Ang Yahoo! Group na ito ay para sa lahat ng "mga kapatid" na madalas gumamit ng kompyuter at internet.
— yung mga kapatid na madalas online, nakikipag-chat, nagba-browse ng kung anu-ano habang nasa bahay, eskwela, trabaho, o kung saanman —
Ito ay naglalayong magkatulong-tulong ang mga kaalaman at kakayahan ng bawat kapatid na interesado sa mas ikasusulong pa ng ating paglilingkod bilang Kristiyano.
Alam naman nating lahat tayo'y nais makatulong sa pinakamaliit na paraang ating magagawa. Ang minsan lang na nakapipigil sa atin (bukod sa kasalanan) ay ang hindi natin lubos na pagkaalam sa ilang mga bagay, lalo't patungkol sa pagiging produktibong Kristiyano dito sa web.
Marami pa akong pwedeng idaldal dito (dahil sa dami ng mapag-uusapan).
Pero kung nakukuha mo na agad ang ibig kong ipunto, salamat naman po sa Dios.
Sabi nga daw, "walang katagang sabi, sa marunong umintindi".
Kaya habang nanghuhula ka pa kung ano bang meron dito sa Ang Dating Daan Yahoo! Group, ay huwag nang magpatumpik-tumpik pa na sumali at pindutin ang button.
Bilis. Now na!
