rito, nanawagan ang MILF kay pangulong arroyo na tapatan ang
            pinalawig nilang sampung araw na tigil putukan upang muling maisulong
            ang peacetalks.

            Kagabi sana nagtapos ang unang sampung araw na unilateral ceasefire
            na ideneklara ng MILF noong Hunyo a-dos subalit pinalawig pa dahil sa
            apila ng malaysia.

            Sinabi ni MILF vice chairman for political affairs ghadsali jaafar na
            kung nais talaga ng administrasyon ang matagalang kapayapaan dahil
            nitong suklian ang kanilang hakbang sa pamamagitan ng pagpapahinto ng
            opensibang militar.





            National news ...

            Malugod na tinanggap ni armed forces chief of staff gen. narciso
            abaya ang pagpapalawig ng ceasefire ng MILF.

            Gayunman, sinabi ni abaya na hindi lamang dapat sampung araw ang
            tigil putukan kundi pangmatagalagan.

            Mananatili pa rin naman aniya ang punitive actions ng militar laban
            sa mga rebelde.

            Ayon naman kay PNP chief gen hermogenes ebdane jr. pag-aaralan nila
            ang alok na sampung araw na pagpapalawig sa tigil putukan.

            Hindi na aniya kapani-paniwala ang mga pahayag na ito ng MILF.



            National news ...

            Itinuturing ni pangulong arroyo na isang welcome development ang
            pagpapalawig ng MILF sa unilateral ceasefire nito.

            Ngunit sinabi ng pangulo na mas nais niyang magkaroon ng permanenteng
            tigil putukan sa halip na pansamantalang ceasefire ng MILF na layon
            lamang makakuha ng tactical advantage.

            Sa kanyang talumpati sa ginanap na van de honnouer sa zambaoanga,
            sinabi ng pangulo na hindi niya masisisi ang publiko kung magduda man
            sa MILF dahil wala itong ipinapakitang konkretong ebidensya ng
            sensiridad.

            Gayunman, pinasalamatan pa rin ng pangulo ang pamahalaan ni malaysian
            prime minister mahathir mohamad na siya umanong pinakinggan ng MILF
            kaya nagkaroon ng pagpapalawig ng tigil putukan.

            Inihayag ng pangulo na muli niyang binuo at ginawang aktibo ang
            government panel na nakikipag-usap sa MILF para maituloy na ang
            peacetalks ng magkabilang kampo na inaasahang magiging daan din sa
            pangmatagalang kapayapaan sa mindanao.



            Police report ...

            Isang opisyal ng PNP at pitong iba pang pulis ang naging positibo sa
            droga matapos sumalang sa random drug testing noong Lunes sa camp
            crame.

            Ayon kay PNP deputy director general edgardo aglipay kabilang dito
            ang isang chief inspector , tatlong police officer 1, dalawang police
            officer 2 at dalawang police officer 3.

            Sinabi ni aglipay na sa 975 uniformed personnel na isinailalim sa
            random drug test, walo lamang dito ang naging positibo.

            Isasailalim pa rin ang walo sa confirmatory test para makumpirma kung
            talagang gumagamit ang mga ito ng illegal drugs.

            Nabatid na isinailalim na sa preventive suspension ang walo.



            National news ...

            Mariing pinabulaanan ng kampo ni dating pangulong joseph estrada na
            mismong ang korte suprema ang kanilang binabatikos sa pagsasampa nila
            ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng kataas-taasang
            hukuman

            Ayon kay atty. allan paguia, abogado ni estrada, malinaw na ang mga
            mahistrado lamang ang kanilang idinidiin sa kanilang impeachment
            complaint at hindi ang institusyon.

            Sinabi pa ni paguia na si chief justice hilario davide jr. ang pilit
            na naglilihis at umiiwas sa tunay na usapin na nais nilang tukuyin.

            Gusto aniyang palabasin ni davide sa publiko na mga perpekto ang mga
            mahistrado at walang kakayahang gumawa ng ilegal tulad ng paglabag sa
            rules of conduct.

            Nguntit niyak ni paguia na sakaling isantabi ng sandiganbayan special
            division ang kanilang mosyon na ipatawag sa korte sina davide,
            pangulong arroyo at senador aquilino pimentel jr. handa umano silang
            maghain ng motion for reconsideration.



            National news ...

            Kumbinsido si house speaker jose de venecia na buhay pa rin at hindi
            tuwirang ibinabasura sa senado ang charter change o chacha bagaman
            tutol ang karamihan sa mga senador dito.

            Inihayag ni de venecia na siguradong tatalakayin sa plenaryo ang
            kontrobersyal na panukala makaraang mangako si senador edgardo
            angara, ang senate committee chairman ng constitutional amendments.

            Ayon kay de venecia, ipinangako ni angara na matalakay ito sa
            plenaryo sa muling pagbubukas ng sesyon sa unang linggo ng agosto at
            makakuha pa ng suporta ng mayorya sa mataas na kapulungan ng kongreso.


            National news ...

            Nilagdaan na ni pangulong arroyo ang batas na nagrerenew sa prangkisa
            ng meralco.

            Muling nakamit ng meralco ang 25 taong prangkisa para makapabenta ng
            kuryente sa maynila at mga lalawigan ng batangas, bulacan, cavite,
            batangas, laguna, pampanga at quezon.

            Sakop nito ang 20 porsiento ng buong populasyon ng bansa.

            Samantala, malabong mapagbigyan ng meralco ang kahilingan ng energy
            regulatory commission na itaas sa 250 kilowatt hour ang masasakop ng
            ikalawang yugto ng refund sa halip na 101 hanggang 200 kilowatt hour
            lamang.

            Ikinatwiran ni leonardo mabale, pinuno ng meralco refund management
            task force na malaking financial burden sa meralco kung itataas pa sa
            250 kilowatt hour ang sakop ng ikalawang yugto ng refund.

            Gagastos aniya sila ng may 2.7 bilyong piso para sa refund ng mga
            customer na gumagamit ng 101 hanggang 200 kilowatt per hour.

            Ito umano ay madaragdagan ng isang bilyong kung pagbibigyan ang
            hiling ng ERC.

            Posibleng masimulan ang pangalawang yugto ng refund sa oktubre o
            nobyembre o sa sandaling matapos ang unang yugto ng refund.


            National news ...


            Tiniyak ni philippine ambassador to israel belen anota na walang
            pilipinong nadamay sa pinakahuling suicide bombing sa jerusalem.

            Dalawamput lima katao ang namatay sa magkasunod na kaguluhan sa
            pagitan ng isarel at palestine.

            Unang pinasabog ng isang suicide bomber mula sa islamic militant
            groups na hamas ang isang pampasaherong bus sa jerusalem kung saan
            labing pito katao ang namatay at mahigit isang daan pa ang nasugatan.

            Makalipas ang ilang minuto gumanti ang israel at tinira ng missile
            ang gaza city na ikinamatay naman ng apat na kasapi ng militanteng
            grupong hamas at limang sibilyan.



            National news ...

            Nailigtas ng US navy ang lima sa walong pilipinong mangingisdang
            nawawala mula pa noong mayo a-tres.

            Natagpuan ang mga lima sa sa karagatang malapit sa Guam.

            Ayon kay senador robert jaworski, naglayag ang mga mangingisda sa
            saranggani bay subalit nasiraan ng motor ang kanilang bangka.

            Kinilala ang mga nailigtas na sina robert bulig, rolito bulig, mag-
            amang sina sergio at ariel formentera na pawang taga-general santos
            city at joseph kuyos, taga-davao city.

            Isa sa kasama nila ang namatay habang naglalayag at ipinaanod na
            lamang nila sa dagat pagkaraan ng ilang araw dahil hindi na makayanan
            ang amoy nito.

            Humiwalay naman ang dalawa pang mangingisda at hindi na alam ng mga
            nakaligtas ang nangyari sa kanila.

            Tatlumput anim na araw na nabuhay sa karagatan ang limang mangingisda
            na umiinom na lamang ng tubig-dagat at kumakain ng buhay na isda.

            Uuwi na sila bukas ng pilipinas.



            National news ...

            Pinabulaanan ng militar ang report na ikinulong nito si roland ulah -
            ang nakatakas na huling bihag ng abu sayyaf.

            Ayon kay lt. col. daniel lucero, pinuno ng AFP public information
            office, nananatili sa southcom sa zamboanga city si ulah sang-ayon sa
            kanyang sariling kagustuhan.

            Nabatid na may banta kay ulah ang abu sayyaf na gagantihan ang
            kanyang pamilya kaya hindi muna ito umuuwi sa kanilang bahay.

            Binanggit ni lucero na posibleng isailalim nila sa witness protection
            program si ulah dahil sa mahahalagang impormasyon na ibinibigay nito
            na makakatulong sa kampanya ng bansa laban sa terorismo.



            Business news ...

            Umapila si energy secretary vince perez sa mga kumpanya ng langis na
            muling magrollback ng presyo ng mga produktong petrolyo.

            Ikinatwiran ni perez na nananatiling matatag ang world crude prices
            kaya posibleng maibaba pa ang presyo ng oil products.

            Ayon sa kalihim , kulang pa ang oil price rollback nitong mga
            nagdaang buwan.

            Samantala, umaasa ang DOE na mananatiling matatag ang presyo ng
            langis sa pandaigdigang pamilihan sa kabuuan ng taong kasalukuyan.

            Ito ay dahil umano sa mabilis na resolusyon ng iraq war at ang hindi
            grabeng epekto ng SARS outbreak sa world economy.

            Tinataya ng energy department na ang average price ng dubai crude
            ngayong 2003 ay maglalaro sa 25 dollars per barrel. Matatandaan na
            ito ay nasa mahigit 30 dollars per barrel sa kainitan ng iraq crisis.




            Business news ...

            Posibleng pondohan ng mga negosyanteng koreano at hapon ang agro-
            industrial project ng gobyerno lalo na sa mindanao.

            Ito ang inihayag ni pangulong arroyo bunga ng matagumpay niyang
            pagbisita sa mga bansang amerika, south korea at japan.

            Aniya, nakuha niya ang interes ng tatlong naturang bansa na mamuhunan
            sa pilipinas.

            Tiwala ang pangulo na kapag nagsimula nang dumagsa ang mga dayuhang
            negosyante maraming trabaho na ang mapapasukan ng mga pilipino.

            Pinapurihan naman ng pangulo ang naging kontribusyon ng mga lokal na
            negosyante sa bansa. Aniya, dahil sa kanila kaya umaangat ang
            ekonomiya ng pilipinas.



            Business news ...

            Pinag-iibayo pa ng bureau of internal revenue ang koleksyon ng buwis.

            Ito ay kaugnay ng second leg ng tax mapping operations ng BIR sa
            tondo, maynila.

            Layon nitong madiskubre ang mga nandaraya sa pagbabayad ng buwis.

            Umaabot na sa mahigit 20,000 commercial, business at industrial
            establishments ang na-survey ng BIR sa metro manila.

            Umaasa ang BIR na masu-survey nila ang mahigit 30,000 establishimento
            bago matapos ang 2003.

            Ang unang leg ng tax mapping operation ng BIR ay isinagawa sa paco,
            pandacan nitong nakalipas na linggo.



            Police report ...

            Isang bagong grupo ang binuo para labanan ang mga bomb plotters.

            Ang grupo ay inatasang tugisin ang limang taong pinaniniwalaang may
            planong maglunsad ng pambobomba sa bansa.

            Ang nasabing team ay pangungunahan ni chief supt. jesus garzusa ng
            PNP intelligence group.

            Ang limang bomb plotter ay kinilala ni muklis yunos , isang
            explosives expert ng moro islamic liberation front na una nang
            nadakip ng mga otoridad.

            Nahuli si muklis sa paliparan sa cagayan de oro city kamakailan.



            International news ...

            Labing pito katao ang nasawi sa pinasabog na pampasaherong bus sa
            central jerusalem.

            Isang oras matapos ang pagsabog, gumanti naman ang israeli helicopter
            gunship missile sa isang kotse sa gaza city na kumitil naman sa buhay
            ng may anim katao.

            Kabilang sa mga nasawi ay ang hamas senior member na si tito massoud
            kasama ang isa pang miembro nito.

            Samantala, ideneklara na ang high-alert sa israel matapos magbanta
            ang hamas na ipaghihiganti nila ang paglusob kay abdel aziz al
            rantisi sa gaza city kamakailan.

            Balisa naman si US president george w. bush dahil sa paglusob kay
            rantisi at sa anak nito. Marami na ang nagtatanong kung maisusulong
            pa ang peace roadmap sa middle east sa gitna ng nagaganap na
            kaguluhan sa bansa.




            International news ...

            Sa liberia - pumayag na si pangulong charles taylor at ang mga
            rebeldeng grupo sa mungkahi ng mga west african mediator na magkaroon
            muna ng tigil putukan

            Ayon kay ghana foreign minister Nana Afucokado, maaring lagdaan ang
            pormal na tigil putukan bukas, araw ng biernes.

            Ang usapang pangkapayapaan ay gaganapin sa Ghana na kalapit-bayan ng
            liberia.

            Nangangamba ang mga mamamayan ang posibleng pag-ulit ng ethnic
            killing noong 1990 civil war na nagbigay daan sa pagkakahalal ng
            pangulo ng bansa.



            Sports news ...

            Sa NBA - tabla na ang new jersey nets at san antonio spurs sa NBA
            finals sa seryeng 2-2.

            Ang pagiging agresibo ang naging susi para sa Nets upang makalusot sa
            spurs, 77-76.

            Umarangkada ang nets sa 1st quarter para makamit ang 45-34 lead sa
            half time.

            Ngunit nakahabol ang spurs at lumamang pa, 59-56 , sa unang bahagi ng
            third period.

            Naging dikit ang laban ngunit ang hassle ng nets at consistency sa
            foul line ni all-star Jason kidd ang naging susi para sa nets.

            Pwede pa sanang makatabla ang nets ngunit sumablay ang 3-point
            attempt ni manu Ginibili na na-follow-up naman ni tim duncan para sa
            final score.



            Sports news ...

            Binigyang diin ng philippine sports commission na ang pinakamagaling
            lamang na atleta ang ipadadala sa vietnan southeast asian games sa
            disyembre.

            Ayon kay PSC executive director ed mateo hindi dapat gamitin ang SEA
            Games para lamang sa exposure at training ng mga atleta.

            Sinabi pa ni mateo na kailangang bigyan ng sapat na dahilan ng
            philippine olympic committee - technical commission ang pag-aapruba
            nito sa mga atletang kalahok sa SEA games.

            Nauna rito, inaprubahan ng POC technical commission ang pagsali ng
            tatlong daang atleta sa Philippine contingent.


            Police report ...

            Nakasabat ang bureau of customs ng dalawampung milyong pisong halaga
            ng mga smuggled na pekeng damit at sapatos.

            Natuklasan ng BOC anti-smuggling committee ang modus operandi ng
            ginagawang door-to-door operations sa pamamagitan ng pagsasamantala
            ng kanilang Balikbayan privileges para ipuslit ang mga pekeng
            produkto ito.

            Una rito tay kinundena ng mga local manufacturers at retailer ang
            panghihimasok ng mga smuggler sa pagpupuslit ng mga pekeng damit at
            sapatos na nagkakahalaga lang ng 3 dollars kada pares.




            National news ...

            Nagpadala ang department of foreign affairs ng consular team
            patungong Liberia.

            Layon nitong alamin ang kondisyon ng mga manggagawang Filipino doon.

            Ang kautusan ay ibinigay ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople kay
            Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Upa.

            Makikipag-ugnayan ang nasabing team sa Red Cross authorities upang
            alamin ang kalagayan ng mga Pilipinong naapektuhan ng kudeta.

            Inatasan din ni Ople ang team na tiyakin kung nasaan sina Julito at
            Renato Carpentero na nadamay sa kaguluhan sa Liberia.



            National news ...

            Palayain ang bansa sa takot at kahirapan.

            Ito ang tampok sa mensahe ni pangulong arroyo sa araw ng kalayaan.

            Sa kanyang talumpati sa zamboanga, inihayag ng pangulo na patuloy ang
            pagsisikap ng kanyang pamahalaan upang mabigyan ng ginhawa ang mga
            pilipino.

            Inisa-isa rin ng pangulo ang mga programa ng pamahalaan upang masugpo
            ang katiwalian at paglutas sa iba pang problema ng bansa.

            Binigyang diin ng chief executive na dapat harapin at alagaan ng mga
            pilipino ang nakaraan at pagyamanin ang kasarinlan.




            National news ...

            Pinangunahan nina tourism secretary richard gordon at MMDA chairman
            bayani fernando ang tradisyunal na pagtataas ng watawat sa luneta
            maynila kanina.

            Sa nasabing lugar binaril ang pambansang bayaning si dr. jose rizal
            at ginarote ang tatlong pari na sina GOMBURZA o Gomez, burgos at
            zamora.

            Sa pinaglabanan shrine sa sa juan kung saan sumiklab ang unang
            rebolusyo ng mga katipunero laban sa mga kastila, si eduacation
            secretary edilberto de jesus ang nagtaas ng watawat.

            Bilang pag-aalala naman sa mga beterano ng katipunan, nanguna si
            social welfare secretary corazon dinky soliman sa parangal sa moseleo
            delos veteranos de la revolution sa north cemetery.

            Gaya noong nagdaang taon, bayan ko sagot ko ang tema ng pagdiriwang
            bilang tugon ng mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa.

            Lagay ng panahon ...

            Isang low pressure area ang namataan 970 kilometro sa silangan ng
            hilagang mindanao.

            Apektado ng intertropical convergence zone ang kabisayaan at mindanao
            kasama na ang palawan. May frontal system naman sa dulong hilagang
            luzon.

            Ang mga nasabing lugar ay makararanas ng maulap na papawirin na may
            kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog pagkidlat.

            Ang nalalabing bahagi ng bansa lalo na ang bicol region ay
            magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-
            pulong pag-ulan o pagkulog pagkidlat.

            Ang metro manila ay may pag-uulap ng papawirin, mahina hanggang
            katamtamang hangin ang iihip mula sa timog-kanluran.

            Ang manila bay ay bahagya hanggang sa katamtaman ang pag-alon.

            Maglalaro ang agwat ng temperatura mula 15 hanggang 33 antas ng
            sentigrado.

            Sisikat ang araw mamayang 5:26 ng umaga.



            Sa philippine dealing system ...



            Bahagyang humina ang halaga ng piso kontra dolyar.

            Nagsara ang palitan ngayong araw sa 53-pesos and 61-centavos.

            Ito ay kumpara sa kahapong 53-pesos and 53.5 centavos

            Naitala sa 108 million dollars ang kabuuang kalakalan sa merkado.
          • FEBC News and Current Affairs
            Mabati Ang Mabuti ... Ginawaran ni Pangulong Arroyo ng National Artist Awards ang limang tanyag na Pilipino sa kanya-kanyang larangan nitong Miyerkules ng
            Message 5 of 8 , Jun 27, 2003
            • 0 Attachment
              Mabati Ang Mabuti ...
              Ginawaran ni Pangulong Arroyo ng
              National Artist Awards ang limang tanyag
              na Pilipino sa kanya-kanyang larangan
              nitong Miyerkules ng umaga sa Ceremonial
              Hall ng Malakanyang.

              Ang paggagawad ng naturang parangal ay
              alinsunod sa proclamation 383-387 at ito
              ay ipinagkakaloob tuwing dalawang taon
              ng Pangulo ng Pilipinas sa buwan ng
              Hunyo.
              Ang mga pinarangalan ay sina ...
              1. Virgilio Almario sa mahalagang ambag
              sa panitikang Pilipino;
              2. Salvador Bernal sa teatrong Pilipino;
              3. yumaong Jose Joya, sa katangi-tanging
              husay at pambihirang ambag sa visual
              arts ng Pilipinas;
              4. Alejandro Roces sa mahalagang ambag
              sa panitikang Pilipino bilang manunulat
              ng maikling kuwento at sanaysay at
              walang pasubaling pagtatanggol sa
              kalinangang Pilipino;
              5. at Edgar Romero sa mahalagang
              naiambag sa larangan ng pelikulang
              Pilipino.
              Sa ngalan ng mga tumanggap ng gawad,
              sinabi ni Roces na ang pagkilalang ito
              na bahagi ng sining ng Pilipino ay isang
              malaking karangalan para sa kanya at sa
              iba pang ginawaran ng parangal.
              Ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining
              ang pinakamataas na pagkilala ng bansa
              sa mga Pilipinong nakapagbigay ng
              mahalagang tulong sa pag-unlad ng sining
              sa Pilipinas gaya ng musika, sayaw,
              teatro, visual arts, panitikan,
              broadcast, arkitektura at kaparehong
              sining.
              Ang Gawad na ito ay sagisag ng
              pinakamataas na karangalang
              ipinagkakaloob ng bansa sa naging
              katangi-tanging mga alagad ng sining.
              Ang unang National Artist Award ay
              ipinagkaloob kay Fernando Amorsolo noong
              1972.
              Ang galing talaga ng pilipino!!!

              Juan tanod po para sa mabati ang mabuti
              !!!



              National news ...

              Hihingi ng saklolo si bureau of
              corrections director dionisio santiago
              sa philippine drug enforcement agency,
              NARCOM, at iba pang ahensya para
              magsagawa ng raid laban sa mga
              nagtutulak ng ilegal na droga sa loob
              mismo ng new bilibid prisons.

              Ito ay matapos madiskubre ang isang
              laboratory sa loob mismo ng maximum
              security compound ng NBP.

              Isang chinese chemist na nakulong dahil
              sa ilegal na droga ang itinuro ni
              santiago na nasa likod ng shabu
              Laboratory. Naka-bartolina na umano ang
              nasabing dayuhan.

              Inaalam na aniya kung sino ang kasabwat
              ng naturang chinese chemist sa
              paniwalang hindi naman ito makakakilos
              kung walang nasabwat na tauhan ng NBP.

              Inirekomenda na rin ni santiago na
              patawan na ng lethal injection ang mga
              nahatulan upang mahinto na ang
              masasamang aktibidad ng mga ito.



              National news ...

              Ikinabahala naman ni pangulong arroyo
              ang report na mayroong laboratoryo ng
              shabu sa loob mismo ng maximum security
              compound ng new bilibid prisons.

              Dahil dito, ipinag-utos ng pangulo ang
              agarang pagpapa-alis sa pwesto sa
              sinumang opisyal ng piitan na
              mangungunsinti ng paggamit ng ilegal na
              droga sa kanyang nasasakupan.

              Nais ng pangulo na mahigpit na ipatupad
              ni bureau of corrections director
              dionisio santiango ang kanyang
              direktiba.

              Inatasan din ng pangulo si santiago na
              regular na tiyakin kung gumagamit ng
              bawal na gamot ang mga bilanggo pati ang
              mga opisyal ng piitan.

              Gusto ng pangulo na makakuha ng report
              hinggil dito sa pamamagitan ni justice
              secretary simeon datumanong.


              National news ...

              Inihayag ni congressman antonio cuenco
              na sa metro manila may pinaka-maraming
              nag-ooperate na sindikato ng droga.

              Sinabi ni cuenco, chairman ng house
              committee on illegal drugs, na nabunyag
              sa ginanap na drug summit kahapon na
              nasa kamaynilaan ang 29 sa 175 drug
              syndicates sa bansa .

              Sumunod dito ang central luzon na may 22
              sindikato, southern luzon at central
              visayas na may tig-dalawampu, labing
              tatlo naman sa region 11 at sampu sa
              region 8.

              Tumanggi naman si cuenco na pangalanan
              ang mga sindikato upang hindi pumalpak
              ang gagawing operasyon ng mga otoridad.



              National news ...

              Inamin ng philippine national police na
              madalas pumapalpak ang operasyon ng mga
              otoridad laban sa droga sa mga lalawigan
              dahil nakakatunog ang mga suspect bago
              pa mailabas ang warrant mula sa lokal na
              korte.

              Dahil dito, iminungkahi ni PNP anti-
              illegal drugs task force chief edgardo
              aglipay na mas makakabuting magkaroon ng
              drug courts para mapaigting ang
              kampanya.

              Iminungkahi aniya nila sa pulong sa
              kongreso na payagan ang executive judge
              ng maynila at sa quezon city na mag-isyu
              ng search warrant kahit sa ibang lugar.


              National news ...

              Bumuo na ng isang technical working
              group ang DepEd sa layuning makabuo ng
              mga alituntunin upang makatulong sa
              pagsugpo sa suliranin ng ilegal na droga
              sa mga paaralan sa buong bansa.

              Ayon kay education assistant secretary
              for programs and project teodoro
              catindig magtutulungan sa layuning ito
              ang department of interior and local
              government at department of health .

              Gusto aniya ng DepEd na agad na
              maisalalim sa rehabilitasyon ang
              sinumang estudyante na mapapatunayang
              positibo sa paggamit ng ilegal drugs sa
              halip na tratuhin silang kriminal.

              Sinabi ni catindig na dapat pa itong
              bigyan ng pagkakataong magbago upang
              maiwasang magkatrauma at hindi
              magrebelde.

              Aminado naman ang department of
              education na wala sa kanilang
              hurisdiksyon ang mga pribadong
              eskwelahan na basta na lamang nag-e-
              expel ng mga estudyante na positibo sa
              droga.



              National news ...

              Muling umatake ang davao death squad.

              Isang hinihinalang drug pusher ang
              pinagbabaril hanggang mapatay sa davao
              city kagabi.

              Ayon sa ulat, naglalaro ng ma-jong si Al
              Dael nang pagbabarilin ng nag-iisang
              suspect habang nasugatan naman ang isang
              kasama nitong si Cesar Miano.

              Sinasabing maraming kagalit si Dael
              dahil sa klase ng kanyang trabaho.

              Pinaniniwalaang pang-sampu na si Dael sa
              biktima ng davao death squad.



              National news ...

              Iminungkahi ni surigado congressman at
              house defense committee chair prospero
              pichay sa gobyerno na pag-aralan ang
              paraang susugpo sa matinding problema ng
              ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan
              ng extra judicial means laban sa mga
              sindikato ng droga.

              Sinabi ni congressman pichay na kung
              ganitong paraan ang magiging pang-
              matagalang solusyon para lamang tuluyang
              maging drug free philippines ay dapat
              pag-aralang mabuti maging ng mga grupong
              may pinaglalaban ang karapatang pantao
              para magkaroon ng karaoatang mabuhay ang
              sambayanang ayaw sa droga.

              Pikon na rin si pichay sa mga drug lords
              kaya hindi dapat ipagtanggol ang
              kanilang karapatang pantao

              Inihalimbawa ni pichay ang ginagawang
              sistema ni davao city mayor rodrigo
              duterte na ikinatakot ng mga sindikato
              ng droga.

              Sinisi rin ng house committee on
              dangerous drugs ang mahinang sistema ng
              prosekusyon at mahinang implementasyon
              ng batas kaya hindi natatapos ang
              problema sa droga.






              National news ...

              Tatapatan ng pwersa ng pamahalaan ang
              panibagong pag-atake ng new people's
              army sa military detachment sa oras,
              eastern samar.

              Ito ang inihayag ni pangulong arroyo
              kasabay ng kanyang pakiki-dalamhati sa
              pamilya ng mga sundalo at CAFGU na
              nasawi sa pagsalakay.

              Inatasan din ng pangulo ang militar at
              pulisya na magsanib ng intelligence
              resources para mahadlangan ang pag-
              atake ng mga rebelde.

              Samantala, itinanggi ng militar na
              nagkaroon ng failure of intelligence
              kaya nagawang makubkob ng mga NPA ang
              kampo ng army sa samar.

              Sinabi ni AFP public information chief
              lt. col. daniel lucero na palaging may
              nagaganap na pag-atake sa nasabing
              lalawigan kaya inaasahan na ng militar
              ang mga ganitong paglusob.

              Ipinaliwanag ni lucero na talagang
              lumaban hanggang sa kamatayan ang mga
              nakatalagang sundalo sa 52nd infantry
              battalion detachment nang ito ay lusubin
              ng may 200 NPA.




              National news ...

              Hindi umano sang-ayon sa saligang batas
              ng bansa ang isinusulong na transition
              president ni presidential adviser on
              special concerns norberto gonzales.

              Ayon kay election lawyer romy macalintal
              na mangyayari lamang ang transition
              government kung nagpapalit ang gobyerno.

              Inihalimbawa ni macalintal ang nangyari
              noong panahon ni dating pangulong
              corazon aquino kung saan nagkaroon ng
              bagong saligang batas kaya nagkaroon din
              ng transitory provision.

              Binanggit ni macalintal na hindi dapat
              mapadalos-dalos ang mga political
              advisers ng pangulo sa pagbibigay ng
              pahayag dahil nakakasira lang ito sa
              imahe ng chief executive.



              National news ...

              Nanguna si senador noli de castro sa
              survey ng mananalong pangulo kung
              isasagawa ngayon ang halalan.

              Sa pinakahuling suvrey ng social weather
              station mula May 28 hanggang June 14,
              nakakuha si de castro ng 22 percent.

              Mahigit naman ang laban ni dating
              senadir raul roco na pumapangalawa sa
              botong 19 percent.

              Pangatlo si fernando poe jr na may 16
              percent, pang-apat si pangulong arroyo
              na nakakuha ng 15 percent.

              Sumunod sa kanila si senador panfilo
              lacson, senador magsaysay jr. senadora
              loren legarda, senator aquilino pimentel
              at vice president teofisto guingona jr.

              Si de castro din ang nangunguna sa
              pagka-bise presidente kung ngayon
              gagawin ang eleksyon.



              National news ...

              Kinumpirma ni bureau of corrections
              director dionisio santiago na pinapatay
              ang mga bilanggong nagsusumbong sa mga
              otoridad hinggil sa mga ilegal na
              aktibidad sa loob ng bilibid.

              Sinabi ni santiago na kaya maraming
              presyong takot magsalita ay dahil tiyak
              na hindi na sila makakalabas ng buhay

              May mga ulat aniya siyang natanggap na
              pinagpuputol-putol ang katawan ng mga
              impormante kung saan ino-obliga ang iba
              pang bilanggo na maki-saksak upang
              masigurong tatahimik sila sa krimen.

              Idinagdag ni santiago na gumagawa na
              siya ng mga kaukulang hakbang upang
              malaman ang katotohanan sa report upang
              matigil na ito.



              National news ...

              Nakasamsam na naman ng iba't ibang
              sangkap sa paggawa ng pampasabog ang
              mga ahente ng national bureau of
              investigation sa barangay libtong,
              rosario, cavite kagabi.

              Sinalakay ng NBI region-4 ang bahay ng
              isang Rita Quinto sa bisa ng warrant na
              inisyu ni executive judge dolores
              espanol ng dasmarinas regional trial
              court.

              Nakumpiska sa hinihinalang pabrika ng
              dinamita ang isang sako ng ammonium
              nitrate, limampung piraso ng blasting
              caps at detonating cords.

              Hinihinalang gagamitin ang mga
              pampasabog sa dynamite fishing.



              National news ...

              Isang plebo ng philippine military
              academy ang natagpuang patay sa ibaba ng
              Kennon Road sa Tuba, Benguet

              Ayon kay PMA superintendent major
              general edilberto adan matagal nang
              nawawala si 4th class cadet jomel ariel
              valencia, taga-ilocos norte.

              Umalis aniya si valencia ng PMA compound
              ng walang paalam noon pang June 16.

              Napansin umanong laging malungkot at
              naho-homesick ang biktima noong
              nakaraang buwan at plano nang lumabas ng
              PMA.

              May hinala ang mga otoridad na nahulog
              sa mabatong bangin si valencia at hindi
              na naka-ahon pa dahil sa pinsalang
              tinamo nito.

              Samantala, nagtataka naman ang pamilya
              ng kadete kung bakit ito tatakas sa PMA

              Sinabi ni retired air force lt. jimmy
              valencia, ama ni jomel na mas pinili ni
              jomel na maging kadete kahit nakapasa
              ito sa isang unibersidad sa metro
              manila.

              Gayunman, alam aniya niyang malungkot
              ang anak dahil sa pagkawalay sa kanila.



              National news ...

              Magsasampa na ng reklamo ang pamahalaang
              lungsod ng davao laban sa mahigit
              tatlong daang katao na lumabag sa anti-
              smoking ordinance sa lungsod.

              Sinabi ni city counselor bonifacio
              militar na lumakas ang kaso nila laban
              sa violators dahil sa bagong batas ukol
              sa smoking ban.

              Una nang nagpasa ng ordinansa ang
              konseho bago pa maisabatas ang tobacco
              regulations act of 2003.



              National news ...

              Isang hinihinalang miembro ng abu sayyaf
              ang nadakip sa jolo,sulu.

              Dinakip si Nadzmar Maang sa gate 2 ng
              104th brigade headquarters.

              Lalo pang pina-igting ng militar ang
              kanilang operasyon laban sa bandidong
              grupo lalo na sa patikul, Indanan at
              panamao makaraang makalaya na ang lahat
              ng bihag ng bandidong grupo.

              Nangangamba ang militar na muling
              dumukot ng mga sibilyan ang abu sayyaf
              para gamiting human shield o
              pananggalang sa mga tumutugis na
              militar.



              Police report ...

              Isang opisyal ng philippine drug
              enforcement agency at apat pang pulis -
              bacolod ang inireklamo ng pangingikil sa
              bacolod city

              Nahaharap din sa mga kasong grave
              misconduct at grave abuse of authority
              sina senior inps. Jomari ocseno ng PDEA,
              at mga kagawad ng bacolod city PNP na
              sina sr. inpectors clarence dongael at
              jimmy fortaleza, SPO1 george behemino at
              PO2 allan winston hollesa.

              Hinarang umano ng mga suspect ang
              sasakyan ng mag-asawang andrew at
              charlene ledesma gayundin si shena rosa
              at pinadapa ang mga ito habang may tutok
              na baril.


              International news ...

              Daan-daan na ang nasawi at mahigit isang
              libo ang nasugatan sa tumitinding
              labanan sa kabisera ng liberia sa
              monrovia

              Samantala, umabot na sa dalawang daan at
              limampung libong mamamayan ang
              napilitang lumikas sa kanilang mga
              tahanan at tumungo sa mga suburb,
              diplomatic mission, mga paaralan at
              maging sa football stadium upang
              makaligtas sa bakbakan sa pagitan ng mga
              rebelde at militar.

              Sa ngayon, umiinit ang labanan sa tulay
              ng st. paul, sampung kilometro mula sa
              sentro ng monrovia.

              Sa gitna nito, nanawagan si US president
              george w. bush para sa pagbaba sa pwesto
              ni liberian president charles taylor

              Ayon kay bush, tanging ang pagbaba
              lamang ni taylor sa katungkulan ang
              siyang makapipigil sa pagdanak ng dugo
              ng mga sibilyan sa liberia.


              International news ...

              Balak umano ng jemaah islamiya na
              paslangin si indonesian president
              megawati sukarnoputri .

              Ito ay ayon kay faiz bin-abubakar bafana
              sa kanyang pahayag sa indonesian court
              kung saan nya idinawit ang umanoy utak
              ng rebeldeng grupo na si abubakar
              bashir.

              Ayon kay bafana, si bashir din ang nag-
              utos na magsagawa ng church bombings at
              ng pambobomba ng atrium building

              Itinanggi naman ni bashir ang balita at
              sinabing walang katotohanan ito pati ang
              diumanoy pamumuno niya sa teroristang
              grupong jemaah islamiya



              International news ...

              Sumuko na sa US troops ang dating
              information minister ni saddam hussein
              na si mohamed said al-sahaf.

              Subalit matapos sumailalim sa
              pagtatanong pinakawalan din si al-sahaf.

              Ayon sa dubai based al-jabiya station,
              ipapalabas nila ang isang exclusive
              interview kay sahaf ngayong biernes.

              Matatandaan na noong abril ay nais nang
              sumuko nito sa US subalit tumanggi ang
              amerika na arestuhin ito sapakat hindi
              naman siya kabilang sa most wanted list.



              Sports news ...

              Matatapos na nga ba ang best of five
              semi-finals series ng Talk and text
              phone pals at coca cola tigers. Ito ang
              tiyak na tinututukan ngayon ng mga PBA
              fans.

              Kapwa one-win-away ang phone pals at
              tigers upang makapasok sa finals ng PBA
              all filipino cup.

              Nagsimula na ang laban ng coca cola at
              sta lucia realtors kaninang alas-singko
              ng hapon sa philsports arena .

              Layon din ng alaska aces na paabutin pa
              ang serye sa Game 5 sa muling paghaharap
              nila ng phone pals pagdating ng alas-
              siete y media ng gabi.


              Sports news ...

              Muling sasabak sa aksyon si reigning IBF
              super bantamweight manny pacquiao.

              Si pacquiao ay nakatakdang umalis ng
              pilipinas patungong amerika sa Lunes,
              June 30.

              Ito ay upang paghandaan ang nakatakda
              niyang laban kay new york based mexican
              Immanuel carsin lucero sa July 26.

              Idaraos ang kanilang laban sa los
              angeles grand olympic auditorium

              Ito ang ikatlong pagkakataong idedepensa
              ni pacquiao ang kanyang titulo laban kay
              lucero na may 21-0-1 record at 12
              knockouts

              Matatandaang tinalo ni pacquiao si south
              african lelo ledwaba sa las vegas noong
              June 23, 2001.



              Business news ...

              Kumpiyansa ang energy regulatory
              commission na masisimulan na sa agosto
              hanggang setyembre ng taong ito ang
              ikalawang phase meralco refund.

              Ibinunyag ni ERC chairman manuel sanchez
              na isasapinal na ng kanyang tanggapan sa
              susunod na linggo ang utos nito sa power
              company isauli na rin ang sobrang singil
              sa mga consumers ng 101 hanggang 300
              kilowatt hours kada buwan.

              Una na umanong nagkaroon ng agreement in
              principle ang ERC at meralco kaugnay
              nito.

              Ayon kay sanchez, wala nang reklamo ang
              meralco na isama ang mga consumer
              hanggang 300 kilowatt hour a month sa
              susunod na refund.

              Balak sana ng meralco na 101 hanggang
              150 kilowatt hours lang ang susunod na
              babayaran.

              Ipinaliwanag ni sanchez na sa ilalim ng
              phase 2, buong-buo ring makukuha ng
              consumers ang kanilang refund.


              Business news ...

              Hiniling na ipatigil ang TV commercial
              ni edrado "danding" cojuangco sa san
              miguel beer corporation.

              Kasabay nito, ipinasisiyasat ng
              presidential commission on good
              government ang naturang TV commercial ni
              cojuangco.

              Anila, posibleng pondo ng mga coconut
              farmers ang ginamit sa nabanggit na TV
              Ad na masasabing bahagi ng kandidatura
              ni danding.

              Ayon kay PCGG commissioner ruben caranza
              jr. nagreklamo sa kanyang tanggapan ang
              ilang grupo ng mga coconut farmers mula
              sa quezon , leyte at davao at hinihiling
              na ipatigil ang TV ad

              Ang mga coco farmers umano ang may
              pinakamalaking shares sa san miguel
              corporation dahil sa cocolevy fund.

              Ibinunyag din ni caranza na
              pinagpapaliwanag ng pitong government
              appointed SMC directors si cojuangco
              kaugnay ng TV commercial sa isinagawang
              board meeting.

              Ipinagtanggol naman ng SMC ang TV ad ni
              danding sa pagsasabing ito ay bahagi ng
              lehitimong layunin ng korporasyon batay
              sa mga umiiral nitong patakaran.

              Nilinaw ng san miguel ang corporate
              endorsement ng mga chief executive
              officers ay karaniwan nang ginagawa sa
              bansa at sa ibayong dagat.

              Bukod dito, mas malaki umano ang
              gagastusin ng kumpanya kung kukuha pa
              ito ng mga external talents upang
              iendorso ang isang produkto.


              Business news ...

              Umapila si ernergy secretary vince perez
              sa mga pabrika ng langis na panatilihin
              ang kasalukuyang halaga ng krudo at
              langis kung hindi nito kayang magkaroon
              ng oil price rollback.

              Matatandaan na inihayag kamakailan ng
              mga oil firms gaya ng shell at eastern
              petroleum sa publiko na hindi sila
              magkakaroon ng anumang rollback sa mga
              susunod na linggo.




              Business news ...

              Posibleng ihayag na ng department of
              transportation and communications sa
              Lunes kung sino ang nanalo sa bidding
              upang maging maintenance provider ng
              railway system.

              Tiniyak ni DOTC secretary leandro
              mendoza na above board ang nangyari sa
              proseso ng bidding.



              Gusto nang ipabitay ni New Bilibid
              prisons director dionisio santiago ang
              chinese national na siyang may pakana ng
              shabu laboratory sa loob ng maximum
              security compound.

              Ayon kay santiago, wala nang mas mabigat
              pang parusang maigagawad sa naturang
              tsino dahilan sa sagad na ang mga kasong
              nakasampa laban dito.

              Sinabi ni santiago na kung siya ang
              masusunod ay mas mainam pang bitayin na
              ito para magsilbi ring babala sa ibang
              trafficker sa bansa. RMN

              National news ...

              Magtutulungan ang Department of Justice,
              Department of Interior and Local
              Government at Philippine Drug
              Enforcement Agency sa isasagawang
              imbestigasyon hinggil sa napaulat na
              multi-bilyong pisong shabu laboratory na
              nasa loob ng national bilibid prison sa
              muntinlupa

              Ayon kay DILG secretary Jose Lina,
              tutukuyin at parurusahan ang sinumang
              sangkot sa shabu laboratory na
              natuklasan sa bilibid.

              Tiniyak ni Lina na magsasagawa ng
              remedial measures para masigurong hindi
              na mauulit ang mga ganitong aktibidad sa
              loob ng piitan.

              Aniya, nakagugulat at nakalulungkot na
              malalaking drugs lord na convicted na ay
              nakapagpatayo pa ng shabu laboratory sa
              bilibid.

              Ayon pa sa kalihim aalamin sa
              isasagawang malawakang imbestigasyon
              kung bakit hindi agad natuklasan ang
              shabu lab.

              Kumpiyansa naman si Lina na sa ilalim ng
              bagong Bureau of corrections director,
              dating AFP Chief-of-Staff Dionisio
              Santiago, walang magaganap na katiwalian
              at ilegal na aktibidad sa NBP.



              Inatasan na ni pangulong gloria arroyo
              ang Armed forces of the Philippines at
              Philippine national police na tapatan ng
              pwersa ang ginawang pag-atake ng mga
              rebeldeng New People's Army.

              Sinabi ng pangulo na hindi niya
              papayagan na muling mamayagpag ang mga
              rebeldeng komunista na maghasik na naman
              ng terorismo at karahasan tulad ng
              naganap na pag-atake sa Eastern Samar na
              ikinamatay ng labimpito katao.

              Ayon sa pangulo, dapat na pagsamahin ng
              militar at pulisya ang kanilang
              intelligence resources upang maagapan
              ang mga susunod na pag-atake ng mga
              rebeldeng NPA.

              Gayunman, itinuturing ng pangulo na
              isolated lamang ang naganap na pag-atake
              ng NPA, at kontrolado pa rin naman umano
              ng pamahalaan ang peace and order
              sitution sa bansa. RMN

              Namamayagpag pa rin sa survey si senador
              Noli de Castro sa hanay ng mga
              presidentible sa 2004 elections.

              Ito ang resulta ng pinakahuling survey
              na isinagawa ng social weather station
              mula noong mayo a-biente kwatro hanggang
              Hunyo katorse.

              Nakakuha si de Castro ng 22 percent na
              sinundan ito ni dating DepEd Secretary
              Raul roco, na may 19 percent samantalang
              pumangatlo naman si Fernando Poe Jr, na
              nakagupo ng 16 percent.

              Hindi rin nakalusot si de castro sa
              pangunguna sa mga vice-presidentiables
              na nakakuha ng 25 percent habang
              pumangalawa naman si senador Loren
              Legarda na may 13 percent at si senador
              Juan Flavier naman ay nakasingit sa
              pangatlong pwesto. RMN

              National news ...

              Nanindigan ang Armed Forces of the
              Philippines na nakapasok na nga sa metro
              manila ang ilang miembro ng abu sayyaf
              group.

              Ayon kay AFP spokesman Colonel Daniel
              Lucero, hawak na nila ang isa sa mga
              miyembro ng bandidong grupo na
              nagpanggap na security guard sa
              intramuros.

              Hindi naman itinanggi ni Sali Makim na
              may mga kasamahan pa siya sa metro
              manila na naatasang mangalap ng mga bala
              at baril para sa grupo.


              National news ...

              Binalaan ng department of foreign
              affairs ang publiko laban sa tinatawag
              na "advance fee/e-mail lottery scam" na
              karaniwang bumibiktima sa mga nag-i-
              internet.

              Ayon sa embahada ng pilipinas na naka-
              base sa The Hague, nakapagtala na sila
              ng apat na nabiktima ng naturang scam.

              Kanilang sa mga biktima ang isang
              pilipino na nagpadala ng limang libong
              US dollars at isa pang tao na nag-remit
              ng 25,000 dollars.

              Nakaligtas naman sa scam ang dalaw pang
              pilipino matapos humingi ng payo sa
              embahada bago pa man sumunod sa
              instructions ng e-mail lottery.

              Sinasabing nagpapadala ng e-mail ang
              organizer na nagsasabing nanalo ka ng
              malaking halaga. Hihingi umano ng ng
              advance fee ang organizer para i-process
              ang napanalunang pera sa pamamagitan ng
              money transfer.

              Ngunit hindi na umano makakatanggap ng
              tawag mula sa e-mail lottery organizer
              ang biktima matapos itong magpadala ng
              advance fee.


              Sa philippine dealing system ...

              Muling bumagsak ang halaga ng piso
              kontra dolyar.

              Nagsara ang palitan sa 53-pesos and 64-
              centavos kumpara sa kahapong 53.55.

              Naitala sa 165.7 million US dollars ang
              kabuuang kalakalan sa merkado.




              Lagay ng panahon ...

              Apektado ng intertropical convergence
              zone ang katimugang luzon, visayas at
              mindanao.

              Ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng
              maulap na papawirin na may kalat-kalat
              na pag-ulan at pagkulog -pagkidlat.

              Ang nalalabing bahagi ngbansa ay
              magkakaroon ng bahagya hanggang sa
              maulap na papawirin na may pulu-pulong
              pag-ulan at pagkulog pagkidlat.

              Ang metro manila ay bahagyang maulap
              hanggang sa napaka-ulap. Mahina hanggang
              sa katamtamang hangin angiihip mula sa
              silangan at timog-silangan.

              Ang manila bay ay bahagya hanggang sa
              katamtaman ang pag-alon.

              Ang agawat ng temperatura sa kamaynilaa
              ay mula 24 hanggang 33 antas ng
              sentigrado.

              Sumikat ang araw kaninang 5:30 at
              lulubog mamayang 6:29 ng gabi.




              lulubog



              SunsetToday 6:28 PM SunriseTomorrow 5:30
              AM SunsetTomorrow 6:29 PM












              National news ....

              Muling sisimulan sa July 1 ang usapang
              pankapayapaan sa pagitan ng pamahalaan
              at moro islamic liberation front.

              Ito ay batay na rin sa 5-phase peace
              process na nabuo sa pagpupulong ng
              cabinet oversight committee on internal
              security

              Unang bahagi nito ang preparatory phase,
              susunod ang general ceasefire, pormal na
              negosasyon, pagtatapos ng pormal na
              negosasyon at huli ay ang lagdaan ng
              pinal na peace agreement.

              Ayon kay presidential adviser on
              strategic concerns renato de villa,
              liban sa mismong negotiating teams, may
              papel din sa peace process ang
              presidential adviser on the peace
              process, departmen of foreign affairs at
              ang iba pang ahensya ng gobyerno

              Inaasahang tatagal ang usapan ng
              siyamnapung araw.

              Ngunit ayon sa malaysia, handa silang
              mamamagitan sa peace talks kahit pa
              lumapas ito sa itinakdang araw.

              Pag-uusapan naman ngayong biernes ng
              malaysian cabinet ang hiling ng
              pilipinas na magpadala ng monitoring
              team sa usapan ang mgabansang libya,
              bangladesh, bahrain at malaysia.

              Matatandaang muling pinasimulan ni
              pangulong arroyo ang peacetalks
              makaraang pumayag si chairman hashim
              salamat na maupo sa usapan at matapos
              tahasang iwaksi ng mga rebelde ang
              gawaing terorismo.

              Sa MILF karaniwang isinisi ang serye ng
              pambobomba na naganap sa mindanao sa mga
              nagdaang buwan.
            • FEBC News and Current Affairs
              tagalog news july 3, 2k3 Mabati ang Mabuti ... Gusto kong batiin ang kabutihan , kasipagan at pagiging masayahin ng isang kamanggagawa dito sa far east
              Message 6 of 8 , Jul 3, 2003
              • 0 Attachment
                tagalog news
                july 3, 2k3


                Mabati ang Mabuti ...


                Gusto kong batiin ang kabutihan ,
                kasipagan at pagiging masayahin ng isang
                kamanggagawa dito sa far east
                broadcasting company. Ang pangalan niya
                si Francis Garcia.

                Kuya Francia kung siya ay tawagin. Isa
                siya sa mga liaison officers dito sa
                FEBC. Focus of expertise niya ang pag-
                aasikaso ng mga papeles ng mga empleyado
                at dayuhang misyunero ng kumpanya para
                sa bureau of immigration, SSS, HDMF or
                Pag-ibig, BIR at Philhealth. Hindi niya
                pinatatagal ang paper work
                s sa kanyang mesa.

                Kapag may mga dokumentong dapat
                asikasuhin, asahan mo... mabilis pa sa
                alas-kwatro ang pagtugon niya rito.

                Mahinahon sa pagsasalita, accomodating
                kapag may tanong sa kanya tungkol sa mga
                loans, sickness benefits at kung anu-ano
                pa.

                Mula sa pabalik-balik niyang pagpunta sa
                iba't ibang ahensya ng gobyerno, umaraw
                man o umulan, hanggang sa pag-a-asiste
                niya ng mga ngiti sa mga kamanggagawag
                kailangan ng kanyang tulong... sa maliit
                o malaking detalye ng kanyang trabaho...
                talaga namang maasahan si Kuya Francis.

                At higit pa diyan, dala-dala niya ang
                kanyang pagiging Kristyanong manggagawa
                paglabas niya ng FEBC compound. Mabuting
                patotoo sa kanyang nakakasalamuha sa
                daan!!!

                Wow! Talagang karapat-dapat mabati ang
                kabutihan mo, kuya Francis!!!

                Para sa mabati ang mabuti, Juan Tanod
                po!!!


                National news ...

                Kumpirmadong may japanese encephalitis
                virus ang isang residente ng tarlac.

                Nabatid mula kay health undersecretary
                antonio lopez na kritikal ngayon sa
                ospital ang isang residente ng bamban
                tarlac habang ino-obserbahan naman ang
                dalawang iba bagaman ligtas na ang mga
                ito.

                Lamok aniya ang nagdadala ng naturang
                virus. Karaniwang umaatake sa utak ng
                tao ang japanese encephalitis na
                magdudulot ng kumbulsyon at pamamaga ng
                utak.

                Binanggit ni lopez na nagsagawa na ng
                fogging sa bamban, tarlac at tuluy tuloy
                din ang information campaign ng
                department of health ukol sa nakamamatay
                na virus.

                May outbreak na ng naturang sakit sa
                guangdong, china kung saan una ring
                pumutok ang severe acute respiratory
                syndrome o SARS




                National news ...

                Preparado ang manila international
                airport authority sa banta ng japanese
                encephalitis sa pilipinas.

                Ayon kay MIAA general manager edgardo
                manda , hindi nila masasabing dagdag na
                pasanin ang pagputok ng panibagong sakit
                na kasing-tindi rin ng SARS.

                Ipinaliwanag ni manda na dahil
                magkamukha ang sintomas ng japanese
                encephalitis sa SARS, magagamit pa rin
                nila ang kanilang thermal scanning
                machine upang masala ang may sakit nito.

                Gayunman, sinabi ni manda na mas pina-
                igting nila ang monitoring sa mga
                balikbayan at turista para hindi
                makalusot ang carrier ng naturahng
                sakit. Katuwang ng MIAA ang bureau of
                quarantine sa pagmomonitor.

                Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa
                health department hinggil sa angkop na
                kemikal na dapat gamitin sa pag-i-spray
                sa lahat ng eroplanong lumalapag sa mga
                paliparan sa bansa.

                Ito ay makaraang mabatid na galing ang
                naturang sakit sa kagat ng lamok.



                National news ...

                Priyoridad ng mababang kapulungan ng
                kongreso na aprubahan sa unang araw ng
                sesyon ang mandatory Quarantine bill
                para sa lahat ng nakakahawang sakit na
                taglay ng sinumang papasok sa bansa

                Ito ang tiniyak ni bacolod city
                congressman monico fuentebella makaraang
                lumabas at madiskubre ang bagong
                nakamamatay na encephalitis virus mula
                sa china

                Ang panukalang quarantine ay mag-
                aamienda sa quarantine act of 1949 na
                hindi gaanong epektibo partikular nang
                kumalat ang SARS.

                Naunang ipinasa ng kongreso sa second
                regular session sa ikalawang pagbasa ang
                quarantine bill na ini-akda ni
                fuentebella sa kasagsagan ng sakit na
                SARS.

                Ang panukala ay hindi lamang sa SARS
                tutuon kundi sa lahat ng nakahahawa at
                madidiskubre pang sakit sa hinaharap.


                National news ...

                May animnaraang tauhan ng philippine air
                force ang inalis sa pwesto dahil sa
                paggamit ng ilegal na droga.

                Ayon kay air force chief lt. gen. nestor
                santillan, kabilang sa mga tinanggal sa
                kanilang unit ang ilang piloto na may
                ranggong kapitan at major.

                Ito ay matapos lumitaw sa isinagawang
                random drug test na positibo sa paggamit
                ng shabu ang mga nasabing tauhan ng PAF.

                Nilinaw naman ni PAF spokesman major
                restituto padilla na hindi nakatalaga sa
                flying units ang mga nasibak na piloto
                at sa halip sila ay mayroong
                administrative position lamang.


                National news ...

                Sa loob ng isang linggong operasyon,
                nahulog sa kamay ng PNP recom-3 ang
                walumput apat na drug user at pusher.

                Nadakip ang mga suspect sa
                magkakahiwalay na lugar sa gitnang luzon
                mula June 30 hanggang july 3.

                Sa mga nahuli, dalawamput isa ang mula
                sa pampanga, 23 mula sa bulacan, labing
                isa sa olongapo, labing dalawa sa nueva
                ecija, labingisa sa bataan at tig-tatalo
                sa zambales at sa tarlac.

                Sa maynila, pitumput dalawa katao naman
                ang nadakip ng mga otoridad sa tatlong
                araw na operasyon laban sa ilegal na
                droga mula noong Lunes.

                Sa pitumput dalawang nadakip, labing
                dalawa ang pusher habang animnapu ang
                user.

                Umabot naman sa isang daang gramo ng
                shabu na nagkakahalaga ng 200,000 pesos
                ang nasabat sa tatlong araw na
                operasyon.

                Naaresto rin sa naturang operasyon ang
                isang sampung taong gulang na bata na
                isa umanong shabu runner. Sinabi naman
                ng bata na hindi niya alam na shabu ang
                kanyang dinadala sa ibat ibang lugar.

                Tiniyak naman ni regional police
                director vidal querol na hindi pa ito
                nagtatapos ang kanilang operasyon laban
                sa mga drug trafficker sa bansa.


                National news ...

                Labing isang hinihinalang drug pusher at
                user ang pinagdadampot sa pasay city.

                Sinabi ng Pasay PNP-anti illegal drugs
                task force na kabilang ang mga ito sa
                listahan ng mga positibong gumagamit at
                tulak ng droga.

                Itinanggi ng karamihan ang
                pagkakasangkot sa illegal drugs bagamat
                matibay ang mga nakuhang ebidensya laban
                sa kanila.

                Dalawang tao naman ang nadakip ng PDEA
                dahil sa pagbebenta ng marijuana sa
                cabuyao laguna

                Arestado sa buy bust operation sina
                conrado Guia at diosdado maceda na
                nakuhanan ng halos isang kilo ng
                pinatuyong marijuana. Nakuha rin sa mga
                ito ang marked money na ginamit, pati na
                ang tricycle na ginamit sa kanilang
                operasyon.

                Sa samar, pitong hinihinalang drug
                dealer ang naaresto sa isang buy bust
                operation sa barangay jose abad santos
                catarman

                Kinilala ang mga suspect na sina manuel
                ching, marian tolipas , bernardo torpes,
                manuel arnio, jobert ching, alvin
                villacorte at jimmy king

                Nakakumpiska ang PDEA ng mahigit limang
                gramo ng shabu , marked money , dalawang
                cellphone at drug paraphernalia.


                National news ...

                Mahigit sa walong milyong pisong halaga
                ng marijuana ang nadiskubre ng
                pinagsanib na pwersa ng PNP at
                Philipinne Drug Enforcement Agency sa
                isang marijuana plantation sa mount
                banga-banga, sa kalinga province

                Sa report na nakarating kay PDEA
                executive director anselmo avenido, una
                nang nakatanggap ng impormasyon ang mga
                tauhan ng kalinga police provincial
                office na may pataniman ng marijuana sa
                nasabing lugar.

                Naglunsad ng surveillance operation ang
                mga otoridad at nang makumpirma ang
                naturang impormasyon ay saka sinalakay
                ang nasabing plantasyon ngunit walang
                dinatnang magsasaka.

                Nadiskubre ng mga otoridad ang may
                dalawampung libong puno ng marijuana
                maliban pa sa may sampung libong tuyong
                dahon nito.

                Agad namang sinunog ng mga operatiba ang
                mga puno ng marijuana habang dinala
                naman sa headquarters ng kalinga PNP ang
                iba pang mga dahon para gawing
                ebidensya.



                National news ...

                Itinuturing ng pamahalaan bilang mga
                terorista ang mga drug pusher at
                trafficker.

                Ito ang inihayag ni presidential
                spokesman ignacio bunye makaraang
                kumpirmahin ni pangulong arroyo ang
                sabwatan ng mga terrorist groups at drug
                lord.

                Sinabi ni bunye na tulad ng mga
                terorista, naghahasik din ng takot ang
                mga drug trafficker sa mga mamamayan.

                Ayon sa kalihim, mariing kinukundena ng
                malacanang ang iligal na gawain ng mga
                ito dahil ito ay nakasisira sa
                kinabukasan ng mga kabataan.

                Ani bunye, wala itong ipinagkaiba sa mga
                rebeldeng grupo na nambibiktima ng mga
                inosenteng sibilyan.


                National news ...

                Urong-sulong si pangulong gloria arroyo
                sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa
                mga drug trafficker at drug lords.

                Bagamat katig si pangulong arroyo na
                isalang na sa lethal injection ang mga
                drug lords na pinal nang hinatulan ng
                korte suprema, hindi na muna niya
                ipabibitay ang mga convicted drug
                traffickers dahil sa posisyon ng
                simbahan at ilang sektor na laban sa
                parusang kamatayan.

                Sinabi ni presidential spokesman ignacio
                bunye na ayaw ng pangulo na magkawatak-
                watak ang sambayanan sa lahat ng isyung
                may kinalaman sa kampanya laban sa bawal
                na gamot.

                Hindi aniya napapanahon na ngayon pa
                magdebate hinggil sa parusang bitay
                habang nagsisikap ang administrasyon na
                pag-isahin ang bansa laban s ailegal na
                droga.

                Una nang inihayag ng PNP at PDEA na
                malaking tulong sa anti-illegal drug war
                kung isasalang na sa death chamber ang
                mga convicted drug lord at drug
                trafficker.



                National news ...

                Natagpuan na ang tatlong dayuhan
                kabilang ang dalawang pilipino na
                dinukot ng hinihinalang mga pirata sa
                katimugang nigeria.

                Nasa mabuting kalagayan ang tatlo na
                kinabibilangan din ng isang german
                national.

                Nakita ang tatlo sa isang lugar sa may
                buruto at bumadi area sa delta street
                bagamat wala nang karagdagang
                impormasyon na ibinigay pa.


                National news ...

                Dumating na kagabi ang mga labi ni
                rolando tejero, isa sa pitong pinoy
                seamen na namatay sa pagsabog ng boiler
                room ng barkong SS norway sa florida USA

                Nakatanggap ang pamilya ni terejo ng
                76,000 dolyar mula sa norwegian cruise
                line o mahigit apat na milyong piso.

                Bukod pa ang isang daan at dalawampung
                libong piso at college scholarship para
                sa isa nitong anak mula sa overseas
                workers welfare administration.



                National news ...

                Babalik na lang sa orihinal na hakbang
                ang kampo ni dating pangulong joseph
                estrada matapos tanggihan ng
                sandiganbayan ang kanilang mosyon na
                isalang sa witness stand si pangulong
                arroyo.

                Sinabi ni atty. rene saguisag na
                isusulong na lang nila ngayon ang
                impeachment laban sa mga mahistrado ng
                korte suprema

                Ayon naman sa mga abogado ni estrada,
                tuloy ang kanilang laban para sa dating
                pinuno. Abala ang mga court appointed
                lawyers ni estrada sa preparasyon ng mga
                ebidensyang inihain ng panig nga
                prosekusyon sa plunder case.

                Isinantabi rin ng sandiganbayan special
                division ang mosyon ng de officio court
                appointed lawyers ni estrada na
                humihiling na sila ay pagbitiwin na sa
                pagtatanggol sa plunder case.

                Sinabi naman ni atty. noel malaya na
                malugod nilang tinanggap ang desisyon ng
                korte na panatilihin sila bilang abogado
                ni estrada.

                Sa tagal aniya ng itinakbo ng court
                proceedings, nakapanghihinayang ding ito
                ay iwan lalo pa't nakikita nilang may
                laban ang kanilang kliyente.

                Nakatakda sa July 28 ang presentation of
                evidence ng panig ng depensa.



                National news ...

                Matapos itanggi kaninang umaga,
                napilitan si presidential spokesman
                ignacio bunye na aminin na nagpulong nga
                kahapon sina pangulong arroyo at dating
                ambassador eduardo "danding" cojuangco.

                Ngunit nillinaw ni bunye na hindi sa
                malacanang kundi sa villamor airbase
                nagtagpo sina ginang arroyo at cojuangco
                habang papunta ang pangulo sa
                anibersaryo ng philippine airforce.

                Iginiit din ni bunye na hindi tungkol sa
                mahigit isang dang bilyong pisong coco-
                levy fund ang naging tema ng pag-uusap
                ng dalawa kundi sa pagpapalakas ng
                ruling coalition sa mababang kapulungan

                Hindi naman nilinaw ni bunye kung
                natalakay ang umuugong na planong
                pagtakbo nina ginang arroyo at cojuangco
                sa 2004 national elections.

                Una rito, nabunyag ang umanoy secret
                deal nina pangulong arroyo at cojuangco
                hinggil sa naturang pondo sa kondisyong
                hindi na tatakbo si danding




                National news ...


                Naninindigan ang malakanyang na hindi na
                kakandidato si pangulong gloria arroyo
                sa 2004.

                Ito ang reaksyon ni presidential
                spokesman ignacio bunye sa nalathala sa
                mga pahayagan na sinasabi ni
                presidential chief of staff rigoberto
                tiglao na tatakbo si arroyo sa
                presidential polls

                Binigyang-diin ni Bunye na hindi
                nagbabago ang pasya ng presidente.

                Kasabay nito, dumistansya ang
                malakanyang sa nagkalat na poster at
                banner hinggil sa umano'y pagtakbo ni
                pangulong arroyo sa 2004.

                Ayon kay bunye, maaring kagagawan ito ng
                ilang grupo na gustong sirain ang imahe
                ng chief executive.

                Ipinag-utos na rin sa MMDA na alisin ang
                mga nasabing poster at banner.



                National news ...

                Mas maraming negosyante sa bansa ang
                nais nang bumaba sa pwesto si pangulong
                arroyo sa 2004.

                Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng
                new york based Ropper A-S-W na
                ikinomisyon ng business world.

                Mas marami rin ang naniniwala na
                matatalo ang pangulo kapag tumakbo sa
                susunod na taon

                Animanput tatlong porsiento naman mula
                tatlong daang executives na sinurvey ang
                nagsabing mahusay ang ipinapakitang
                trabaho ng pangulo kumpara sa labing
                limang porsiento

                Apatnaput anim na porsiento rin ang
                naniniwalang mas aangat pa ang ekonomiya
                ng bansa sa ilalim ni pangulong arroyo
                habang tatlumput walong porsiento ang
                hindi sumasang-ayon.



                National news ...

                Ipinahuhugot ni senador rodolfo biazon
                ang arrest order laban sa mga leader ng
                new peoples army upang masimulan ang
                pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at mga
                rebeldeng komunista.

                Ayon lay biazon, dapat ding
                pansamantalang itigil ang pagsasampa ng
                kaso hinggil sa pagkakasangkot ng mga
                ito sa ibat ibang krimen.

                Bukod sa NPA, una nang hiniling ng
                senate committee on national defense and
                security na hugutin muna ang warrant of
                arrest para kay MILF chairman hashim
                salamat.

                Inirekomenda rin ni biazon na sa halip
                na sa ibang bansa gawin ng peacetalks ay
                dito na lang isagawa sa pilipinas.

                Naniniwala ang senador na mahihirapan
                ang arroyo administration na tugunin ang
                kahilingan ng NPA na tanggalin ang
                bansag sa kanilang terorista bago
                simulan ang peace negotiations

                Ang dahilan, mga bansa sa ilalim ng
                european union at estados unidos ang
                nagbansag nito at hindi pwedeng diktahan
                ang mga ito ng pilipinas.



                National news ...

                Apat na miembro ng philippine army
                special forces ang nasugatan nang
                tambangan ng mga hinihinalang moro
                islamic liberation front at abu sayyaf
                sa tagas-lay, zamboanga city.

                Nakilala ang mga nasugatan na sina sgt.
                godofredo balacat, corporal joey
                malindog, private first class joselito
                bautista, at sgt. isoceles sevilla.

                Nagpapatrolya umano ang mga sundalo nang
                ambush-in.

                Hanggang ngayon, patuloy ang pagtugis ng
                militar sa mga rebelde at bandido.

                Halos tatlong daang pamilya na ang
                lumikas sa naturang lugar at
                pansamantalang tumutuloy sa tagas-lay
                elementary school.


                National news ...

                Naghugas-kamay si lamitan parish priest
                cirilo nacorda sa napabaliltang buhay pa
                si abu sayyaf spokesman abu sabaya.

                Bagamat iginiit na totoong buhay si
                sabaya batay sa nakuha niyang
                impormasyon, itinanggi ni nacordai na
                siya ang nagbulgar nito sa media

                Ayon sa pari posibleng may ibang source
                ang media ukol dito.

                Tiniyak naman ni nacorda na handa siyang
                makipagtulungan sa militar hinggil sa
                mga nakukuha niyang impormasyon tungkol
                kay sabaya.



                Police report ...

                Patuloy ang ginagawang manhunt operation
                ng Escalante Negros Occidental PNP at
                Bureau ofJail Management and Penology sa
                lima sa pitong bilanggong tumakas kagabi
                mula sa Escalante Municipal jail.

                Nakatakas ang mga bilanggo makaraang
                mag-inuman ang mga jail guard at mga
                preso.

                Nasa malubha namang kalagayan ang nag-
                iisang jail guard na si federico golem
                na pinalo ng mga pugante ng tubo sa ulo
                at may tama rin ng bala ng baril sa
                tuhod.

                Maliban dito, tinangay din ng mga
                pugante ang apat na high-powered
                firearms at ibang service firearms ng
                jail guards.

                Kinilala ang mga nakatakas na sina Jerry
                Abibas, Jose Castilla, Eddie Jelogo,
                catalino Trajeras at Charlie Jatisar,
                habang kinilala naman ang dalawang
                kusang sumuko na sina andy barok at
                alvin ampaso.





                Police report ...

                Arestado ang tatlong kidnapper kabilang
                ang dalawang pulis dahil sa pagkidnap sa
                isang negosyante sa alfonso cavite.

                Nadakip sina police inspector george
                Yllanan at PO1 noel villalobos, kapwa
                taga-kampo crame gayundin ang isang
                samsodin tsarib.

                Dinukot ng tatlo ang isang mario
                hernandez at humingi ng isang milyong
                pisong ransom bagamat nagkatawaran sa
                dalawampung libong piso.

                Naaresto sina villalobos at tsarib sa
                isinagawang payoff sa rogenette
                restaurant sa tagaytay city

                Positibo namang itinuro si inspector
                ilanan na kasabwat sa kidnapping
                pagdating sa headquarters.






                National news ...


                Bumuo na ang philippine public safety
                college ng isang investigation team
                hinggil sa pag-ko-collapse at tuluyang
                pagkamatay ng isang pulis na nagsasanay
                sa camp bagong diwa sa taguig.

                Itinalaga si police supt. napoleon delos
                santos upang pangunahan ang
                imbestigasyon.

                Gayunman, lumalabas sa otopsiya ng PNP
                crime laboratory na cardiac arrest ang
                ikinamatay ni PO1 J. de jesus noong
                Martes ng gabi.





                National news ...

                Mananatili sa kanyang pwesto si National
                Bureau of Investigation Director
                Reynaldo wycoco.

                Ito ang tiniyak ni presidential
                spokesman ignacio bunye sa kabila ng
                paratang na tumatanggap si wycoco ng
                limang milyong piso kada buwan mula sa
                mga drug operation sa bansa.

                Sinabi ni bunye na hangga't walang
                matibay na ebidensiyang magpapatunay sa
                alegasyon ay mananatili si Wycoco sa
                kanyang posisyon.

                Gayunman, inihayag ni bunye na masusing
                pina-iimbestigahan ng malakanyang ang
                bintang kay wycoco.






                National news ...


                Pabor si PNP task force on anti-illegal
                drugs chief director edgardo Aglipay na
                bitayin ang mga drug lord.

                Subalit agad nitong binigyang-diin na
                hindi dapat ilagay ng mga
                nagpapakilalang vigilante group ang
                batas sa kanilang mga kamay.

                Ang reaksyon ni Aglipay ay bunsod ng
                sunod-sunod na salvaging sa kalakhang
                maynila na pinaghihinalaang kagagawan ng
                mga vigilante.

                Sinabi ng opisyal na handa ang PNP na
                tugunan ang mga impormasyon na
                ipararating sa kanila upang ang mga
                otoridad na lamang ang magsagawa ng
                paghuli at magpakulong sa mga
                pinaghihinalaang drug lord.

                Ang pagtutulak ng iligal na droga ay may
                katapat na parusang bitay sa ilalim ng
                batas.

                Business news ...

                Wala pang katiyakan kung magkakaroon ng
                pagtataas sa presyo ng mga produktong
                petrolyo ngayong buwan ng hulyo.

                Ito ang naging pahayag ni consumer and
                oil price watch chairman raul
                concepcion.

                Sinabi ni concepcion na pinakikiramdaman
                pa nila ang paggalaw ng dubai crude
                matapos na magtaas ng isa punto labing
                anim na dolyares kada bariles ang presyo
                ng krudo at pagbagsak naman ng piso ng
                walumpu't walong sentimo nitong nagdaang
                hunyo.

                Gayunpaman, niliwanag ni concepcion na
                hindi magiging mataas ang magiging pag-
                angat ng presyo ng gasolina sakaling
                gumalaw man ang bentahan ng langis sa
                pandaigdigang pamilihan dahil may utang
                pa umano ang tatlong kumpanya ng langis
                ng dalawampung sentimo noong Hunyo.


                Business news ...

                Hindi magtataas ng presyo ng kanilang
                podukto ang shell at petron.

                Ito ang tiniyak ni Bobby canapi,
                namumuno ng external affairs ng
                Pilipinas Shell at Raffy ledesma,
                tagapagsalita ng petron.

                Ayon kay Canapi, hindi pa nagpapasya ang
                pamunuan na magtaas ang presyo ng
                produkto nila kahit tumaas ang presyo ng
                dubai crude at bumaba ang halaga ng piso
                kontra sa dolyar.

                Sinabi ni Canapi na tinitimbang pa nila
                ang presyo ng krudo sa pandaigdigang
                pamilihan at tinitingnan nila kung dapat
                na nga silang magtaas ng presyo ng mga
                produktong petrolyo.



                National news ...


                Nakatakdang ilabas ngayong gabi ng
                Judicial and Bar council ang talaan ng
                limang nominado para sa bakanteng pwesto
                sa korte suprema.

                Ito ang dating pwesto ng nagretirong si
                supreme court justice vicente mendoza.

                Inaasahang kasama sa talaan ni dating
                congressman dante tinga at supreme court
                administrator Presbeterio Velasco.

                Isusumite ng JBC
                ang naturang talaan sa malakanyang para
                doon ibase ni pangulong gloria arroyo
                ang kanyang itatalaga para sa naturang
                pwesto.

                Ang JBC ang nag-I-screen ng mga
                kandidato para sa lahat ng pwesto sa
                hudikatura at sa tanggapan ng ombdusman.
                Lagay ng panahon ...


                Apektado ng intertropical convergence
                zone ang katimugang luzon, visayas at
                mindanao.

                Ang mga nabanggit na lugar ay
                makakaranas ng maulap na papawirin na
                may mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

                Ang natitirang bahagi ng luzon ay
                bahagya hanggang sa napaka-ulap na may
                pulu-pulong pag-ulan at pgkulog
                pagkidlat.

                Ang mga taga-metro manila naman ay
                makakaranas ng maulap na kalangitan na
                may pag-ulan at pagkulogpakidlat.

                Mahina hanggang sa katamtamang hangin
                ang iihip mula sa silangan at timog-
                silangan.

                Ang manila bay ay bahagya hanggang sa
                katamtaman ang pag-alon.

                Ang tinatayang agwat ng temperatura ay
                mula 16 hanggang 27 antas ng sentigrado.

                Lulubog ang araw mamayang 6:29 at
                sisikat bukas sa ganap na alas-sais
                singkwenta'y uno ng umaga.


                Sa philippine dealing system ...

                Bahagyang nakabawi ang piso kontra
                dolyar.

                Nagsara ang palitan ngayon sa 53-pesos
                and 39-centavos kumpara sa kahapong
                53.41.

                Naitala sa 77.5 million US dollars ang
                kabuuang kalakalan sa merkado.




                INTERNATIONAL NEWS


                Hinikayat ni US President George W.Bush
                si Liberian Leadern Chrales Taylor na
                lisanin na ang bansang Liberia.

                Ayon kay Bush, tinitingnan ng Estados
                Unidos ang iba't-ibang opsyon para
                matapos na ang civil war sa naturang
                bansa.

                Si Bush ay nakatakdang dumalaw sa Africa
                sa susunod na linggo.

                Dahil sa makasaysayang relasyon ng
                Amerika sa Liberia, hinimok ng
                international community ang Washington
                na gumawa ng pangunahing paraan para
                magkaroon ng posibleng peacekeeping
                mission.

                Ang mga huling sagupaan sa pagitan ng
                mga rebelde at mga tropa ng pamahalaan
                ay naging daan para amgkaroon ng banta
                sa tigil-putukan sa nasabing bansa.

                Iginigiit ng mga rebelde na bumaba si
                Taylor sa kanyang tungkulin bago pa
                dumating ang pagtatapos ng kanyang
                termino sa buwan ng Enero ng susunod na
                taon.

                Samantala, nagbabalang muli ang United
                Nations sa pagkakaroon ng humanitarian
                crisis at sinabing may tatlumpung libong
                refugees ang dumating sa Sierra Leone
                nitong mga nakaraang dalawang buwan.





                INTERNATIONAL NEWS

                Lumisan na ang tropang Israeli sa bayan
                ng West Bank sa Bethlehem at ibinigay na
                ang control Palestinian Security Forces.

                Makalipas ang ilang oras, isang local
                Palestinian militant leader sa West Bank
                ang pinatay ng Israeli Troops at tatlong
                Jewish settlers sa Gaza Strip ang
                nasugatan.

                Ang pagbibigay ng control sa Palestine
                ng Bethlehem ay kasunod ng naging pag-
                uusap nina Israeli Prime Minister Ariel
                Sharon at Palestinian Prime Minister
                Mahmoud Abbas.

                Samantala, walong Palestinian prisoners
                ang pinalaya ng Israel na kamakailan ay
                inaresto sa Hebron at ikinulong ng
                walang anumang isinagawang paglilitis.





                BUSINESS NEWS

                Nagbitiw na rin ng pahayag ang
                kumpanyang Petron na wala muna itong
                planong itaas ang presyo ng mga
                produktong petrolyo nito sa kabila ng
                pagtaas ng presyo ng inaangkat na
                petroyo ng bansa.

                Sinabi ni Petron Acting Spokesman Rafael
                Ledesma na pawang haka-haka pa lamang sa
                ngayong ang reports na may mangyayaring
                pagtataas na 35 centavos bawat litrong
                oil price hike ngayong kasalukuyang
                buwan.

                Aniya, masyado pang maagang magdesisyon
                sa ngayon hinggil sa mga bagay na ito.

                Inihayag niya na mahigpit din ang
                kumpetisyon ng mga kumpanya ng langis sa
                ngayon kung kaya't maingat silang
                magpatupad ng anumang price increase.

                Tiniyak ni Ledesma na sisikapin ng
                kanilang kumpanya na mapanatili sa sa
                kasalukuyang lebel ang presyo ng mga
                produktong petrolyo sa bansa.






                SPORTS

                Mahigit limang daang manlalaro at
                dalawang daan at limampung opisyal ang
                ipadadala sa Southeast Asian Games sa
                Vietnam ngayong darating na buwan ng
                Disyembre.

                Ito ay bunsod ng pangako ni First
                Gentleman Mike Arroyo na magbibigay siya
                ng sampung milyong piso para sa mga
                atletang Pilipino para sa SEA Games.

                Ayon sa Philippine Sports Commission,
                umaabot sa pitumpung libong piso ang
                kakailanganin ng bawat atleta sa
                paligsahan at inaasahang sasapat daw ang
                pondo para sa mga ito dahilan na rin sa
                tulong ng First Gentleman.

                Tinatayang may apatnapung milyong piso
                ang pondong nakalap ng PSC para sa
                nasabing palaro.




                SPORTS

                Sisimulan ngayong gabi ng Philippine
                Pro-Boxing League ang kanilang ika-
                labing anim na sunod na aksiyon tuwing
                araw ng Huwebes kung saan ang main event
                ay magtatampok sa dalawang most
                promising flyweight contenders.

                Sasagupain ng labing siyam na taong
                gulang na si Danilo Peña na may record
                na pitong panalo, isang talo ang hard-
                hitting na si Jun Erahan na bumiyahe pa
                mula sa Saranggani Province sa 10-round
                bout sa Mandaluyong Gym.

                Ang mananalo sa labang ito ang uusad sa
                PPBL quarterfinals palapit sa pagiging
                unang kampeon ng PPBL flyweight category
                at P50,000 cash prize mula sa kabuuang
                pot na P500,000.
              • FEBC News and Current Affairs
                tagalog news january 9, 2004 National news ... Kinumpirma ng environment and natural resources na nasa critical level na ang tubig sa Angat Dam, na pangunahing
                Message 7 of 8 , Jan 9, 2004
                • 0 Attachment
                  tagalog news
                  january 9, 2004


                  National news ...

                  Kinumpirma ng environment and natural
                  resources na nasa critical level na ang
                  tubig sa Angat Dam, na pangunahing
                  pinagkukunan ng tubig ng mga taga-metro
                  manila, bulacan at pampanga.

                  Ito ay dahil sa hindi pag-ulan nitong
                  mga nakalipas na buwan.

                  Sinabi ni DENR secretary elisea gozun na
                  mababa sa walumpung libong cubic meters
                  ang tubig sa dam kayat nakakaranas na
                  ngayon ng kakapusan sa supply ng tubig
                  ang kamaynilaan at mga karatig
                  lalawigan.

                  Noong disyembre aniya ay nagpasya na ang
                  water resources board na bawasan ng
                  limang porsiento ang tubig na inilalabas
                  nito sa maynilad at manila water.

                  Posible umanong mag-rasyon ng tubig sa
                  metro manila kapag hindi pa rin umulan
                  sa mga darating na araw.

                  Tiniyak naman ni Gozun na nagsasagawa
                  na sila ng cloud seeding at naghahanap
                  na rin ng mga deep well na mapagkukunan
                  ng tubig. Bukod dito, pinag-aarala din
                  ng DENR ang paggamit sa tubig-alat mula
                  sa manila bay gayundin sa laguna lake na
                  isasailalim na nga lamang sa water
                  treatment.



                  National news ...

                  Inihayag PAGASA ng malabo nang mapunan
                  ang kakulangan sa tubig ng angat dam
                  hanggang sa darating na mayo ng taon.

                  Ayon kay PAGASA supervising weather
                  specialist Nathaniel cruz walang
                  inaasahang bagyo o pag-ulan mula enero
                  hanggang mayo.

                  Sa ngayon, hindi pa umano nararamdaman
                  ang kakulangan sa tubig pero pagsapit ng
                  marso hanggang mayo ay mararanasan aniya
                  ito ng husto.

                  Nagkakaproblema na rin aniya sa
                  reservoir ng Magat Dam sa northern Luzon
                  na siya namang nagsusupply ng tubig sa
                  mga magsasaka.

                  Tiniyak ni cruz na kapag nagtuluy-tuloy
                  ito, magkakaroon ng pagrarasyon ng tubig
                  sa metro manila.

                  Nakapagpapadagdag din umano sa problema
                  ang hindi wastong paggamit ng tubig at
                  ang patuloy na paglobo ng populasyon sa
                  metro manila.


                  National news ...

                  Pinawi naman ng malacanang ang pangamba
                  ng publiko na kakapusin ang supply ng
                  tubig sa metro manila at Luzon.

                  Sinabi ni pangulong arroyo na walang
                  dahilan para maalarma ang publiko dahil
                  inaasikaso na ng department of
                  environment and natural resources ,
                  department of agriculture, national
                  irrigation administration at iba pang
                  sangay ng gobyerno ang plano para
                  maiwasan ang kakapusan sa tubig.

                  Tiniyak din ng pangulo na dahil sa
                  "irrigation system" na nabuo nitong
                  nakalipas na dalawang taon, hindi
                  hahantong sa nakaka-alarmang sitwasyon
                  ang problema ngayon.

                  Sa gitna nito nanawagan ang malacanang
                  sa publiko na magtipid pa rin sa tubig.


                  National news ...

                  Isinasapinal na ng manila water at
                  maynilad ng "water conservation
                  campaign" kaugnay ng inaasahang water
                  shortage sa buong metro manila at iba
                  pang bahagi ng central Luzon.

                  Naki-usap din sina Joel Lacsamana ng
                  manila water at Jess Matubis ng maynilad
                  na magtipid sa paggamit ng tubig upang
                  huwag lumala ang kakapusan nito.

                  Binanggit ni matubis na bago pa man
                  napaulat ang problema , pinag-ibayo na
                  nila ang kanilang programa laban sa mga
                  tumatagas na tubig sa ibat ibang lugar
                  at pagputol sa mga illegal connection.

                  Hinikayat naman ni lacsamana ang publiko
                  na ireport sa kanila ang mga illegal
                  water connection, mga tumatagas na tubig
                  sa kanilang lugar at suriin din ang mga
                  gripo sa kani-kanilang bahay para
                  tiyaking walang water leak.

                  Plano rin ng manila water na magkaroon
                  ng "rationing scheme" sa tag-init.



                  National news ...

                  Kukunin ng malacanang ang serbisyo ng
                  Philippine Air Force para sa pagsasagawa
                  ng cloud seeding upang makalikha ng ulan
                  sa bansa.

                  Sinabi ni DENR secretary elisea gosun na
                  sa ngayon ay isang pribadong kumpanya
                  ang nagsasagawa ng cloud seeing
                  operation , tatlong beses sa loob ng
                  isang araw na tatagal ng dalawampung
                  araw. Isa't kalahating milyong piso
                  umano ang gastos dito.

                  Subalit nilinaw ni gozun na ang
                  gumagastos ngayon sa cloud seeding
                  operation ay ang MWSS at ang dalawang
                  water concessionaires sa metro manila.

                  Kaugnay nito, nilinaw ni gozun na hindi
                  pa maituturing na water crisis ang
                  nangyayari sa bansa ngayon. Ngunit
                  sinabi na kapag umabot sa 180-meter
                  level ang tubig sa angat dam ay
                  maidedeklara na ito bilang isang krisis.


                  National news ...

                  Nahulog na kamay ng mga otoridad ang
                  itinuturong leader ng kidnap for ransom
                  group na kinabibilangan umano ng death
                  convict na si Roberto Lara na bibitayin
                  na sa enero a-trenta

                  Nadakip si pedrito mabansag, tiyuhin ni
                  lara sa sitio Lalitga, barangay
                  magsaysay , escalante city, negros
                  occidental kaninang madaling araw.

                  It ay sa bisa ng warrant of arrest na
                  ipinalabas ni judge ruben dela cruz
                  para sa mga kasong kidnapping for ransom
                  at robbery.

                  Walang inirekomendang piyansa ang korte
                  para sa pansamantalang paglaya ng
                  suspect.

                  Iginiit naman ni mabansag na hindi siya
                  ang leader ng kidnap for ransom group
                  kundi isang Rudeng Cebuano.

                  Nilinis din nito si lara sa kaso.
                  Napilitan lamang aniyang umamin ang
                  kanyang pamangkin sa kaso dahil
                  tinorture ito ng mga operatibang dumakip
                  sa kanya noong 1998 sa marikina city.



                  National news ...

                  Umaasa ang public attorney's office na
                  tuluyan nang mapipigil ang pagbitay sa
                  dalawang convicted kidnapper sa enero sa
                  pagkakahuli kay Pedrito Mabansag.

                  Ayon kay PAO chief percida Acosta,
                  inaasahan nilang muling pag-aaralan ang
                  kaso nina Roberto lara at Roderick
                  Licayan.

                  Ito ay makaraang linisin ni mabansag ang
                  pangalan ni lara sa krimen.

                  Sinabi ni acosta na nagpadala na siya ng
                  sulat kay pangulong arroyo upang ipa-
                  alam ang naturang development para
                  mairekonsidera ang nakatakdang pagbitay
                  sa enero a-trenta.



                  National news ...

                  Nagbanta si administration congressman
                  jacinto paras sa pagkakaroon ng exodus o
                  pag-aalisan ng maraming miembro ng
                  lakas-CMD sa pagpasok ni datings senador
                  Miriam defensor santiago sa ruling
                  coalition.

                  Iginiit ni paras na marami namang
                  mahuhusay na opisyal at miembro ng lakas
                  na maaring isama sa senatorial ticket ng
                  K-4.

                  Hindi lamang aniya ang winability ang
                  dapat ikonsidera dahil kung ang
                  pagbabasehan aniya ang mga survey,
                  mababa rin naman ang standing ni
                  pangulong arroyo.

                  Iginiit ni paras na magkaroon na ng
                  reporma sa Lakas bago mag-eleksyon dahil
                  matindi na ang sentimyento ng mga
                  miembro ng partido maging ng mga local
                  members nito na hindi nakuha bilang
                  official candidates.


                  National news ...

                  Mariing itinanggi ni senador panfilo
                  lacson na aatras na siya bilang standard
                  bearer ng laban ng demokratikong
                  pilipino o LDP.

                  Ito ang inihayag ni lacson matapos
                  umanong ipahiwatig ni LDP spokesman mike
                  romero na aatras na siya sa laban para
                  tuluyan nang maayos ang gusot ng
                  dalawang paksyon sa LDP.

                  Sa halip, binigyang diin ni lacson na
                  tuloy ang kanyang pagtakbo bilang
                  pangulo at malabo siyang umatras.

                  Aminado naman ang senador na nasasaktan
                  siya dahil hindi lamang ang
                  administrasyon ang kanyang kalaban kundi
                  maging ang kanyang mga kapanalig mismo
                  sa oposisyon.



                  National news ...

                  Inamin ni LDP secretary general butz
                  aquino na hindi pa tuluyang plantsado
                  ang gusot sa dalawang paksyon ng laban
                  ng demokratikong pilipino.

                  Bagamat nakapag-usap na, sinabi ni
                  aquino na marami pang gusot sa local
                  level ng LDP.

                  Binanggit naman nito na laging bukas ang
                  komunikasyon ng magkabilang panig para
                  tuluyan nang maayos ang gusot.



                  National news ...

                  Matapos na mamuhunan sa magastos na
                  pagpapalimbag ng kanilang posisyon sa
                  mga pahayagan, tiniyak ngayon ng grupo
                  ng alliance for national transformation
                  and solidarity o ANTS na kanilang mas
                  pag-iibayuhan ang panawagan para sa NOEL
                  o no elections.

                  Sinabi ni Philippine consultative
                  assembly secretary general Linda
                  montayre, isa s amga convenor ng ANTS na
                  ito ay sa layuning magising ang ating
                  mga kababayan hinggil sa kawalang
                  katapusang korupsyon dulot ng pagdaraos
                  ng eleksyon.

                  Naniniwala ang ANTS na kapag nanalo ang
                  isang politiko hindi maaring hindi nito
                  gantihan ang mga sumusuportang elitista
                  sa pamamagitan ng mga hiling ng mga ito.

                  Kumbinsido rin ang ANTS na ang NOEL ang
                  nais din ng nakakarami sa buong kapuluan
                  base na rin sa kanyang pakikipag-ugnayan
                  sa ibat ibang organisasyon.



                  National news ...

                  Natagpuan sa Malaysia ang limang
                  survivors ng lumubog na ML Piary

                  Darating ngayong araw sa tawi-tawi ang
                  limang survivor ng lumubog na lantsa sa
                  palawan.

                  Natagpuan ang lima sa Tawao, Malaysia
                  makaraang tangayin ng alon.

                  Magugunitang December 19 nang mawala
                  habang patungo sa Brooke's Point sa
                  palawan ang ML Piary na nanggaling ng
                  tawi-tawi

                  Iniulat ni coast guard spokesman lt.
                  senior grade Arman Balilo, na ngayon
                  darating sa bonggo, tawi-tawi ang limang
                  survivor.

                  Ang mga nakaligtas ay sina Sarum Tunda,
                  Mataras Nazarid, Amrim salih, arlinda
                  sayari at Furi Ibraham.


                  National news ...

                  Magandang balita para sa mga tsuper ng
                  pampasaherong jeep sa ilang lugar sa
                  northern at central luzon. Bago matapos
                  ang buwan, bibigyan na kayo ng diskwento
                  sa presyo ng diesel.

                  Sinabi ni Zenaida Maranan ng grupong
                  FEJODAP na ito ay resulta ng paki-usap
                  ng jeepney transport group sa department
                  of energy at mga oil companies na bigyan
                  na rin ng diskwento sa diesel ang mga
                  PUJ sa mga probinsya maliban sa metro
                  manila.

                  Ayon kay maranan, gagawing pilot project
                  ng DOTC ang baguio city at isusunod dito
                  ang ilang lugar sa pangasinan, pampanga,
                  nueva ecija, bulacan at iba pang lugar.

                  Sa ngayon, ang presyo ng diesel at nasa
                  17-pesos bawat litro sa mga lalawigan na
                  mas mataas sa regular price na 16.80 sa
                  metro manila.

                  Kapag naipatupad ang diskwento sa presyo
                  ng diesel, bababa ito ng hanggang labing
                  anim na piso samantalang ang metro
                  manila ay makikinabang din sa discounted
                  price na 15.50 kada litro.



                  National news ...

                  Nagtaas ng presyo ng LPG ang kumpanyang
                  LiquiGas.

                  Inihayag ni Liquigas vice president for
                  operations ismael pangilinan na simula
                  ngayong araw o sa lunes, depende sa
                  dealer , tataas na ng pitumpung sentimo
                  ang bawat kilogram ng LPG.

                  Ito ay nangangahulugan ng pitong piso at
                  pitumpung sentimong pagtaas sa presyo sa
                  bawat tangke ng Liquigas LPG.

                  Ayon naman kay bobbi kanapi,
                  tagapagsalita ng Pilipinas shell,
                  kasalukuyan pa nilang pinag-uusapan kung
                  kailan nila ipatutupad ang LPG price
                  hike.



                  National news ...

                  Binatikos ng malacanang si CPP-NPA-NDF
                  spokesman gregorio "ka roger" rosal
                  matapos nitong ideklara na hindi na sila
                  makikipag-usap sa pamahalaan sa ilalim
                  ng administrasyong arroyo.

                  Una nang sinabi ni Rosal na ang kaka-
                  usapin na lamang nila ay sinuman kina
                  Fernando poe jr. , raul roco at eddie
                  Villanueva.

                  Ngunit ayon kay presidential adviser on
                  the peace process teresita deles na
                  taliwas ang mga sinasabi ni rosal sa mga
                  pahayag ng mga lider ng national
                  democratic front na nasa The
                  Netherlands.

                  Ayon kay deles, sa huling pag-uusap ng
                  GRP at NDF Panel, na pinamumunuan ni
                  luis jalandoni sa Norway, ay sinabi
                  nitong maitutuloy ang pormal na usapan
                  sa unang quarter ng taong 2004.

                  Dahil dito, sinabi ni deles na walang
                  karapatan si rosal na magsalita para
                  buong hanay ng CPP-NPA-NDF


                  National news ...

                  Hihilingin ng PNP-anti-illegal special
                  task force sa korte na masunog na sa
                  darating na enero a-27 ang mga
                  ebidensyang kanilang nakumpiska mula sa
                  suspected drug lord na si William Gan.

                  Ito ay binubuo ng may isang libong
                  kilong ephedrine at 129 na kilo ng
                  processed shabu.

                  Kasabay nito, binigyang diin ni PNP
                  anti-illegal drugs special operations
                  task force chief deputy director general
                  edgardo aglipay na hindi maaring mapa-
                  deport pabalik ng china si william Gan
                  dahil sa kasong kriminal at
                  administratibo na kinakaharap nito sa
                  bansa.



                  National news ...

                  Muling inihayag ni pangulong arroyo ang
                  kanyang hangarin na magkaroon ng matatag
                  na bansa at maibalik ang paggalang ng
                  buong mundo sa pilipinas.

                  Ang pangulo ay nagtalumpati kaninang
                  umaga sa tradisyunal na van de honnour
                  sa malacanang.

                  Isang new year's toast din ang kanyang
                  inihandog bilang pasasalamat sa
                  diplomatic corps.

                  Kasabay nito, pinasalamatan ng pangulo
                  ang mga miembro ng diplomatic corps,
                  pulisya,
                  militar at iba pang matatas na opisyal
                  ng gobyerno dahil naging katuwang ang
                  mga ito sa pagsusulong ng pag-unlad ng
                  bansa.

                  Ayon kay ginang arroyo, ang 2004 ay taon
                  ng pagsubok at pagkakataon upang umusad
                  ang pilipinas at handa siyang harapin
                  ito ng may kumpiyansa at kagalakan.

                  Tiwala ang pangulo na tuluy-tuloy na ang
                  pag-unlad ng bansa.

                  Samantala, binanggit ng pangulo ang ilan
                  sa mga pinagtutuunan ng gobyerno
                  kabilang na ang mass poverty ,
                  terorismo, environmental degradation ,
                  at social injustice.




                  National news ...

                  Sinisikap ngayon ng mga otoridad na
                  maiwasan ang napipintong pagtaas ng
                  pasahe.

                  Dahil sa muling pagtaas ng presyo ng mga
                  produktong petrolyo, nangangamba ang
                  publiko na baka tumaas din ang halaga ng
                  pasahe.

                  Sinabi ni consumer and oil price watch
                  chairman raul concepcion na magdaraos ng
                  pulong ang transport groups, mga
                  kinatawan ng gobyerno at mga kumpanya ng
                  langis upang mapigilan ang napipintong
                  fare hike.

                  Ayon kay concepcion, hihilingin nila sa
                  mga oil companies na bigyan ng mas
                  mababang presyo ang transport groups
                  upang hindi magkaroon ng dahilan ang
                  transport sector na taasan ang pasahe.

                  Samantala, sinabi naman ni concepcion na
                  makatwiran ang planong oil price hike sa
                  buwang ito dahil biglang tumaas ang
                  halaga ng krudo sa pandaigdigang
                  pamilihan noong nobyembre at disyembre.



                  Business news ...

                  Pinababantayan ng isang koalisyon ng mga
                  magsasaka sa gobyerno ang ilegal na
                  pagpasok sa bansa ng carrots at iba pang
                  gulay.

                  Ayon sa Early Birds Traders Association,
                  naapektuhan ng smuggling ang kanilang
                  kabuhayan.

                  Tinatayang walumpung libong mga
                  magsasaka sa benguet ang umalma dahil sa
                  paghina ng negosyo sa gulay dulot ng
                  ilegal na pag-aangkat nito mula sa ibang
                  bansa.

                  Bumaba umano sa tatlo hanggang limang
                  piso ang isang kilo ng carrots mula sa
                  dating kinse hanggang bente pesos.


                  National news ...

                  Inatasan na ng pamunuan ng PNP ang
                  Intelligence Group na kumpletuhin ang
                  listahan ng mga partisan armed groups sa
                  lalong madaling panahon.

                  Ayon kay PNP spokesman sr. supt. joel
                  goltiao, layunin nilang mapigilan ang
                  karahasan sa darating na halalan.

                  Ito ay bahagi rin aniya ng kanilang pre-
                  election preparations upang bago pa man
                  magsimula ang pangangampanya ng mga
                  kandidato ay pulido na ang kanilang mga
                  hakbangin hinggil dito.

                  Ang kampanya ng mga tatakbo sa national
                  post ay magsisimula sa Pebrero a-dies.

                  Marso a-bente singko naman ang itinakda
                  ng commission on elections para
                  maiprisinta ng local candidates ang
                  kanilang mga plataporma sa mga botante.


                  National news ...

                  Inaasahang mapagpapasyahan ng korte
                  suprema sa susunod na linggo ang mga
                  petisyon na pumipigil sa pagpapatupad ng
                  automated o computerized elections.

                  Hiniling ng ilang grupo sa mataas na
                  hukuman na ipahinto ang pagpapatupad ng
                  comelec sa naturang programa dahil
                  nabahiran na umano ito ng katiwalian.

                  Kinukwestyon nila ang pagkapanalo ng
                  Mega Pacific Consortium sa bidding upang
                  magsupply ng automated machines

                  Sa susunod na linggo, magdaraos ang
                  korte suprema ng en banc session upang
                  talakayin ang naturang mga petisyon.

                  Kabilang sa mga nagsampa ng petisyon ay
                  ang information technology foundation of
                  the Philippines.

                  Iginigiit nito na dapat ulitin ang
                  bidding para sa mga computers.


                  International news ...

                  Siyam na sundalong amerikano ang nasawi
                  sa pagbagsak ng kanilang helicopter
                  malapit sa bayan ng Fallujah sa Iraq.

                  Iniulat ni Brig. Gen. Marc Kimmit na
                  nagsasagawa ng routine mission ang Army
                  UACC black hawk nang ito ay bumulusok.

                  Ayon kay Kimmit , agad silang nagpadala
                  ng quick reaction force upang I-secure
                  ang lugar .

                  Sinisiyasat na ng mga otoridad ang buong
                  pangyayari.

                  Magugunitang isa ring military
                  helicopter ang pinabagsak ng mga kaaway
                  sa fallujah noong nakaraang linggo.




                  National news ...

                  Umapila sa taong bayan ang labing isang
                  grupo ng kasapi sa EDSA tres na alisin
                  si senadora loren legarda at iba pang
                  mga politikong nanawid-bakod o
                  bumalimbing.

                  Tinawag ng union of the masses for
                  democracy and justice o UMDJ na
                  oportunista si legarda pati na rin sina
                  senador noli de castro , dating senadora
                  Miriam defensor Santiago at iba pang
                  lumipat ng partido.

                  Wala umanong malinaw na paninindigan ang
                  mga ito tungkol sa mga isyung nakaka-
                  apekto sa mga mahihirap.

                  Nilinaw naman ng UMDJ na bagamat ayaw
                  nila kay legarda, buong-buo umano ang
                  suporta nila kay Fernando poe jr.

                  Sa kabilang dako, sinabi naman ni
                  legarda sa pakikipagpulong sa isang
                  grupo ng mga mahihirap na sinsero ang
                  kanyang kagustuhang masilbi sa bayan.

                  Ayon kay legarda , politically motivated
                  ang mga batikos laban sa kanya.




                  National news ...

                  Handang-handa na ang commission on
                  elections para sa nationwide automated
                  counting sa nalalapit na May 10 national
                  elections.

                  Ayon kay comelec spokesman Attorney
                  Ferdinand Rafanan hinihintay na lamang
                  ng comelec ang aksyon ng Office of the
                  President sa joint resolution ng
                  kongreso na nananawagan para sa partial
                  automation.



                  National news ...


                  Hindi nagustuhan ng Pwersa ng Masang
                  Pilipino ang batikos ng prosekusyon
                  hinggil sa paurong-sulong na
                  pagpapagamot sa amerika ni dating
                  pangulong Joseph Estrada.

                  Ayon kay Attorney Crispin Remulla,
                  marami nang umaasa sa dating pangulo
                  lalo na sa usaping politikal kaya normal
                  lang na alalahanin din nito ang
                  kalagayan ng oposisyon.

                  Gayunman, hindi na aniya kayang tiiisin
                  ni Estrada ang kumikirot na sakit sa
                  kanyang tuhod.

                  Ito aniya ang pinakamalaking dahilan
                  kung bakit nais ni Estrada na makapunta
                  sa ibayong dagat at magpa-opera.



                  National news ...

                  Hindi natinag si Pangulong Arroyo sa
                  pagkaka-aresto sa umano'y utak sa
                  kidnapping na may kinalaman sa nahatulan
                  ng bitay na nakatakdang ipatupad sa
                  katapusan ng buwan ng Enero.

                  Sinabi ng pangulo na bagama't labag sa
                  kanyang kalooban ang pagpapatupad ng
                  parusang bitay, kailangan ding isaalang-
                  alang ang kapakanan ng mas nakararami
                  hinggil sa ipinatutupad ng batas sa
                  bansa.

                  Ayon sa pangulo, kailangan epektibo ang
                  kampanya laban sa karumal-dumal na
                  krimen tulad ng kidnapping at iligal na
                  droga.

                  Sinabi ng pangulo na ang pagpapatupad ng
                  batas sa parusang kamatayan ay
                  magpapalakas sa kabuang kampanya laban
                  sa kriminalidad.

                  Idinagdag pa ng pangulo na bagama't
                  tinututukan nito ang pagpapasigla sa
                  ekonomiya at pamumuhunan, kailangan ding
                  paigtingin at patatagin naman ang
                  kampanya laban sa kriminalidad.



                  Business news ...

                  Dadagsa ang trabaho sa Davao City sa
                  sandaling matuloy ang pagtatayo ng China
                  town sa lungsod.

                  Itatampok sa naturang tourist attraction
                  ang mga chinese restaurant, flee markets
                  chinese movies, isang arko at iba pang
                  chinese structures.

                  Inaasahang magpapalakas rin ito sa
                  ugnayan ng mga Pilipino at Tsino, bukod
                  pa sa mapabubuti ng husto ang ekonomiya
                  ng Davao City.




                  Sports news ...

                  Maghahanap ng paraan ang Philippine
                  Sports Commission para makatipid ng
                  gastusin sa iba't-ibang grass root
                  program sa taong ito.

                  Ayon kay PSC chair Eric Buhain, ang
                  pagksang ito ang kanilang tatalakayin sa
                  dalawang araw nilang planning meet.

                  Sinabi pa ni Buhain na ayaw na nilang
                  gumastos ng malaking halaga sa isang
                  programa gaya ng nangyari sa Mindanao
                  games kung saan naglabas sila ng
                  dalawampung milyong piso.



                  National news ...

                  Tinanggap ni Pangulong Gloria Arroyo ang
                  pagkilala ng international community sa
                  pagsisikap ng pamahalaan na maresolba
                  ang problema sa kahirapan at terorismo.

                  Itinuring ng pangulo ang 2004 bilang
                  taon sa pagharap sa hamon at
                  oportunidad.

                  Sinabi ng pangulo na mananatili sa
                  tamang landas ang pamahalaan ng
                  Pilipinas sa patuloy niyang paglalaban
                  ng mga tunay na kailangang pagbabago sa
                  bansa.

                  Pangunahin na dito ang tunay na
                  reconciliation, pag-aangat ng bansa mula
                  sa kahirapan at ang pagpapatatag ng
                  estabilidad at seguridad laban sa
                  terorismo.



                  National news ...

                  Tiniyak ni pangulong Arroyo sa
                  taongbayan na patuloy niyang ipaglalaban
                  ang nais na pagbabago tungo sa mas
                  maunlad na kinabukasan ng bansa.

                  Ayon sa pangulo, bagama't sa maikling
                  panahon ng kanyang pagkapangulo ay
                  napaikot na ang galaw ng ekonomiya at
                  unti-unting naisaayos ang kaguluhang
                  namana sa mga nakalipas na
                  administrasyon, hindi pa din siya
                  kuntento sa sinasabi nitong down payment
                  para masagip sa kahirapan ang bansa.

                  Dahil dito, pabor ang pangulo na
                  pabilisin ang pagbabago ng bansa sa
                  pamamagitan ng matibay na batayan
                  kabilang na dito ang charter change.

                  Pero hiniling ng palasyo na huwag
                  gamitin ang isyu dahil kahit na anong
                  mangyari, tuloy ang eleksyon sa Mayo.

                  Kung maipapasa kongreso, pabor din ang
                  pangulo na isabay sa nalalapit na
                  eleksyon ang paghalal sa constitutional
                  convention delegates.

                  Bahagi umano ito kung paano mapabibilis
                  ang pag-unlad ng bansa na magiging
                  pangunahing dahilan para sa pagtamo ng
                  pagkakaisa na naipangako noong EDSA 1
                  and 2.

                  Kabilang na din dito ang pagkakaloob ng
                  programa para sa mahihirap katulad ng
                  sapat na suplay ng tubig.




                  National news ...

                  Posibleng magkaroon ng constitutional
                  crisis sa susunod na linggo.

                  Ito'y sa sandaling ideklara ng korte
                  suprema na walang bisa ang kontrata ng
                  commission on elections sa service
                  provider nito para sa implementasyon ng
                  automated counting machines.

                  Ayon sa report, posibleng ipawalang-bisa
                  ng korte suprema ang nasabing kontrata
                  dahil labag umano ito sa public
                  interest.

                  Tatalakayin ng korte suprema ang
                  nasabing isyu sa kanilang en banc
                  meeting sa Enero a- trese.

                  Dahil dito, posible umanong hindi
                  matuloy ang synchronized national and
                  local elections sa mayo a-dies.

                  Inamin ng comelec na kinakailangan ang
                  mahigit dalawang buwan para ihanda ang
                  mga papel, balota at iba pang mga
                  election paraphernalia para sa pagdaraos
                  ng manual counting procedure. At kung
                  mangyayari ito, posibleng idaos ang
                  halalan sa darating na buwan ng Hulyo.



                  Nayional news ...

                  Pormal na ngang lumipat si dating
                  senador Miriam Defensor sa koalisyon ng
                  administrasyon.

                  Si Santiago ang panglabindalawang
                  senatorial bet ngayon ng K4 coalition.

                  Ayon kay Santiago, nasabi na niya kay
                  dating pangulong Joseph Estrada na pinal
                  na ang kanyang desisyon.

                  Hindi umano nakumbinsi ni Estrada si
                  Fernando Poe Junior na isama siya sa
                  line-up nito.

                  Nagpahayag ng kumpiyansa si Santiago na
                  mananalo ang partido ng administrasyon
                  sa darating na halalan.



                  sa Philippine deading system ...

                  bahagyang humina ang pagsasara ng halaga
                  ng piso kontra dolyar ngayong araw.

                  nagsara ang palitan ngayon sa 55-pesos
                  and 29-centavos bawat dolyar mula sa
                  kahapong 55-pesos and 19.5 centavos.

                  Nag-average ang piso sa 55.26.

                  Natiala naman sa 145 million dollars ang
                  kabuuang kalakalan sa merkado.
                • FEBC News and Current Affairs
                  Tagalog news February 20, 2004 National news ... Umapila si pangulong arroyo sa mga mamamayan na huwag nang lumahok sa mga rally. Ito ay dahil tinutugunan
                  Message 8 of 8 , Feb 20, 2004
                  • 0 Attachment
                    Tagalog news
                    February 20, 2004


                    National news ...

                    Umapila si pangulong arroyo sa mga
                    mamamayan na huwag nang lumahok sa mga
                    rally.

                    Ito ay dahil tinutugunan naman aniya ng
                    kanyang administrasyon ang kanilang
                    kahilingan at iba pang problema ng
                    maralitang taga-lungsod.

                    Ito ang inihayag ng pangulo sa ginanap
                    na pamimigay ng mga titulo ng lupa sa
                    mga residente ng batasan hills quezon
                    city.

                    Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo
                    na hangad ng kanyang administrasyon na
                    mapabuti ang kalagayan ng mahihirap na
                    mamamayan sa bansa

                    Ibinigay ng pangulo ang lupa sa
                    mahihirap na mamamayan sa halagang
                    pitong daang piso bawat square meters
                    mula sa 20,000-pesos per square meters

                    Sinabi ng pangulo na ito ay bahagi ng
                    poverty alleviation program ng kanyang
                    administrasyon.


                    National news ...

                    Nangako si pangulong arroyo ng anim na
                    milyong trabaho kung bibigyan ng
                    panibagong mandate ang kanyang
                    administrasyon

                    Sinabi ng pangulo na sa kanyang tatlong
                    taon sa malacanang, nakapagbigay ng
                    tatlong milyong trabaho ang kanyang
                    pamahalaan

                    Ito ay halos anim na beses sa kalahating
                    milyong trabaho sa tatlong taon ni
                    dating pangulong Estrada sa malacanang.



                    National news ...

                    Inirekomenda ni senate president
                    franklin drilon sa pamahalaan at
                    national democratic front na pagtibayin
                    ang isang ceasefire agreement habang
                    isinasagawa ang usapang pangkapayapaan.

                    Ayon kay drilon, kailangang magkaroon ng
                    ceasefire agreement para maiwasan ang
                    mga karahasan tulad ng naganap sa
                    masbate , negros at iba pang lugar sa
                    Luzon.

                    Binigyang diin ng senador na sa
                    pamamagitan nito, maipapakita ng
                    magkabilang panig ang kanilang
                    sinseridad na isulong ang peacetalks.


                    National news ...

                    matapos makitaan ng mga mahistrado ng
                    korte suprema ng maraming butas ang
                    argumento ng mga petitioner ukol sa
                    citizenship ni Fernando poe jr. ,
                    pumabor din kay FPJ ang friends of court
                    na dumalo sa oral argument na ala-una na
                    ng madaling araw natapos .

                    sinabi ni dating constitutional
                    commissioner Joaquin bernas na paglabag
                    sa equal protection clause of the
                    constitutional kung pinagkakaitan ang
                    isang illegitimate child ng political
                    rights kung hindi naman niya ito
                    kasalanan

                    naniniwala rin si bernas na kung
                    talagang pilipino ang ama ni FPJ,
                    legitimate man siya o hindi, ay
                    maituturing pa ring natural-born
                    Filipino ang aktor

                    binanggit naman ni UP law professor
                    merlin magallona ang Philippine bill of
                    1902 at Jones Law na kung ang lolo ni
                    FPJ na si Lorenzo Poe ay isang espanyol
                    na naging pilipino , naipasa na nito ang
                    kanyang pagka-pilipino kay FPJ.

                    Ngunit kailangan pa aniyang maliwanawan
                    kung mag-establish nga ng residency ang
                    lolo ni FPJ sa pilipinas.

                    Inihayag naman ni dating supreme justice
                    Vicente Mendoza kung may patunay na si
                    FPJ ay kinikilala ngkanyang ama kahit na
                    siya ay illegitimate, maituturing siyang
                    naturang born citizen.

                    Hindi naman nagbigay ng tiyak na sagot
                    si UP professor ruben balane ukol sa
                    citizenship ni FPJ pero inilahad niya
                    ang mga kondisyon sa civil law para
                    maging legitimate ang isang anak.


                    National news ...

                    Kumpiyansa si Opposition presidential
                    bet Fernando poe jr. na papabor sa kanya
                    ang desisyon ng korte suprema sa isyu ng
                    citizenship.

                    Sinabi ni FPJ na binantayan niyang
                    mabuti ang isinagawang oral argument at
                    kuntento naman siya sa naging takbo
                    nito.

                    Bagamat nasorpresa aniya siya sa isyu ng
                    posibleng pagkakaroon ng dual
                    citizenship, iginiit ni FPJ na walang
                    duda ang kanyang pagiging purong
                    pilipino

                    Samantala, nilinaw ni FPJ na hindi pa
                    ikinukonsidera ang usapin tungkol sa
                    pagkakaroon ng replacement candidate.

                    Hindi naman bukas si FPJ sa hamon namang
                    debate sa telebisyon ng mga kandidato sa
                    pagkapangulo dahil ito aniya magdudulot
                    lamang ng pagkakahati-hati.



                    National news ...

                    Patuloy pa rin ang mahigpit na
                    pagbabantay ng mga kapulisan sa paligid
                    ng korte suprema kahit tapos na ang oral
                    argument sa disqualification case ni
                    Fernando poe jr.

                    Gayunman, binawasan na ng western police
                    district ang pwersa nito na nakakalat sa
                    padre faura, maynila kumpara sa
                    itinalaga kahapon.

                    Sinabi ni WPD chief pedro bulaong na
                    hindi maaaring agad na bitiwan ang
                    seguridad hanggang hindi pinal na
                    nareresolba ang usapin.

                    Samantala, itinanggi naman ng national
                    capital region police office na overkill
                    ang seguridad na inilatag kahapon para
                    sa rally ng mga taga-suporta ni FPJ.

                    Sinabi ni NCRPO chief ricardo de leon na
                    siniguro lamang nilang walang grupong
                    magsasamantala sa pagtitipon ng FPJ
                    supporters.


                    National news ...

                    Sa Zambales nangampanya ngayong araw ang
                    K4 coalition sa pangunguna ni pangulong
                    arroyo

                    Bukod sa pakikipagpulong sa mga lokal na
                    leader sa bayan ng Iba, nagmotorcade din
                    ang partido sa mga palengke ng botolan,
                    san felipe, san narciso , castillejos ,
                    subic at olongapo city.

                    Pinangunahan din ng pangulo ang
                    proclamation rally ni senatorial
                    candicate Richard Gordon sa olongapo.

                    Samantala, mga taga-dulong hilagang
                    Luzon naman ang binisita ng ticket ni
                    presidential candidate Fernando poe jr.

                    Alas-otso ng umaga dumating sa nueva
                    viscaya si FPJ sakay ng isang chopper.

                    Nagmotorcade ang partido sa bayumbong ,
                    nueva vizcaya. Nagtungo rin ang grupo sa
                    Isabel, tuguegarao at cagayan.




                    National news ...

                    Sinuyod naman ni presidential candidate
                    raul roco ang tarlac, ang hometown ng
                    kanyang bise presidente na si hermie
                    aquino.

                    Una pinuntahan ng grupo ni roco ang
                    palengke ng Capas.

                    Nagkaroon din sila ng motorcade
                    patungong tarlac state university kung
                    saan may pulong balitaan sa mga
                    estudyante kay roco.

                    Isang rally naman ang nakatakdang gawin
                    ng partido ngayong gabi sa concepcion ,
                    tarlac.

                    Samantala, nag-ikot naman sa lalawigan
                    ng quezon si presidential bet panfilo
                    lacson.

                    Sa Balanga at dinalupihan bataan naman
                    nangampanya ni eddie Villanueva.

                    Pahinga pa rin si presidential aspirant
                    eddie gil ngunit sa linggo ay
                    mangangampanya siya sa dagupan city.


                    National news ...

                    Balewala kay pangulong arroyo kahit pa
                    sumailalim sa crash course si Fernando
                    poe jr. sa Harvard-trained economist at
                    economic professor.

                    Ipinagmalaki ng pangulo na iba pa rin
                    ang kasanayan, karanasan at pagiging
                    eksperto sa pagpapatakbo ng ekonomiya.

                    Ayon sa pangulo, maaring humina ang
                    imahe ng bansa sa international business
                    circle kapag isang hindi sanay at walang
                    karanasan ang nakaupo sa malacanang.

                    Napag-alaman na si FPJ ay nagpaturo sa
                    kilalang ekonomista na si bernardo
                    villegas upang ipakita ang kanyang
                    sinseridad na pagsanayan ang
                    pagpapatakbo ng kabuhayan ng bansa.


                    National news ...

                    Ang Malacanang ang itinuturo pinagmulan
                    ng balitang nagpapa-ampon si vice
                    presidential candidate loren legarda kay
                    presidential bet panfilo lacson sakaling
                    madiskwalipika si fernando poe jr.

                    Sinabi ni atty. Jesus crispin remulla,
                    na walang ganitong alok kay loren mula
                    sa panig ni lacson.

                    Aminado naman si remulla na lumapit sa
                    kanilang pamilya si loren upang humingi
                    ng tulong ngunit nakay lacson na umano
                    kanilang buong suporta .



                    National news ...

                    Itinanggi ng malacanang na nagbitiw na
                    si secretary mike defensor.

                    Sinabi ni presidential spokesman Ignacio
                    bunye na mananatili si defensor sa
                    kanyang trabaho bilang spokesman on
                    campaign issues.

                    Pinabulaanan din naman ni defensor ang
                    ulat na inalis siya dahil sa umanoy
                    pang-iisnab sa pangulo ng lider ng
                    iglesia ni cristo

                    wala aniyang dapat maging isyu sa
                    pagbisita nila sa INC dahil maayos
                    silang hinarap doon.

                    Samantala, hinirang naman si dating
                    press undersecretary Serg Remonde bilang
                    bagong media bureau chief ng K-4
                    coalition

                    Ayon kay bunye, bilang media bureau
                    chief si remonde ang mangangasiwa sa
                    presidentiala media campaign coverage at
                    K-4 team.

                    Pinili umano si remonde dahil sa kanyang
                    malawak na karanasan sa broadcast
                    industry.




                    National news ...

                    Duda ang southern police district sa
                    napaulat na pagdukot at pagpapahirap sa
                    isang tagasuporta ni FPJ.

                    Batay sa salaysay ni Richard rivera,
                    manugang ni Melo Santiago na kilalang
                    tagasuporta ni FPJ, kinidnap siya sa
                    taguig saka pinakain ng posters ni FPJ
                    at pinainom ng brake fluid.

                    Sinabi ni SPD chief prospero noble na
                    wala silang natanggap na report hinggil
                    sa insedente

                    Sa kabila nito, inihayag ni noble na
                    handa silang kunin ang panig ni rivera
                    kung gusto nitong magreklamo para
                    maimbestigahan ang pangyayari.


                    National news ...

                    Hindi gagamit si pangulong arroyo ng
                    "dirty tricks" sa pangangampanya.

                    Reaksyon ito ng malacanang sa pahayag ng
                    fund raiser at supporter ni FPJ na si
                    Melo Santiago na "political harassment"
                    ang nangyari sa kanyang manugang na si
                    Richard rivera.

                    Iginiit ni presidential spokesman
                    Ignacio bunye na nangako na noon pa ang
                    pangulo sa pagkakaroon ng marangal na
                    pangangampanya at kokondenahin ang
                    anumang sisira sa prinsipyong ito.


                    National news ...

                    nakumpleto na at pormal nang naisumite
                    ng national bureau of investigation ang
                    mga ebidensya laban kay council on
                    Philippine affairs secretary general
                    pastor boy saycon at sa pitong iba pa.

                    ang complaint affidavit ay kaugnay ng
                    kasong disrespect for the flag o
                    paglabag sa republic act 84-91.

                    Naisumite na rin ng NBI ang complaint
                    affidavit laban sa pitong iba pa hinggil
                    sa kasong illegal use of uniform o
                    paglabag sa article 1-7-9 ng revised
                    penal code.

                    Magugunitang inireklamo ni saycon ang
                    hindi kumpletong impormasyon na nakasama
                    sa subpoena laban sa kanya.

                    Si saycon ay ini-uugnay sa grupong kawal
                    pilipino at magdalo group na una nang
                    nagtangkang pabagsakin ang
                    administrasyong arroyo.



                    National news ...

                    Dalawang miembro ng new peoples army ang
                    napatay sa engkwentro ng militar sa
                    mandaon, masbate.

                    Nangyari ang sagupaan sa pagitan ng mga
                    elemento ng army 5th scout ranger at mga
                    rebelde sa barangay cabitan

                    Kinilala ni civil military relations
                    officer ng 901st infantry brigade capt.
                    Domingo maceda ang isa sa mga napatay
                    na si Tatad Rabino

                    Nakarecover naman ang militar ng M-16
                    rifle , dalawang handheld radio, rifle
                    grenade, homemade shotgun at mga
                    subersibong dokumento.


                    National news ...

                    Nadakip na ang lima sa mga rebeldeng NPA
                    na lumusob sa isang police detachment sa
                    masbate na ikinamatay ng walong pulis

                    Kinilala ni PNP chief director general
                    hermogenes ebdane jr. ang mga arestado
                    na sina Jorbin Naboy, Luciano Apues,
                    Ariel Apues, Michael Daoaton at Aladin
                    Soriaga.

                    naaresto ang mga suspect sa follow-up
                    operations ng pinagsanib na pwersa ng
                    Mandaoan Municipal police station at 5th
                    scout ranger company sa sitio layag,
                    barangay tagpo, magdaoan , masbate.

                    Nabatid na ang mga naaresto ay kinilala
                    ng PNP personnel na nakaligtas sa pang-
                    aambush noong Lunes ng hapon sa
                    milagros, masbate.

                    Ang mga naarestong NPA ay nasa kustodiya
                    na ng Masbate provincial police office
                    at isinasailalim sa tactical
                    interrogation.



                    NATIONAL NEWS RMN
                    FEBRUARY 20, 2004


                    Bahala na ang National Anti-kidnapping
                    Task Force sa kaso ni Richard Rivera.

                    Ayon kay National Capital Region Police
                    Office Chief General Ricardo de Leon
                    matapos dukutin si Rivera at magbigay ng
                    dalawandaang libong pisong kapalit ng
                    kanyang pag-laya.

                    Ipinag-kibit balikat rin ni De Leon ang
                    balitang kaya hindi nag-pa-blotter sa
                    kanila ang pamilya ni Rivera ay dahil
                    walang tiwala ang mga ito sa mga pulis.



                    NATIONAL NEWS RMN
                    FEBRUARY 20, 2004


                    Hindi nagbabago ang posisyon ni
                    Pangulong Arroyo kaugnay sa mga Pinoy
                    Contingents sa Iraq.

                    Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio
                    Bunye, hindi maaring magpatakot ang
                    pamahalaan sa mga suicide bombing para
                    lamang maudlot ang kontribusyon ng
                    pamahalaan sa rehabilitasyon ng Baghdad.

                    Katunayan aniya, pinuri ng Pangulo ang
                    Filipino contingent dahil sa kanilang
                    katatagan at paninindigang manatili sa
                    Iraq sa kabila ng panganib na hatid ng
                    mga loyalista ni Saddam Hussein.



                    NATIONAL NEWS RMN
                    FEBRUARY 20, 2004


                    Hindi kumbinsido si Palawan council for
                    sustainable development staff at
                    executive director Winston Arzaga na ang
                    puerto prinsesa ang pangunahing entry
                    point ng mga sodium cyanide sa lalawigan
                    ng palawan.

                    Taliwas ito sa paniniwala ng Palawan NGO
                    network incorporated o PNNI.

                    Ayon kay Arzaga, kung susuriing mabuti,
                    pinakahuli sa mga option ng mga
                    nagnenegosyo ng sodium cyanide na idaan
                    ang kanilang kemikal sa puerto prinsesa.

                    Ito ay dahilan sa mas magandang entry
                    point ang mahabang baybayin ng lalawigan
                    kung saan ipinapasok ang sodium cyanide
                    dahil malayo sa mga mata ng otoridad.

                    Inihalimbawa ng PCSDS ang mga bayan ng
                    Taytay at Coron.

                    Posible ding entry point ang ibang
                    coastal area ng palawan na may direktang
                    biyahe papuntang maynila,

                    Binigyang-diin ni Arzaga na maraming
                    paraan ang para maipasok ang kemikal na
                    gingamit sa illegal fishing.

                    Napag-alaman na kulang ang pwersa ng
                    otoridad sa palawan para supilin ang
                    sodium cyanide.

                    Ang sodium cyanide ang pangunahing
                    pumapatay sa mga korales sa nasabing
                    lugar.



                    NATIONAL NEWS PBS
                    FEBRUARY 20, 2004


                    Walang hurisdiksyon ang korte suprema
                    upang pagpasyahan ang disqualification
                    case ni presidential candidate fernando
                    poe junior.

                    Ito ang iginiit ni dating associate
                    justice vicente Mendoza, isa sa mga
                    friends of the court.

                    Ayon kay mendoza, hindi pwedeng
                    magpulong ang korte suprema bilagn isang
                    electoral tribunal upang pagpasyahan ang
                    kaso ni FPJ.

                    Isa si mendoza sa mga humarap sa mataas
                    na hukuman upang tumulong sa pagresolba
                    sa kasong naglalayong i-diskwalipika si
                    FPJ sa presidential race dahil hindi
                    umano ito natural-born filipino

                    Iginiit naman ng mga petitioner na
                    illegitimate chilled FPJ dahil kasal ang
                    kanyang ama kay Paulita Gomez bago pa
                    man sila nagkaanak ni Bessie Kelly na
                    isang amerikana.



                    NATIONAL NEWS PBS
                    FEBRUARY 20, 2004


                    Matapos muling bumagsak ang piso sa
                    pinakamababang lebel sa kasaysayan,
                    umapila ang malakanyang sa buong
                    sambayanan na maging mahinahon para
                    tumatag ang salapi ng bansa.

                    Naniniwala ang palasyo na ang pagbulusok
                    ng piso ay dulot ng pangamba ng merkado
                    sa kilos protesta ng mga taga-suporta ni
                    FPJ.

                    Umapila si presidential spokesman
                    ignacio bunye na maging mahinahon dahil
                    babalik din sa katatagan ang ating
                    pananalapi.

                    Hinimok din niya ang FPJ supporters na
                    respetuhin ang batas at huwag panaigin
                    ang anarkiya.

                    Sinabi naman ng mga market analyst na
                    ang mga pagbabanta ng mga maka-FPJ ay
                    nagdudulot ng agam-agam sa merkado.




                    Police report ...

                    Halos maputol ang leeg ni Lolita Tanate
                    matapos pagtatagain ng kanyang mister na
                    nakilala sa pangalang Edgar sa loob ng
                    kanilang bahay sa sitio batang-batang,
                    barangay talaban, himamaylan city,
                    negros occidental.

                    Duguan na at nakabulagta sa sahig si
                    lolita nang madatnan ng kanyang mga
                    kamag-anak

                    May mga sugat din ito sa pisngi at
                    kamay.

                    Ayon kay Edgar, matinding selos ang nag-
                    udyok sa kanya na pagtatagain ang
                    kanyang asawa. Ngunit labis nang
                    nagsisisi ang suspect sa kanyang nagawa.

                    Nahaharap ngayon si Edgar Tanate sa
                    kasong parricide.



                    Police report ...

                    Inireklamo na naman ng pangingikil ang
                    pinuno at ilang tauhan ng central police
                    district- baler station

                    Sa reklamo sa NCRPO ni Honey Gonzales ,
                    23-anyos, hinarang siya ng ilang pulis
                    mula sa baler station habang sakay ng
                    scooter sa barangay bago-bantay quezon
                    city noong enero a-bente.

                    Aniya, kinapkapan siya at dinala sa
                    prisinto at siya ay sinampal, pinalo ng
                    bote at inilublob ang mukha sa isang
                    timbang tubig at pilit pinaamin sa isang
                    kasalanan na hindi naman niya alam

                    Kinikilan pa umano ni CPD station 2
                    chief col. julius ceasar abanes ang
                    babae ng isang daang libong piso na
                    ibinaba na lamang sa dalawampung libong
                    piso.

                    Kinuha rin ang kanyang cellphone at
                    scooter.

                    Magugunitang si abanes din ang
                    inireklamo noon ng batang aktor na si
                    Patrick Garcia.




                    Business news ...

                    Muling naitala sa all-time low ang
                    halaga ng piso kontra dolyar

                    Mula sa pagsasara kahapon sa 56-pesos
                    and 20-centavos, nagbukas ang palitan
                    kanina sa 56.28.

                    Sumadsad pa ito sa 56.35 -- ang
                    pinakamabababang halaga ng piso sa
                    kasaysayan ng pilipinas sa kalakalan
                    ngayong umaga

                    Pumalo lang sa pinakamalakas na 56.26
                    ang piso kanina.

                    Ayon kay astro del castillo ,
                    tagapagsalita ng association of
                    securities and stocks analysts of the
                    Philippines, dulot ito ng corporate
                    demand at patuloy na agam-agam ng mga
                    mamumuhunan

                    Muling nanawagan ang grupo na respetuhin
                    ang mga kinauukulan ang magiging ng
                    korte suprema sa isyu ng citizenship ni
                    FPJ.
                  Your message has been successfully submitted and would be delivered to recipients shortly.