Ito ay isang mainit at napapanahong egroup ng Yahoo na pinupugaran ng mga matitinik at maabilidad na mga mag-aaral ng Paco Catholic School Grade School Batch 1975. Layunin ng grupong ito ang panumbalikan ang mga masasayang alaala ng mga miyembro noong panahon ng kamusmusan nito, mula sa PCS Elementary Campus hanggang sa "kalburo country", at iugnay sa pangkasalukuyan kalagayan para mabigyan ng malinaw na pagsusuri at batayan ang pinaka-ugat ng kabaliwan sa (ka)mundu(han). Halina't sumali at makibahagi kung kabilang ka dito at kung mayroon kang mga katanungan sa iyong personalidad o pagkatao, masisiguro mong dito lang matatagpuan ang mga kasagutan. Makipag sabuwatan muli sa mga dating mga kamag-aral na mas kilala lang natin noon sa kanilang apelyedo, o di kaya'y sa mga bansag gaya ng Bangaw, Manok, Buni, Tuga, Ulo, Uhog, Mata, Baba, Pusa, Ilong, Bangkay, Buto, Kapre, Puwet, Kuba, Duling, Siyokoy, Bunot, Cheng-Hwa, Galis-Aso, Bakulaw, Tiyanak, Yokabing, Aso, Egoy, Balot, Lolo, Labi, Manyak, atbp!
|