Loading ...
Sorry, an error occurred while loading the content.

Talumpati tungkol sa “Pag ibig sa Diyos”

Expand Messages
  • ADORACION
    Talumpati tungkol sa Pag ibig sa Diyos Kadalasan, kapag ang mga paksang tumatalakay tungkol sa Diyos na ang pinag-uusapan, nagiging natural na reaksyon na
    Message 1 of 1 , Jan 31, 2012
    • 0 Attachment

                                         Talumpati tungkol sa "Pag ibig sa Diyos"

       

      Kadalasan, kapag ang mga paksang tumatalakay tungkol sa Diyos na ang pinag-uusapan, nagiging natural na reaksyon na lalong lalo na sa mga kabataang katulad natin ang pagiging hindi interesado sa usapin o di kaya'y pagkabagot sa paksang tatalakayin. Ang mga paksang ito ay hindi kasi nakakakuha ng atensyon kung ihahambing sa mga paksang tumatalakay sa pinakabagong computer games, pinaka-hit na makabagong kagamitan, pinag-uusapang teleserye, pinagkakaguluhang artista, at iba pa. Madalas, nagiging interesado tayo sa mga paksang ukol sa makamundong kaligayahan kaysa sa mga paksang espiritwal.

       

      Ngayong umagang ito, hindi man nakakanakaw ng interes ang tunog ng pamagat ng aking talumpati, ngunit nawa'y pakinggan ninyo ang nilalaman nito upang maipaabot ko sa inyo kung ano nga ba ang pagmamahal ng Diyos. Malay natin, pagkatapos ng aking talumpati ay mapupukaw ang inyong interes na makialam at bigyan ng puwang ang mga usaping may kinalaman sa Diyos.

       

      Sa inyong palagay, ano nga ba ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan? Alam mo ba kung paano ilalarawan ang pagmamahal ng Diyos? Maihahambing ba sa isang bagay ang uri ng pagmamahal meron ang Diyos para sa tao? Gaano kalaki? Gaano kalawak? Alam mo ba?

       

      Walang salitang lubos na makakapaglarawan sa pagmamahal meron ang Diyos para sa atin. Ikaw. Ako. Tayo. Tayo ay narito dahil mahal tayo ng Diyos. Tayo ay narito dahil sa biyaya na bigay ng Diyos. Binibiyayaan tayo ng Diyos dahil tayo ay mahal niya.

       

      Talumpati tungkol sa "Wikang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas"

       

       "Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan--ang kakulangan ng isnag tunay na pambansand kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Nauunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

      Sanaysay

      Pagkasira ng Kalikasan: Isang Historikal na Pagtingin

      PAGKASIRA NG KALIKASAN
      Isang Historikal na Pagtingin

      ni Gregorio V. Bituin Jr.

       

      Walang makapagsasabi kung kailan nagsimulang mawasak ng unti-unti ang kapaligiran. Maari nating sabihin na nagsimula ang pagkawasak na ito simula nang magkaroon ang tao ng kamalayan na may problema sa ecosystem nang may marami nang namamatay at nasasalanta (hindi dahil sa kalamidad kundi dahil sa kagagawan ng tao.) Ngunit sa wari ko, bago pa malaman ng tao na nasisira na ang kapaligiran at ang ating likas na yaman, ito ay unti-unti nang nasisira.

      Ngunit ang matinding pagkasira ng mga bahagi ng kapaligiran ay nito lamang ika-20 siglo. Ito ang panahon kung saan maraming imbensyong imbes na makatulong sa tao at sa kabuuan ng sandaigdigan ay nagkus nakapipinsala pa ng kapaligiran. Bagamat hindi natin sinasabi na ang karamihan ng mga imbensyon ng tao ay mapangwasak (sapagkat marami rin ang nakatutulong), karamihan sa mga ito ay karumal-dumal, gaya ng pag-imbento ng mga bombang nukleyar at iba pang armas-pandigma. Ang mga imbensyong pamuksa na ito ay bunsod ng taimtim nilang pagkilala sa pribadong pag-aari upang magkamal pa ng malaking tubo. Bakit at paano? Para sa mga kapitalistang bansa na halos sakupin na ang buong mundo (nangyayari na ito, lalo na ngayong panahon ng globalisasyon), hindi na baleng mamatay ang kanilang kapwa basta't malaki ang kanilang tutubuin at kikilalanin ang kapangyarihan ng kanilang bansa. Ang mga nuclear weapons ay maaari nilang gamiting panakot sa negosasyon at pananggalang sa sariling interes. Kung tutuusin, ang mga nuclear weapons na ito ay basura kung ituring ng mga mapagmahal at mapag-alaga sa kalikasan at kapaligiran. Ganyan katindi ang sistema ng pribadong pagmamay-ari ng mga kagamitan sa produksyon o kapitalistang sistema. Alalahanin sana natin ang Three Mile Islands accident at ang Chrenobyl incident noong 1986 kung saan nagkaroon ng leak ang mga nuclear facilities ng Russia at milyong tao ang naapektuhan.

      pambenta para makapag-survive at masustenahan ang kanyang mga pangangailangan. Ganyan kasi mag-isip ang kapitalista. Bata pa lang ang puno, may presyo na. Para kang sinukatan ng kabaong samantalang buhay na buhay ka pa at malakas.

      Ito ang nakasaad sa isang libro ng Democratic Socialist Party (DSP) ng Australia na tumatalakay sa kalikasan, "The law of profit doesn't care for the law of nature." (Ang batas ng tubo ay walang pakialam sa mga batas ng kalikasan.) Ibig sabihin, kung ang prayoridad ng isa ay ang kanyang tutubuin, wala na siyang pakialam sa kalikasan, ito man ay masira. Pero kung tutuuisn, nag-iisip din naman ang mga kapitalista ng solusyon sa pagkasira ng kalikasan, dahil baka naman daw masira ang pagkukuhanan nila ng mga hilaw na materyales. Haaay, buhay nga naman!!!

       

             Sanaysay tunkol sa "Wikang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa tuwid na Landas

      Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?

      "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

      Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba't-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating `Ama ng wikang Pambansa' si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika't panitikan.

      Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa'y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!

      Tula tungkol sa "Pagiging Makabayan

       

      Nasa ibang bansa ka man 'di pa rin nakalilimot
      'Pagkat sa puso mo bayan na'y nailuklok
      Kaya't sa paghawak ng pluma itong tinutula
      Binibigkas at inaawit mo hangad na paglaya

       


      Panulat mo'y tigib ng kasawian at lumbay
      Larawan ng Pilipinas iyo lamang isinasalaysay
      Sa bawat dukhang lumuluha ikaw'y karamay
      Hagupit ng lipunan sa iyo ri'y lumalatay.

       


      Kay Amado Hernandez ka maihahalintulad
      Sa bawat himaymay ng dugo, bayan ang ipinipitlag
      'Di nila nasupil ipiniit man sa loob ng rehas
      'Pagkat tunay na laya ay walang halagang katumbas.

       


      Kasama, salamat sa mga akdang walang singtapang
      Sa pag-aalay ng diwa sa sambayanan
      Mistula kang nasa gitna ng himagsikan
      Na ang sandata'y pagiging makabayan!


       

      Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Diyos

      AMA NAMING BANAL


      (Christian Poem for God the Father)

      Dakilang Ama sa ikapitong langit,
      Salamat sa buong isang taong marikit,
      Puno man ng pagsubok unos na malupit,
      Matibay pa rin ang aming pagkapit!

       


      Kung naging suwail kaming mga anak
      Nakahandang ilahad itong mga palad
      Paluin mo kami ng pamalong hawak,
      Upang magtanda nga at kami'y tumatag.

       


      Tiklop-tuhod Ama kaming maliliit
      Sinasamba ka naming walang pagsusulit
      Wala nga kaming itulak-ikabig
      Sa banal mong pangalan kami'y nakasalig!

       


      Idinadalangin namin ang lahat ng ito
      Sa pangalang ng `yong Anak na si Kristo
      Tagapagligtas namin sa daigdig na ito,
      Upang ipag-adya sa lupit ng imp'yerno!

       

       

      Tula tungkol sa Pagmamahal sa Kalikasan

       

      O aking bansang sinilangan.
      Ikaw ang Perlas ng Silangan.
      Angking ganda'y nakakawiling tingnan.
      Bigay ay kasayahan sa bawat nilalang.

       

      Maraming nalungkot ng ang Bagyong Ondoy ay nagdaan.
      Ang sentro ng naapektuhan ay ang Kamaynilaan.
      Lubhang napakarami ang nasalanta.
      Paano nga ba makakaahon sa naiwan mong trahedya?



      Sa kabila ng lahat ay nakakatuwa.
      Nagtutulungan ang bawat isa.
      Mayaman, mahirap maging ang mga sikat.
      Nagtutulong tulong upang muling makaangat.

       

      Salamat sa oras na ginugol ninyo.
      Sa pagbasa ng simpleng tula tungkol sa kalikasan na ito.
      Sana ang lahat ay huwag makalimot magdasal.
      Nawa'y ang Diyos sa atin ay gumabay.

    Your message has been successfully submitted and would be delivered to recipients shortly.