MABUHAY ANG ATING UNANG SULYAP!!!
OUR FEATURED POEM:
ANG PAG-IBIG
Isinalin sa Tagalog Ni Raul Funilas
EL AMOR (Kastila)
LEVANTANDO UNA NUBE DE POLVO,
EL CAPITAN PARA GALLARDAMENTE EN BRIOSO ALAZAN.
CABALLO'Y CABALLERO BORDAN GRACIOSAS HUELLAS;
LAS MOZAS SE DETIENEN EN MITAD DEL SENDERO;
EL CABALLO RELINCHA, SONRIE EL CABALLERO,
Y LA MAS BELLA DE ELLAS,
NO CONSIGUIENDO REPRIMIR SU AFAN,
COGE UNA FLOR Y, TIMIDA, SE LA DA EL CAPITAN.
LAS COMPAÑERAS RIEN CON INFANTIL CANDOR;
EL CAPITAN SE INCLINA PARA BESAR LA FLOR.
¿QUIEN ES?-- CLAMA, MORDIRO POR LA ENVIDIA,
UN GAÑAN; Y TODOS, POR INSTINTO, RESPONDEN: "EL AMOR."
Ang Pag-ibig
(Tagalog)
"Umalimbukay ang alikabok
pagdaan ng makisig na kapitan sakay ng kanyang alasan.
Kabayo't kabalyero'y naglagda ng matitikas na bakas;
napatda sa gitna ng daan ang dalagang mayuyumi;
humalinghing ang kabayo, kabalyero ay ngumiti,
at ang pinakamarilag sa lahat,
sa bugso ng damdaming di mapigilan,
pumupol ng isang bulaklak
at kiming ibinigay sa kapitan.
Nagtawanan ang mga kasamang tila mga paslit;
yumukod ang kapitan at sa bulaklak ay humalik.
Sino siya?--usig ng isang binatang giyagis ng inggit;
At ang lahat, wala sa loob na sumagot: "Ang Pag-ibig."
Hango sa tula ni Bernabe Manuel
*** Mga Kamakata, nasa FACEBOOK na tayo!!! Mananatili pa rin itong ating tahanan dito sa Yahoo groups. Nag pa extend lang tayo ng terrace sa FB. upang sumiglang muli ang ating samahan. Ang mga tulang ipapaskil doon ay ipapaskil din natin dito. see u all there!!!
*** Please visit http://emanila.com/videos to watch Kamakataan Group's and members' individual videos.
*** Kamakatang Danny (Dodie) Diaz, wagi sa Tulaan Sa Tren-2!!! congrats, at hihintayin namin ang iyong tula sa mga tren ng LRT....
***Simula ngayong Setyembre 7, 2009 ang ating tahanan ay tatawagin nang KAMAKATAAN...
*** KAMAKATAAN on You Tube... panoorin ang ating mga kamakata sa atin
|